Chapter 37

4K 95 1
                                    

Napagdesisyonan ni Cassie na pumasok na ng araw na iyon kahit hindi pa man natatapos ang vacation leave niya na mahigpit na tinutulan ng ina. Gusto kasi niyang alisin ang kabang nararamdaman dulot ng text na natanggap. Ilang araw na rin naman magmula ng may magtext sa kanya at hindi na nasundan iyon.

Maaga na siyang nagbihis at nag-ayos ng sarili. Sumabay na rin siya sa mga magulang sa pagkain kahit alam niyang masesermunan na naman siya ng ina. Her father just nod ng sabihin niyang papasok na siya kagabi. Nakasabay pa niya ito pababa ng hagdan.

"Mukhang ready ka na talagang pumasok ah. Okey ka lang ba talaga?"

"Yes Pa. Okey na okey na po ako. Mas lalo lang akong nadedepress kung nandito ako sa bahay eh."

"I know that anak. Kaya mamaya sa kusina eh palabasin mo na lang sa kabilang tainga ang sinasabi ng Mama mo okey."

Napangiti na siya sa ama at sabay na silang pumasok ng kusina. Humalik siya sa pisngi ng ina at naupo na sa mesa. Abala ito sa paghahanda ng agahan nila na personal talaga nitong ginagawa. Kasalukuyan itong naglalapag ng hotdog at ham sa mesa ng magsimulang mag-urirat sa pagpasok niya.

"Anak talaga bang papasok ka na? Baka naman sumabak ka na naman sa kung saan-saang operasyon nyan ha."

"Mama naman. Sa office works na po ulit ako ngayon."

"Kuh ako nga eh tigil-tigilan mo dyan sa office work mo na yan. Dati mo pang sinasabing office ka lang tapos makikita ka namin ng Papa mo sa hospital," sabi ng ina na naglapag ng juice sa tabi niya. "Pagsabihan mo nga itong anak mo Carlito."

"Bea hayaan mo na yang anak mo. Diba ayaw mung magmukmok yan palagi sa kwarto niya kaya hayan papasok na ng opisina namumroblema ka pa rin."

"Ayoko lang may mangyaring masama sa anak natin. At isa pa bakasyon pa din naman niya ngayon bakit hindi na lang tapusin."

"Huwag ka na ngang mag-alala. Ipapagamit ko na lang yung kotse ko sa kanya papuntang office."

"Gusto mo talagang mapahamak yang anak mo ano? Eh kakagaling lang sa aksidente tapos magdadrive na naman ng sasakyan."

"Mama tama na po. Huwag na kayong mag-away ni Papa. Magpapahatid sundo na lang ako kay Papa papunts ng office. Mama tama na. Gusto ko lang po talagang pumasok."

Napasimangot na naupo ang Mama niya sa tabi niya na agad niyang niyapos at humilig pa siya sa balikat nito. Hinaplos naman nito agad ang buhok niya.

"Ayoko lang na mapahamak ka anak. Alam mo namang nag-iisa ka lang sa buhay namin ng Papa mo tapos may mangyayari pa sayong masama. Bakit kasi hindi mo na lang kami bigyan ng apo ng Papa mo,’’ sabi ng ina na nagpasamid sa kanya.

“Mama naman. Eh kung boyfriend nga wala ako, pagbibigay pa ng apo ang gusto ninyo.’’

“Oo nga pala ano hindi pa nga naman pala alam ni…..’’

“Mama!!!’’ putol niya sa ina bago pa ito makapagsalita ng kung ano sa harap ng ama.

‘’Anong hindi pa alam? ‘’ biglang tanong ng ama na pinaglipat-lipat ang tingin sa kanila.

‘’Wala Pa. Huwag na nga ninyong pakinggan si Mama.’’

Pangiti-ngiti lang ang ina na sumabay na rin sa kanila sa pagkain pero balik paalala na naman ito sa kanya ng ihatid sila ng ama sa labas ng bahay. Nakahinga lang siya ng maluwag ng makasakay na siya sa sasakyan at paandarin na ng ama ang kotse nito.

‘’Pag pasensiyahan mo na ang Mama mo alam mo naming pinag-alala mo talaga siya masyado ng malaman naming nasa hospital ka na lang at sugatan ang paa. Sana nga huwag ng maulit yun nak ha,’’ malumanay na sabi ng ama sa kanya.

Loving You MR HITMANWhere stories live. Discover now