Chapter 17

12 1 0
                                    

Chapter 17

12 MIDNIGHT...

Gabing gabi na pero hindi pa din ako nakakatulog dahil sa ang dami kung iniisip. Kanina ko pa natapos iyong babasahing assignment namin para sana mabilis akong antukin pero dumadapo talaga sa isipan ko iyong sinabi ni Ezra.



Umirap ako sa hangin. