Chapter 12 : When We We're Young

264 8 2
                                    

Chapter 12
WHEN WE WE'RE YOUNG








DIEGO'S POV

Mabilis na isinugod si Calvien sa hospital at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay. Hindi ko naman maiwasang pagmasdan si Beverly na walang tigil sa pag-iyak at sinisisi ang kanyang sarili. Hindi ko alam kung paano ko siya papakalmahin.

Sila Daniel at Felix naman ay nagpasyang umuwi na muna upang makapagpahinga na rin sila. Nagpasya akong magpaiwan upang samahan si Beverly. Pumunta rin dito si Steffany pero umuwi rin ito agad matapos matiyak na ligtas ang kapatid.

Huminga ako ng malalim at tumungo sa cafeteria upang bumili ng makakain. Punong-puno pa rin ng tanong ang aking isipan dahil sa nangyareng iyon. Muntik ng mamatay si Calvien at kapag nagkataon, wala ng mamumuno ng Mafia.

Nagsalin ako ng mainit na tubig sa cup upang timplahin ang kape na binili ko sa cafeteria. Galit ang tanging nararamdaman ko ngayon. Galit sa taong gumawa nito sa kanya.

Bumalik ako kung saan ko iniwan si Beverly. Kalmado na siya ngayon hindi katulad kanina na walang tigil sa pag-iyak.

"Coffee." Ang alok ko sa kanya. Iniabot ko ito sa kanya na siya namang kinuha niya agad. Sa nakikita ko sa mga mata niya ay alam kung labis labis ang kanyang pag-aalala.

"Salamat." Ang saad niya matapos mahawakan ang tasa na may lamang coffee.

Naupo ako sa tabi niya at pilit na pinakiraramdaman ang isa't-isa.

"Bakit hindi ka pa umuwi?" Ang tugon niya. Huminga ako ng malalim saka lumagok ng coffee. Nakatingin siya sa akin ng malalim.

"Hindi kita pwedeng iwanan. Alam ko---"

"Kaya ko." Iniwas niya ang tingin sa akin at tumingin sa kawalan. "Para saan pa at naging asawa ko siya kung pababayaan ko siya ngayon. Kailangan niya ako." Ibinalik niya ang tingin sa akin. "Gusto ko kapag nagkamalay na siya, ako agad ang makita niya, gusto kong bumawi sa kanya, sa lahat ng nagawa kong pagkakamali. Alam ko hindi ako naging perpektong asawa but this time kailangan niya ako."

"Sa kabila ng lahat nang nangyare, sa ginawa sayo ni Calvien nagiging mabuti ka pa rin para sa kanya. Humihinge ako ng paumanhin sayo Beverly dahil ako bilang kaibigan niya ay hindi kita natulungan. Hinayaan kitang makita ang kasinungalingan sa kanya. Napakabuti mong tao para maranasan ang lahat ng ito. Sana maintindihan mo, ginawa lang iyon ni Calvien upang walang mangyareng masama sayo. I know Calvien very well, ayaw niyang nadadamay sa gulo ang mga taong mahalaga sa kanya lalong lalo ka na Beverly."

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya habang nanatili naman siyang nakatitig sa akin.

"All this time, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit lagi niyong bukam-bibig ang salitang ayaw niyo kong mapahamak!" Nakipagsabayan ako sa mga titig niya. "Ang daya niyo. Ayaw niyong may mangyareng masama sa akin!? Pero kagabi hindi niyo alam kung anong nararamdaman ko habang umaagos ang dugo sa dibdib ni Calvien. Takot na takot ako Diego! Para akong mamamatay sa takot at sa nakikita ko habang sa paligid ko ang walang tigil na putukan! Hindi ko alam kung anong gagawin ko ng mga oras na iyon! Tapos sasabihin niyong ayaw niyo kong mapahamak!?"

"I'm sorry." Ang tanging nasabi ko. Hindi ko alam kung paano ko sa kanya ipapaliwanag ang nangyare.

"Kasalanan ko rin naman. Naging padalos-dalos ako sa mga desisyon ko. Mas pinili ko si Calvien at iniwan lahat dahil sa pagmamahal ko sa kanya."

"Mahal na mahal ka ni Calvien. Nakita ko iyon sa mga mata niya. Malaki ang pinagbago niya ngayon at dahil iyon sayo." Ang saad ko.

Saksi ako kung gaano kamahal ni Calvien si Beverly. Sa loob ng mahabang panahon ngayon ko lang ulit nakita si Calvien na ngumiti.

The STRANGER Series II : DIEGO FERRONIWhere stories live. Discover now