Chapter 47

4.2K 86 1
                                    

Bahagyang nalungkot si Cassie at naging matamlay ng wala man lamang siyang natanggap na reply mula kay Liam. Naisip niyang baka masama pa rin ang loob ng binata sa kanya. Para hindi mag-alala ang mga magulang ay pinilit niyang maging masigla sa harap ng hapag habang nag-aagahan sila.

Hindi na niya napigilang sabihin kay Sam ang pag-alis ng mga magulang pagdating sa opisina. Wala namam sigurong masama kung ise-share niya rito ang tungkol sa nangyayari sa pamilya niya. Natuwa naman ito ng malamang napromote ang ama niya.

"Buti naman pumayag na si Tita na sumama kay Tito sa Cebu. Sayang nga naman kung tatanggihan niya yun," sabi ni Sam sa kanya.

Nasa may kusina sila at nagtitimpla ng kanya-kanyang kape. Nahawa na rin yata siya kay Sam sa pagiging addict sa kape.

"Nagulat nga kami ni Papa eh ng sabihin niya sa amin na pumapayag na siyang tanggapin ni Papa ang promotion. Ilang araw din silang walang kibuan ni Papa dahil doon."

"Nag-aalala lang si Tita na baka maiwan kang mag-isa rito. Kung nag-aalala talaga siya pwede ka sa bahay sabihin mo kay Tita."

Nginitian niya si Sam. Kaya hindi niya pinagdududahan ang kaibigan dahil alam niyang naroon ito lagi para sa kanya.

"Thanks Ate. Pero sayang naman ang bahay kung walang tatao doon. Isa pa kaya ko na rin naman eh. Mukhang maiiwan nga din si manang para may kasama ako."

"Mag boyfriend ka na kasi para may makasama ka sa bahay mo. Ayaw mo kay Homer diba? Hahanapan na nga lang kita."

"Ate! Baka may makarinig sayo ano ka ba?" saway niya sa kaibigan.

"Totoo naman eh. Ikaw paasa ka talaga. Hindi ka ba naaawa sa tao dapat ngayon pa lang sabihin mo na sa kanya na wala siyang pag-asa. "

"Hindi naman kasi sa ganoon. Eh kasi...."

"Eh kasi ayaw mong makasakit ng tao. I get it Cassie. Pero just remember sa love, hindi naman happiness lahat there is always this pain and sadness."

Hindi na lang siya nagreact at dahan-dahang hinigop ang kape. Muntik pa siyang mapaso ng makitang nakatayo pala sa may pinto si Liam nakamasid sa kanila. Nawalan ng kulay ang mukha niya na napansin ni Sam.

"Hoy! Okey ka lang?"

Hindi siya nakasagot at iniwas ang tingin kay Liam na umalis na rin. Mukhang kanina pa ito nakikinig sa kanila ni Sam.

"Balik na nga lang tayo sa mesa. Halika na. May tatapusin pa pala ako."

Napailing-iling na lamang si Sam na sinundan siya palabas. Nilingon niya ulit ang kaibigan ng may maalala.

"Oo nga pala Ate, sa Friday may salu-salo sa bahay. Ikaw na ang bahalang magsabi sa iba ha. Padespidida nila Mama."

"Despidida? Sinong aalis?" tanong ni Elgen na nadaanan pala sila. Nilingon niya ito at nginitian.

"Hi Kuya, sina Mama at Papa kasi lilipat na ng Cebu next week. Doon na naassign si Papa, napromote kasi."

"At iiwan ka nila dito na ikaw lang?" nagtatakang tanong ni Elgen. "Buti pumayag si Mrs Espanyol na dito ka lang habang nasa Cebu sila. Napaka-overprotective pa naman nun sayo."

Napangiti siya sa tinuran ng lalaki. Sa tagal ng pinagsamahan nila ng mga ito ay kilala na ito ng mga magulang niya at ganoon din naman ang mga ito sa mga magulang. Kaya ang maisip lang na isa sa mga ito ay nananakot at kasali sa Gary Gang ay hindi niya ata matatanggap. Mababait ang mga ito, alam niya sa kaibuturan ng kanyang puso.

"Mahaba-habang pilitan nga ang nangyari eh at halos isang linggo din silang LQ ni Papa. Nagtataka nga ako kung bakit biglang nagbago ang isip ni Mama. Pero buti na lang nagbago kasi matagal na talaga niyang pangarap iyon," sagot niya kay Elgen.

Loving You MR HITMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon