Chapter 10

18 2 1
                                    

Chapter 10

NANALO AKO BILANG MUSE!


Tatawa tawa sila Ezra habang nasa harap ako at tinanghal na Muse ng Science club. Nanginginig ako habang nasa harapan nila. Akala ko ligtas na ako dahil na nominate din  ako bilang project manager kanina at hindi ako nanalo. Pero ang bwisit na si Ezra ay binoto ako bilang  muse alam ko naman na inaasar niya lang ako. At marahil sa malakas ang kapit niya sa mga tao ay nagsigayahan sakanya ang mga yon. Kaya naman ako talaga ang nanalo. Ayoko to! Di ako bagay sa ganito!

Nangingilid ang luha ko habang nasa gilid ng isang matangkad na lalaki halos hanggang balikat niya lang ako. Kinagat ko ang labi ko at halos hindi huminga dahil sa galit para kay Ezra. Wala talagang katinuan ang utak ng isang  kutong lupa na yon! Napakapapansin!



Nasa loob na kami ng classroom at maingay ang grupo nila Ezra tawang tawa sila dahil sa kung anong pinaguusapan. Humubog pa si Ezra sa hangin. Nagdilim ang mata ko habang nakatingin sa mga ngiti niyang nakakaasar!

Kaya naman di ko na napigilan ang sarili ko at lumapit sa kanila.




PAKKK!




isang mapilantik na sampal ang ibinigay ko sakanya. Halos hindi siya nakpagreact noong lumapit ako sakanya para sampalin



“ Nakakainis ka!”



“ A-Ano bang problema mo?!” Napahawak si Ezra sa kanyang kaliwang pisngi at gulat na gulat pa din sa ginawa ko.

At may gana pa talaga siyang magtanong saakin kung anong problema ko ah!?


“ Ikaw! Yung ugali mo ang problema ko! Hayop ka talaga!” sigaw ko sa mukha niya.

Umalis siya sa pagkakaupo sa armdesk ng apuan at hinarap saakin ang katawan niya. Magkalapat ang labi nito at parang siya pa ang inis na inis saakin! Ah!


“ Ugali ko? Eh, paano naman sa ugali mo? Nanampal ka bigla jan” Nagawa pa niyang umiling iling saakin pero ganon pa din ang itsura niya. Galit.


“ Ikaw kaya ang iboto ko bilang escort jan! Akala mo ba nakakatuwa yung ginawa mo?” nangilid ang luha ko pero hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin dahil sa inis na nararamdaman ko.


“ Ah yun ba, oh bakit? Di ka ba masaya? Ginawa na nga kitang muse eh.”


“ Tsaka, di mo na ako kailangang iboto bilang escort, dahil kusang mangyayari yun” nagtaas siya ng kilay saakin at imenuestra ang nakakalukong ngiti niya.


“ What's happening here?” singit ni Namy. Nagaalala yung mukha niya.


Hindi ako sumagot at padabog na kinuha ang bag ko at lumabas ng classroom. Hindi ko alam kong saan ako pupunta basta ayoko na muna dito! Nakakainis!
Habang tumatakbo ay nakasulubong at nakabangga ko pa ang isang lalaki. Matangkad ito at malinis tignan.


“ Sorry... Ako na dadampot” sabi ko at yumuko at kinuha ang nagkalat na mga papel na dala niya. Ngumiti naman siya at tinulungan akong magdampot ng sariling papel.


“ Why are you running?” sabi niya. ekk englishero! Paano ko ba sasagutin yan? english din ba dapat o tagalog parin?


“ Uhh, wala lang”  sabi ko nalang.


“ Hmnn. ” ngumiti na naman siya. Pero parang may ibang iniisip. Ano ba yan, imbis na nageemot na ako kanina pa. Bakit ba kase nakasalubong ko pa to!?


“ Ito na oh” inabot ko ang mga papel na nakuha ko. Agad naman niya itong tinanggap. Pero aalis na sana ako ay bigla naman niya akong pinahinto.


“ Where are you going? You're class are starting” itinuro niya ang building ko. Paano naman niya nalaman iyon?


“ Uhh, ano kase...”  nagisip ako ng dahilan. Ayon! Parang may umilaw na lightbulb sa loob-loob ko.


“ Ano, masakit kase yung tyan ko kaya pinauwi na ako ng teacher ko” sabi ko at nag acting na namimilipit sa sakit at simpleng hawak pa sa tyan ko na kunyaring hirap na hirap sa sakit.


“ You're cute” tumawa siya ng bahagya.



HALA SIYA!?


“ Uh, thank you... Pero bye na ha?” baka mapasabak pa kase ako sa englishan dito! Mukha pa namang rich kid to! Ayoko mapahiya! Kulang pa sa ligo ang English mode ko.


“ Uh, wait!” hinabol niya ako at hinawakan ang balikat ko.



HALA SIYA!?



“ What's you're name again?” tsk, english na naman?


“ Avery”


“ Ok, Can i just call you Av?” Sumingkit ang mata niya na parang humihingi saakin ng permiso. Nakabalandra pa din ang matamis niyang ngiti. Gwapo siya at cute pero di niya ako madadala sa panlabas na kaanyuan niya. Ituwid niya muna dila niya... Hindi yung ako nagaadjust!


At tsaka! Di naman ako na inform na may question and answer pala dito.


" Ghe, kahit ano trip mo” tinalikuran ko na si kuyang englishero.


“ Wait!” ANO BAAAA?



Hayyys!



“ Ano?” pilit kong pinakalma ang boses ko. Patience is a virtue. Hinga!


“ My name is Alexson. By the way, i am the president of Science club. see you tomorrow!” sabi niya at pinakita na naman ang nakakasilaw niyang mga ngiti. Siya na ang tumalikod saakin ngayon at iniwan na ako. Sa wakas!


Tsk. Di ko naman tinatanong... Teka, siya yung tinitignan ni Namy di ba? Ngumuso ako at inalis nalang sa isipan ko. Lalo na noong naalala ko 'yong  pagkakapili sakin bilang muse. Tsk.


Pero, sa wakas ay makakauwi na ako!

Why r u, school?Where stories live. Discover now