Chapter 1 : The Beginning

1.1K 25 0
                                    

Chapter 1
THE BEGINNING

-is the first part or section of something, or the place where it starts.

DIEGO'S POV


Paulit-ulit kung hinihithit ang yosing hawak ko at malayang binubuga ito sa kawalan habang nakatingin sa baso na may lamang alak na nasa ibabaw ng table dito sa rooftop ng isang sikat na casino sa Pilipinas.

Gusto ko lang pagmasdan ang tahimik na gabi ng Metro Manila. Walang tigil ang pag-usad ng mga sasakyan at makukulay na mga ilaw sa gabi. Malaya kong napagmamasdan ang lahat ng ito na para bang nakawala ako sa sarili kung katawan.

Hindi ko alam kung para saan ako nabubuhay? Nabubuhay ako dahil may tungkulin ako o nabubuhay ako dahil kailangan?

Huminga ako ng malalim at isa isa kung inisip ang bawat katangian ng mga kaibigan ko. Simula pagkabata ay magkakilala na kami dahil sa mga magulang namin na bahagi ng Mafia Syndicate.

Natatandaan ko pang saad sa akin noon ni Daddy habang abala ito sa paghawak ng kanyang baril. Ipinakita niya iyon sa akin at ipinaliwanag kung ano iyon.

"Kailangan mo ng matutong humawak ng baril, gusto kong maging mahusay kang sniper gaya ko. Sa susunod na araw ay ipapadala kita sa ibang bansa upang magsanay."

Tutol si Mommy noon sa nais ng aking Daddy ngunit wala ring nagawa si Mommy kundi ang dalhin ako sa ibang bansa upang magsanay bilang isang Mafia. Maging ako ay walang nagawa noong nagsasanay na ako, puno ng takot at pangamba ang aking sarili. Sa murang edad ko na sampung taon ay nakapatay na ako ng tao.

Being in a MAFIA is not good. Akala ng iba, kapag nakakarinig ng Mafia ay isa itong magandang organization but the truth is we're killing people for the seek of our syndicate.

I want to be free, to live life, to have freedom but freedom in Mafia is my DEATH. Kamatayan para sa hinahangad naming kalayaan.

Ito ang sinumpaan na aking ginagalawan. The world of Mafia.

"Hey kanina pa kita hinahanap Bro."

Napalingon ako at tiningnan si Felix. Deretso ang mga tingin niya sa akin na para bang sasaktan niya ako. Katulad na katulad siya ni Calvien, nawalan ng pakiramdam dahil sa Mafia. Seryuso at walang emosyong pinapakita sa amin. Ilang beses ko lang siyang nakitang ngumiti at marinig ang kanyang mga tawa.

"What's the matter? Bat parang nag-iisa ka." Saad niya ulit.

"Gusto ko lang marelax."

"Come on Bro, if I know gusto mo lang bumawi ngayon. As far as I know may 10 million ka ng utang sa akin." Sabi pa niya habang nakatingin sa mga mata ko. Iniwas ko ang aking tingin sa kanya at lumagok ng alak.

May utang ako sa kanya na 10 million dahil natalo ako sa sugal nitong nakaraang araw. Si Felix ang may-ari ng Casino Building na ito.

"Instead na magmukmok ka diyan, bakit hindi ka na lang ulit maglaro, malay mo this is your night." Sabi pa niya habang tinataas-baba nito ang kanyang kilay. Napailing na lamang ako at muling lumagok.

The STRANGER Series II : DIEGO FERRONIWhere stories live. Discover now