Chapter 74

6.1K 106 1
                                    

''Kuya, Ate, I'm so sorry,'' naiiyak ng sabi nito sa kanila.

Hinawakan niya sa baywang ang binata ng mapansin ang pagtalim ng tingin nito kay Gracy. Nginitian naman niya ang dalaga at nilapitan at niyakap. Napaiyak naman ito agad.

''I'm really sorry I messed up things yesterday. Hindi ko naman talaga sinadyang sabihin sa ganoong paraan kay Corrine yung tungkol sa inyo eh.'' sabi nito sa kanya sa pagitan ng paghikbi. Nakatayo lang sa likod nila si Liam habang hinahagod-hagod niya ang likod ng dalaga. ''Nakakainis na kasi siya kagabi, ang dami-dami niyang sinasabi kesyo pagdating sa Maynila pupunta sila ni Kuya sa Australia para kunin ang mga gamit niya. Kesyo nagkabalikan na sila, eh lasing na ako kaya uminit yung ulo ko.''

''But that doesn't give you the right to tell her,'' matigas na sabi ni Liam na nagpabitaw sa kanya sa pagkakayakap sa dalaga na napatingin sa pinsan nito. ''Alam ko namang gusto mo kaming tulungan eh pero alam mo ba ang gulong ginawa mo kagabi ha, Gracy?"

''Oo alam ko Kuya. Alam ko.'' nakayukong sabi nito na hinawakan niya sa likod saka tumingin sa binata giving him warning to stop. ''Anong gusto mong gawin ko to make amends?"

''Wala Gracy. Corrine won't talk to me at hindi ko alam kung mapapatawad pa ba nya ako for breaking her heart at kung matatanggap pa ba niya ang relasyon namin ni Bianca. Iniwan ko na siya sa pangangalaga ni Daniel kagabi.''

''Tinawagan ko si Daniel sabi niya mauuna na daw bumalik sa Maynila si Corrine. Si Daniel na lang daw ang kakausap kina Mother Anna para magpasalamat tapos susunod na rin daw siya pauwi. Sasabay na lang din ako kay Daniel. Kuya??"' tawag nito sa pinsan. ''Sorry na please. Ate sorry na I promise hindi na talaga ako iinum.''

''It's okey Gracy. Kahit naman magalit ako sayo ngayon o habangbuhay pa tapos na yon eh hindi na natin maibabalik. Though hindi ko gustong sa ganitong paraan malaman ni Corrine ang lahat nagpapasalamat pa rin ako sayo coz somehow pinagaan mo ang lahat sa amin ng kuya mo. And I owe you one. Thank you. Kaya huwag ka ng umiyak okey,'' sabi niya sa dalaga na pinahid ang mga luha sa pisngi nito pagkatapos ay niyakap.

Napatingin siya kay Liam ng hindi man lamang tumitinag ito sa kinatatayuan.

''Liam?" tawag niya sa binata. ''Come on, huwag mo nang pahirapan si Gracy.''

Bumuntong-hininga na lang ang binatang napatingin sa pinsan.

''Lumapit ka nga sa akin,'' tawag nito sa dalagang agad na lumapit rito at yumakap sa lalaki. ''Tama na nga baka isumbong mo pa ako sa Mama mo na pinaiyak kita rito. Just don't do it again, you hardheaded girl okey. Kaya ka pinapadala kahit saan ni Tita eh kasi ang tactless mo. Mag newscaster ka na lang kaya,'' biro niya sa pinsan ng yakapin ito at hagod-hagurin ang likod ng dalaga.

''Sorry na nga. I swear I won't do it ever again.''

''Kung hindi lang kita paboritong pinsan naku baka pinadala na kita pabalik ng Maynila. Tama na, you are forgiven. Pasalamat ka malakas ka kay Bianca. And one more thing bago ko makalimutan don't you ever dare mention anything first to Mommy dahil kami ni Bianca ang magsasabi sa kanila. And you are not going with that Daniel dahil isasama ka namin ng Cebu.''

''Mamamanhikan ka na kuya? O, M, gosh.. Ikakasal na kayo? Magpapakasal na kayo?" masayang bulalas ni Gracy na agad hinila ni Cassie para tumahimik.

''Sinong ikakasal?"

Sabay pa silang napalingon at nakita nilang papalapit sina Mother Anna at Sister Fatima. May ngiti sa mga labi ni Sister Fatima na nakatingin sa kanila dahil mukhang may ideya na ito sa nangyayari, ito lang naman kasi ang nakakaalam sa monasteryo ng tungkol sa nakaraan nila ni Liam. Nagpalipat-lipat naman ang tingin ni Mother Anna sa kanilang dalawa. Agad lumapit si Liam sa kanya at inakbayan siya na nagpapula ng pisngi niya.

Loving You MR HITMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon