Chapter 11

129 12 0
                                    

Matapos nang mga naganap sa Seven-Eleven ay umuwi na rin ako dahil nag sisimula nang mag agaw-dilim.

Naka bili na rin ako ng mga kailangan ko, and luckily mayroon noon sa Seven-Eleven.

Ngayon ay nasa kwarto ako at kasalukuyang nag bo-blower. Kakatapos ko lang din kasi maligo.

Umupo ako sa may vanity table ko at nag lagay ng mask sa mukha.

Binuksan ko ang drawer nito dahil medyo magulo ang lalagyan ng mga liptint ko. Habang nag aayos ako ng mga ito ay may isang bagay na umagaw ng pansin ko.

Isang kahon na kulay Violet na may picture na namin ni Kio na naka dikit sa ribbon nito.

It's a bracelet.

Binigay nya sa'kin to nung first Anniversary namin, binili nya ito sa States bago ang araw ng anniversary namin.

Silver ito at may mga palawit na bilog, simple lang din ito.

Kinuha ko ito at malungkot na ngumiti habang pinag mamasdan ito.

'Kamusta na kaya siya?'

Ang huli naming pag kikita ay sa Bar. Hindi din ako sigurado kung natatandaan nya iyon dahil lasing sya.

Honestly, tapos na ako sa kanya. Kung baga move na.

Ewan ko kung bakit ang bilis pero thankful ako doon. Dahil sa mga susunod na linggo ay mas dadami ang gawain namin dahil graduating na kami.

"I hope you're happy." aniko at isinilid muli ang bracelet sa kahon. Kinuha ko din ang isang malaking kahon sa may gilid ng closet ko at inilagay doon ang kahon na hawak ko.

Ang laman ng mga kahon na ito ay ang mga bagay na naging parte ng pag katao ko.

Nandito ang mga gamit na ibinigay sa'kin ni Daddy nung bata pa ako. May mga laruan ko din dito na galing sa kanya. Pati yung mga love letters na binigay sa'kin nung Elementary at High School ako. Pati mga pekeng rosas ay narito rin.

Galing sila sa mga may gusto sa'kin, at gustong manligaw sa'kin. Pati pag Valentines ay nakakatanggap ako.

Ganun ako ka keep sa mga gamit na naging mahalaga sa'kin. Ang mga love letters, pekeng mga bulaklak, mga maliliit na bears na pwedeng gawing keychain.

Naging mahalaga sila dahil isa sila sa mga naka ka-appreciate ng ugali at physical appearance ko.

Matapos kong ilagay ang box na ibinigay sa'kin ni Kio ay humiga na ako sa kama.

Naka sky blue pajama ako at white t-shirt na may design na bunny.

Buti nalang talaga na train ako nila Mom na mag pajama bago matulog. Hindi ko din kasi alam kung bakit hindi ako maka tulog ng hindi naka pajama. Naninibago ako pag ganun.

Na try ko na kasing mag short nung nag sleep over ako Kila Rica. Nakalimutan kong mag dala kaya akala ko kakayanin ko. Pero ang ending pinahiram niya pa ako.

Habang nag lalaro ako ng COD ay biglang tumawag si Danver, kaya halos maka pag mura ako ng English at Tagalog language.

Bwakanang shet!

Fvck!

Muntik na eh! Muntik ko nang mapatay!

[Hello!?] halos pa sigaw kong sagot mula sa kabilang linya.

Hindi sya nag salita kaya mas lalo akong nainis.

Tatawag-tawag ayaw naman mag salita.

[S-sorry p-pero gusto ko lang sabihin na isama daw kita sa Ball bukas. P-pinapasabi yan ni Mrs. De Castro. Tumatawag din daw sya sayo, paki tingnan nalang.] aniya sa mahinang boses. Bago patayin ang tawag.

Oh Shoot!

Naka Airplane Mode ako, shuta!

[My, sorry po.] yun agad ang bungad ko ng tawagan ko si Mommy.

Matapos namin mag usap ay tinawagan ko agad si Danver para mag sorry, pero un attended sya.

Bakit naman kasi sinigawan ko agad?

Sabi din ni Mommy na si Danver ang susundo sa'kin kaya itatanong ko kung anong oras.

Alas-otso daw ng gabi yun gaganapin sa Hotel ng mga Garcia yon.

Sinubukan ko ulit syang tawagan pero ganun pa rin.

Nag tungo ako sa kusina para kumuha ng tubig at dumiretso sa terrace. Malamig na simoy ng hangin agad ang sumalubong sa'kin.

Galit ba sya? Bakit hindi sya sumasagot?

"Sana naman hindi." bulong ko at hinawakan ang dibdib ko at pinakiramdaman ang mabilis na pag tibok ng puso ko.

Eh ano namang paki mo?

"Eh syempre nasigawan ko yung tao 'no!" i hissed. Para akong sira dito na kinakausap ang sarili.

"Malala kana Hillary. Masama yan." bulong kong muli sa sarili ko at marahas na umiling.

'Gumising ka nga!'

Habang nag mu-muni-muni ay isang pamilyar na kotse ang pumarada sa harap ng bahay namin.

Nanlaki ang mga mata ko at halos maibuga ko na ang iniinom kong tubig nang makita ang bumaba roon.

Agad kong ipinatong ang baso ng tubig sa table at kumaripas ng takbo pababa.

What is he doing here?!

Humahangos itong tumakbo papalapit sa'kin at mahigpit na niyakap. Agad kong naramdaman ang mainit nyang katawan.

Umalingasaw din agad ang kanyang pabango at nanuot sa ilong ko.

Nanlaki ang mga mata ko at tinapik ang balikat nya.

"You're safe." aniya at bumitaw sa pag kakayakap sa'kin bago sinipat ang buong katawan ko.

"Bakit ba?" naguguluhan kong tanong at medyo lumayo.

"B-bakit ang dami mong missed call?" tanong nya.

"Uhmm, itatanong ko lang kasi kung anong oras m-mo ako susunduin." alanganin kong tanong.

Katahimikan ang namayani sa amin ng ilang segundo.

"A-akala ko galit ka?" umiling lang naman sya at ngumiti. "Sorry huh," sincere kong saad. "B-bad trip lang talaga ako kanina eh." dahilan ko at nag iwas ng tingin dahil napaka seryoso ng tingin nya.

"Naligo lang ako ang dami mo na agad missed call," aniya at ngumisi. "Bakit natatakot ka bang magalit ako sayo?" lumapit sya at ang ngisi nya ay napalitan ng ngiti.

"No! And pwede ba lumayo ka." asik ko at tumawa lang naman ang loko.

"I'll fetch you at 7:30 pm, ilang oras din tayong ba-byahe eh."

Tumango lang ako at naisipang patuloyin siya pero tumanggi lang siya. Kaya niyaya ko lang sa duyan.

May duyan kami malapit sa garden at iyon ay gawa sa kahoy.

Umupo kami at parehong tumingin sa kalangitan na puno ng mga bituin.

"Ang ganda." rinig kong bulong ni Danver.

"True." sagot ko at binalingan siya ng tingin.

Pero agad ding napa iwas nang mapag tantong sa akin pala siya naka tingin.

"Can you be Water...but 'ral' is silent?" tanong nito na naka pag patigil sa'kin.

Huh?

_____
A/N: Pasensya na po kayo kung napag hintay ko kayo ng natagal. Sumakit po kasi ang ulo ko kanina kaya hindi ako naka pag update. Siguro po dahil sisiponin ako:( pasensya na po ulit.

Make Her Smile [COMPLETED] Where stories live. Discover now