Epilogue

378 11 0
                                    

EPILOGUE


DIEGO'S POV

Isang taon ang lumipas mula ng ikasal kami ni Bolivia. Sobrang bilis ng panahon parang kailan lang, pareho kaming nangarap tapos heto, masaya kaming nagsasama. Naisilang na rin niya ang aming anak, pinangalanan namin itong Soledad.

Ganito pala ang pakiramdam kapag may anak na, sa bawat umaga na gumigising ako ay may nakangiti ng nakaguhit sa mga labi ko kaya walang dahilan para hindi ako magsipag.

"Are you ready?" Ang tanong ko sa aking asawa na buhat buhat ang aming anak. Ngayong araw ang binyag ni Soledad.

Tumango naman siya bilang tugon kaya inalalayan ko na siyang lumabas. Kinuha ko naman yung bag kung saan nakalagay ang mga gatas ng baby.

"Sweetheart," ang tawag ko. Napatigil siya sa paglalakad at tumingin sa akin. "Salamat."

"Salamat? Para saan?"

"Dahil dumating ka sa buhay ko. Binigyan mo ng kulay ang magulo kung mundo. You and Soledad is my happiness." Ang sabi ko.

Ngumiti siya ng malapad dahil siguro sa sinabi ko.

"Ako ang dapat mag thank you sa iyo dahil hindi mo ko sinukuan. Di mo ko iniwan, tinanggap mo kung sino ako. Wala na kung hihilingin pa kundi ang maging mabuting asawa mo." Saad niya. Lumapit ako sa kanila at hinalikan ko siya sa kanyang labi ganon din ang aming maliit na anghel.

Walang araw at gabi na lagi kung pinagdadasal na magkaroon kami ng magandang buhay, walang gulo, malayo sa totoong mundo ng Mafia.

Habang nagmamaneho ako ay hindi ko maiwasan ang mapatingin sa kanila. Minu-minuto ko silang tinatanong kung okay lang ba sila. Nakasanayan ko na nga yata. Ang sarap lang sa pakiramdam na makita ko ang aking mag-ina na masaya parang nasa heaven na ako.

Ilang sandali pa ay nakarating na nga kami sa simbahan. Agad naman kaming sinalubong ni Mommy at Tita. Nakakatuwa sila dahil magkasundong magkasundo sila.

"Ang cute naman ng apo ko. Ayy, nagpapout siya. Ang cute! Manang-mana sa Lola." Ang saad ni Mommy. Napangiti naman kami habang pinagmamasdan ko sila.

"Kuya!" Agad akong napalingon kay Herlene na karga karga din ang anak niya.

It's been a long year ng huli kaming magkita. Malaki na ang anak niya. Niyakap ko sila ng makalapit sa akin. Miss na miss ko na din 'tong kapatid ko. Masaya ako dahil nakayanan niya lahat sa kabila ng kailangan niyang magpakalayo para sa kapakanan ng pamilya. Sa ngayon hindi na niya kayang magpakalayo dahil tanggap na nila Mommy at Daddy ang nangyare sa kanya.

"Ang laki na ng anak mo." Ang saad ko.

"Oo nga Kuya, parang kailan lang. I'm sorry hindi ako nakapunta sa kasal mo." Saad pa niya.

Lumapit kami kila Mommy kaya nakipagbeso siya kay Bolivia. Masayang masaya ako sa tagpong ito ng buhay ko. Sa wakas, natupad na lahat ng pangarap naming dalawa ni Bolivia.

Pumasok kami sa loob ng simbahan kung saan nadatnan namin ang mga bisita. Nabaling ang aking tingin kung saan naroon sila Calvien, Felix at Daniel kaya agad ko silang nilapitan.

Bibihira na lang kami magkita ngayon.

"Kung hindi pa binyag ng inaanak namin, hindi ka magpapakita." Ang seryusong sabi ni Calvien.

"I'm sorry guys, alam niyo naman, family first!" Sagot ko.

Nagkumustahan kami na parang sobrang tagal na naming hindi nagkitakita. Matagal na nga ang apat na buwan.

