Chapter 6

7K 228 6
                                    

Pagbalik ni Cassie sa loob ay tinapos niya ang pag-aayos ng cake. Pinilit niyang maging normal ang ginagawa kahit medyo kinakabahan na siya sa maaaring mangyari. Sana nga lang at hindi sa party na yun pupunta si Samuel. Pagkatapos ayusin ang cake ay nagpunta na siya sa isa sa mga restroom at inayos ang sarili. Nag lipstick siya ng medyo makapal kaysa sa normal niyang ginagamit. Nagpabango siya at nagpowder sa mukha. Nilugay niya ang buhok bago lumabas ng restroom.

Napansin niyang marami ng bisita ang dumating sa area. Nilibot niya ang paningin at bahagya siyang nakahinga ng makita sa di kalayuan si Liam. Pinagmasdan niya ito mula sa kinatatayuan niya. Ngayon pa niya napansing naka eyeglasses pala ito at may suot na bullcap. Mukha lang itong college student na namamasyal lang sa resort. Infairness kahit balitang bading ito ay gwapo ito.

Kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng magvibrate ito at namula siya pagkabasa sa text ni Liam.

Stop staring at me baka maubos ako…

Binalik niya ang tingin rito at nakitang nakangisi ito nakatingin sa kanya habang may kausap sa cellphone nito napasimangot na lamang siya at nagpatuloy na sa paglalakad. Nakasalubong naman niya si Mrs Perez na agad siyang niyakap.

        ‘’Iha, its good to see you again. Salamat sa pagdeliver ng cake. Hindi talaga kumukupas ang galing ng Mama mo sa pagkagawa ng cake. I love the color,’’ masayang sabi nito kay Cassie.

        ’Wala po yun Tita. Nataon naman po kasing wala akong ginagawa sa bahay kaya ako na ang nagdala. Hindi kasi mahindian ni Mama yung paanyaya ni Papa.’’

        ‘’Well, bakit kasi hindi ka pa mag-asawa at ng may makasama ka rin sa pamamasyal. Look at your parents napakasweet pa rin sa isat-isa hanggang ngayon.’’

        ‘’Wala pa po sa isip ko yan Tita. It will come eventually I guess.’’

        ‘’Yeah right. Darating lang si Right Guy at the right time. Bata ka pa din so enjoy life. Please stay Cassie tutal sabi mo naman wala kang ginagawa diba. Join the party. Marami akong bisita na cute guys ngayon,’’ sabi nitong kinindatan pa siya.

        ‘’Sure Tita. I’ll stay. Sayang nga lang at wala akong dalang regalo para sa celebrant.’’

        ‘’Its okey iha. Ito nga pala ang bayad ko,’’ sabi nitong nag-abot ng pera kay Cassie.

Binilang ni Cassie ang pera at binalik kay Mrs Perez ang dalawang libo.

        ‘’Discount daw po sabi ni Mama.’’

Niyakap na naman ulit si Cassie ni Mrs Perez.

        ‘’Oh thank you. Ang laking discount naman nito. Have a seat Cas babalikan kita mamaya pag nagstart na okey. Sasalubungin ko lang yung mga bisita.’’

        ‘’Sige, sige Tita. I can manage..’’ sabi ni Cassie rito.

Naupo si Cassie sa isang table na malapit sa may cake station. Nagmamasid siya sa mga dumarating na mga bisita ng maalala niyang hindi nga pala niya nakita ang latest picture ni Samuel. She hurriedly texted Liam.

Can you please send me Samuel’s photo? Nakalimutan ko ang itsura niya.

Ilang sandali lang ay nagring ang cell niya. Sinagot na rin niya doon dahil wala pa namang nagagawi sa mesa niya.

        ‘’Seriously alam mo ba ang pinasok mo? You’re offering to do the job eh hindi mo naman pala kilala ang tao?’’ sermon ni Liam ng masagot ng dalaga ang tawag.

        ‘’Naman kung makasermon. Alam ko naman eh gusto ko lang makasiguro baka kasi nag iba na yung face nya ngayon. Isesend mo lang naman eh magagalit pa.’’

Loving You MR HITMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon