Chapter 26

131 11 0
                                    

"Hoy, ano ba!" inis ko siyang tinulak at kinurot ang balikat.

Tumawa lang naman siya at kinuha ang kutsara para sumubo.

"Tamang manliligaw ba ang tawag roon ha?" tanong ko at umiwas ng tingin dahil ramdam ko ang pag iinit ng pisngi ko.

Kahit naman na ilang beses na niya akong hinalikan nakakapanibago pa rin. I mean, minsan sa sarili ko hindi ko maitatanggi na nagugustuhan ko rin.

"Tang ina." bulong ko at pinunasan ng hinlalaki ang gilid ng labi ko dahil pakiramdam ko ay naroon pa rin ang dila niya.

"Hindi ulit ako mag so-sorry," pang-aasar pa niya at muling sumubo ng karne. "pero seryoso, masarap siya. Bakit ayaw mo pang ilabas? I mean ipa-tikim sa mga tao?" pag iiba niya ng usapan.

Palihim naman akong umirap dahil alam kong umiiwas lang siya para pag usapan namin ang panghahalik niya sa akin. Pero ayos na rin dahil ayoko rin naman na isipin pa iyon. At ayoko rin isipin na kung bakit pumapayag akong mahalikan niya.

"Nag hahanap pa ako ng lakas ng loob eh." pag amin ko.

Tsaka inimis ang tasa at inilagay sa gilid.

"Ilabas mo na kaya ngayon? Suggest lang naman." he said before pulling my hand.

Napa tingin ako sa kaniya at sinalubong ang mga asul niyang mata. Matang parang nangungusap lagi.

"Na'ndito lang ako," umiwas ako ng tingin sa kaniya at tumingin sa paligid. "Tsaka, diba sabi ko sa iyo lagi kang mag tiwala sa sarili mo?" i nodded even if I'm looking at the window.

Maliit lang ang opisina ko rito sa restaurant dahil sinabi ko sa engineer na gumawa nito ay mas lakihan nila ang space ng mga kakaininan ng tao at ng kusina.

Brown ang theme nito at may kalakihang chandelier sa gitna.

May dalawa namang upuan at maliit na lamesita sa gitna para sa mga nakaka meeting ko.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa kaniya. "Tama ka," aniko at ngumiti sa kaniya.

Lumabas kami ng opisina ko at dumiretso sa kusina, As usual may buntot ako.

Tama naman siya eh, kailangan kong ipagmalaki kung anong kaya at mayroon ako.

Nag luto ako ng sakto lang dahil subok lang naman ito.

Dumating ang ala-sais ng gabi at naubos ang niluto ko. Nag luto pa nga ako ng kaunti dahil may mga nag hahanap pa.

Maaga akong uuwi ngayon dahil mag aayos pa ako ng table ko sa kwarto. Nasira kasi iyon noong pinatungan ko ng mga libro. Masyado na rin kasi itong matanda.

Ang close at open naman nitong restaurant ay 9am to 9pm.


"ALAM MO dapat hindi tayo mag pakampante." sa hindi sinasadya ay narinig ko ang sinabi ni Danver habang may kausap siya sa cellphone niya. Naka sandal siya sa nguso ng kotse niya at ako naman ay kalalabas lang ng restaurant.

"Mag imbestiga ka pa rin, lalo na ang mga taong malalapit sa kaniya." aniya bago patayin ang tawag at inilagay sa bulsa ang cellphone.

Nag lakad ako papalapit sa kaniya dahilan para magulat siya.

"K-kanina ka pa?" he asked nervously.

"Hindi naman," aniko at inayos ang saldals ko. "balisa ka yata? May problema ba?" tanong ko at tumitig sa kaniya.

"None hehe, tara na? Sabi mo may gagawin kapa?" tumango lang ako at dumiretso na sa sasakyan ko.

Aalma pa sana siya pero sabi ay ayos lang ako. Kaya ang napag usapan ay sa huli ko siya, para daw makita niya akong safe.

Tss...

"Aray ko naman!" angil ko dahil bahagyang pinisil ni Danver ang pisngi ko.

"Ang bilis mo mag patakbo ng sasakyan, paano kung may nangyari sa iyo ha?!"

Ngumuso lang ako at mahinang nag 'sorry' dahil baka mapuyat ako dahil sa pag gagawa ng table kaya medyo binilisan ko ang pag mamaneho ko.

Iniwan ko na siya roon dahil automatic naman na papasok 'yon dito.


Kinabukasan ay nagising ako dahil sa ingay ng pinto, means may kumakatok.

Bumangon ako at inayos ang suot kong bra at sinuot ang tsinelas bago binuksan ang pinto.

"Ano ba?" pupungas-pungas kong saad. Ang mga mata ko ay bahagya pang naka pikit.

Alam kong hindi ito si Mommy dahil alam niya ang normal kong gising.

"Good morning!!" napamulat agad ako dahil sa pamilyar na boses na narinig ko. Niyakap ko agad si Rica at hinalikan ang pisngi.

Na-miss ko 'to, sobra.

"Kadiri!" irit niya at pinunasan ang pisngi niya, pero nginisian ko lang siya at hinila papasok ng kwarto ko.

"Kailan kapa dumating? I mean wala ka manlang pasabi. Tsaka ayos na ba ang trabaho mo roon?" tanong ko at dumiretso sa cr, naka sunod naman din siya.

"Ayos naman, nag paalam ako kay Dad kasi nga nag alala ako sayo ng sobra dahil roon sa mga nakaraang nangyari sa iyo." aniya at kinuha ang suklay at iniabot sa'kin. "Hindi rin ako nag sabi na uuwi ako kasi gold ako," tawa niya. "pero seryoso, gusto ko lang kayong sopresahin."

Tumango ako at kinuha ang towel at ipinunas sa mukha ko.

"Si Nia?" i asked, baka kasi hindi niya alam na dumating na ang mikroponong ito.

"I dunno, tinawagan ko siya kaninang alas-singko pero cannot be reached siya." tumango ako.

"Baka busy, alam mo naman iyon nahihirapan din." sabi ko nalang at inalis ang mga isiping pumapasok sa isip ko.

Kahit si Rica ay hindi alam ang mga hand signals na nakita ko roon sa babae, tanging kami lang ni Danver ang nakaka-alam.

Pinag mamasdan ko si Rica pero walang ka duda-duda akong nakikita.

Marami kaming pinag kuwentuhan ni Rica bago siya umuwi at ako naman ngayon ay nasa garden, mag sa-sunset na kaya aabangan ko rito ang pag lubog ng araw.

Alas-kwatro palang kaya aabot pa ako.

"Bambina!" napalingon ako sa boses na iyon at nakita ko si Danver na tumatakbo papalapot sa'kin.

He's wearing green short, black t-shirt at tsinelas.

"Tara sa may river side," yakag niya at marahang binira ako kamay ko.

"Why?"

"Mas magandang tingnan roon ang pag lubog ng araw hehe." biglang nag ningning ang mata ko kaya tumango ako at sumama sa kaniya.

"Naipag paalam na rin kita." aniya habang nag susuot ng seat belt.

Tumango lang ako dahil sa sobrang exited, tumingin ako sa labas ng bintana at inoobserbahan ang langit na kulay orange at may mga uwak pa akong nakikita.

Dumating kami roon ng wala pang kinse minuto at umupo agad ako sa damuhan at kumuha ng litrato.

"Mahal kita," bulong niya dahilan para mawala ang atensyon ko sa sunset. "Even though, wala akong pag asa. Aasa pa rin ako." pilit na ngiting aniya.

Parang may pumiga sa puso ko dahil sa mga sinabi niya, sa hindi malamang dahilan ay nasasaktan ako sa kaniya. May gustong lumabas sa bibig ko pero hindi ko masabi.

"I love you Hillary!" sigaw niya bago ako pinasandal sa balikat niya.

"Huwag kang maawa sa akin, choice ko ito," he whispered. "iyon kasi ang nakikita ko sa mga mata mo eh. Always remember that I love you, hmm?"

_____
I love you all and Keep safe baVies🦋I-pag dasal natin na mawala na ang virus para makapag aral na tayo ng ayos at bumalik na ang lahat sa normal.

Make Her Smile [COMPLETED] Onde as histórias ganham vida. Descobre agora