Prologue

466 19 5
                                    

Hillary De Castro 22 taong gulang, ang babaeng masayahin at handang ipaglaban ang lahat para sa taong mahal niya.

Mayaman sila, pero sa kasamaang palad ay bata pa lamang s'ya ay namatay na ang Tatay nya. 11 years old sya nang mamatay ang Tatay nya dahil sa kanilang negosyo, pinag agawan daw ng Tatay nya at ng isang negosyante ang isang isla. At nang manalo o nabili ng Tatay nya ang Isla ay bigla nalang daw itong binaril ng mga armadong lalaki. Habang naka sakay sa Yate.

Nag imbestiga daw ang kanyang pamilya at ng tanungin daw nila ang lalaking naka agaw nito sa negosyo ay wala daw alam.

Kahit na paaminin ito ng mga Tito nya at kahit daw bugbogin ito ay wala daw alam. Sabi ng Abogado nyang Tito ay nag sasabi daw ito ng totoo.

Kaya hanggang ngayon ay hindi pa nila alam kung sino ang may gawa noon sa kanyang ama.

Nang lumaki sya ay sariwa pa rin sa kanya ang sakit na nararamdaman nya dahil sa pag ka sabik sa kanyang Ama.

Nag iisa lang syang anak at mula ng pag ka bata nya ay wala syang maka laro. Pero ang mga pinsan nya ay handang makiramay sa tuwing kailangan nya ng tulong.

Tanging negosyo lang ng kanyang Ama ang naiwan sa kanila. At ang Nanay nya ang nag papatakbo nito. Iyon na din daw ang kasiyahan ng kanyang sa ngayon at hanggang ngayon ay hindi pa rin daw naka kalimutan ang kanyang Ama, kaya hindi na ito nag hanap ng iba.

Habang lumalaki sya ay napansin ng kanyang Ina na nag iiba ang kanyang ugali. Hindi na ito madalas makisama sa mga pinsan nito ay ayaw na din makipag laro, nakikipag usap naman ito pero bihira itong sumagot. Pati na rin pag tawa at pag ngiti.

Ang iniisip lang nito ay maaga itong nag matured.

Pero iba ang pakikitungo nya sa kanyang Ina. Malambing ito at ngumingiti na rin pero minsan lang. At pag sa mga pinsan o kamag anak naman ay nagiging ilag ito. Pero iyon ay naiintindihan ng kanyang mga kamag-anak.

Habang nag aaral sya ay nakilala nya si Kio Salvidad, isa sa mga sikat sa University na pinapasukan nila. Hindi lingid sa kaalaman nya na ito ay maraming babae. Pero na niniwala sya na mapapabago nya ito at makakasama nya habang buhay.

Doon din nakita ng kanyang Ina na bumalik na ang dating Hillary, masayang masaya ito at nag pasalamat din kay Kio. Kahit na hindi masyadong maganda ang pakiramdam ng Ina kay Kio ay tinanggap nya ito dahil doon nya nakikita na bumalik na ang anak nya at doon ito masaya.

Parehas sila ni Kio na graduating ng College. Naging maganda naman ang kanilang pag sasama at inabot sila ng dalawang taon. Naniniwala sya na nag bago na ang kanyang nobyo.

Sobrang saya nya dahil ang unang minahal nya ay nararamdaman nya na si Kio na ang magiging una't huli nya.

Habang bumibisita sya sa kanyang Ina sa kanilang kompanya ay nakilala nya si Danver. Isa sa mga business partner ng kanyang ina.

Isang Business Man na napaka masayahin katulad nya at Happy go Lucky Guy, gwapo ito pero hindi nya type dahil may boyfriend na sya at mag ta-tatlong taon na sila.

_____

Vote and Comments po!Thank you

Make Her Smile [COMPLETED] Where stories live. Discover now