Si Calvien hindi pa rin tumitigil sa paghahanap kay Beverly. Inaantay niya pa rin ang pagbabalik nito. Wala naman akong ibang hinihiling kundi ang makita siyang masaya.

Si Felix, nabalitaan kung pupunta siya ng Greece para sa isang project na kailangan niyang gawin. Mukhang matatagalan nga bago ulit kami magkitakita.

"Kailan ba namin makikita ang nakalaan sayo Daniel?" Ang tanong ko.

"Ako nga hindi ko pa nakikita ang babaeng pinagkasundo sa akin, uunahan niyo pa ako!" Ang pilyong sagot niya dahilan para mapangiti kami.

Tatlong buwan raw mula ngayon ay makikilala na niya ang babaeng inilaan sa kanya ng mga magulang niya. Ni minsan kasi hindi niya pa ito nakikita kahit kailan sa buong buhay niya basta ang alam niya kapag pareho na silang nasa 30's ay saka lamang sila magtatagpo.

"Good luck!" Ang saad ni Felix kay Daniel.

Nalulungkot ako sa part na masyado na kaming mga busy sa kanya kanyang mga buhay. Sana magkaroon pa rin kami ng oras sa isa't-isa. Para ko na silang kapatid.

Napadako naman ang kanilang tingin ng pumasok na sa loob ng church ang mag-ina ko kasama sila Mommy at Herlene. Napansin nila iyon kaya pinagkaguluhan nila ang anak ko. Pinanggigilan at pinaglulukong kamukha ko raw ang anak ko. Napapangiti na lamang ako habang pinagmamasdan ko sila. Ang cute lang nilang tingnan, para pa rin silang mga bata.

Ilang minuto pa ang lumipas at nag-umpisa na nga ang pagbibinyag sa anak ko. Dito sa atin, isa ito sa mga tradisyon na ginagawa sa isang sanggol upang maging ganap na kristiyano. Hindi ko mapigilan ang aking sarili. Ganito pala ang pakiramdam na maging isang ama.

Nagtawanan kami ng nagulat ang baby dahil sa pagbasa ng ulo nito. Ang cute lang pagmasdan. Sobrang napaka priceless.

Matapos ang binyag ay dumiretso kami sa hotel kung saan kami kakain ng lunch. Pamilya na ang turing ko sa mga kaibigan ko, gusto ko kapag may masayang okasyon o masayang nangyare sa akin ay naroon sila. Malaki ang naging ambag nila sa buhay ko para maging ganito ako.

Inalalayan ko ang aking mag-ina na maupo katabi ko. Sila Mommy at Daddy naman ay hindi ko maitatanggi kung gaano sila kasaya ngayon, tulad ko ay wala rin silang pagsildan.

Ang mga tawa nila ay parang isang napakagandang musika sa aking pandinig, nakakataba ng puso na makita ko silang kumpleto na tila walang iniisip na iba kundi ang sandaling ito. Sobrang napaka-blessed ko na meron akong pamilya, kaibigan, asawa at anak na nagsisilbing pundasyon ko upang maging matibay sa lahat ng oras.

Napatingin ako kay Bolivia at tila ba nanumbalik ang unang araw na nagtagpo kami. Hinding-hindi ko iyon makakalimutan. Ang tagpong kumuha ng aking atensyon ng gabing iyon.

Unang kita ko pa lang sa kanya ay alam kung iniibig ko na siya at tunay ngang hindi natuturuan ang puso dahil kusa itong titibok.

"I love you." Ang tanging nasabi ko sa kanya at hindi ako magsasawang sabihin ito sa kanya ng paulit-ulit maramdaman niya lang kung gaano ko siya kamahal. Kulang ako kapag wala siya.

THE END (SEPT. 14, 2021)

VOTE!!! VOTE!! VOTE!!

NEXT SPECIAL CHAPTER NA PO TAYO.

SANA SUPURTAHAN NIYO DIN PO YUNG NEXT SERIES NA TIN.

MARAMING SALAMAT SA INYO.

---

KUYA CHAD ♥️

The STRANGER Series II : DIEGO FERRONIDonde viven las historias. Descúbrelo ahora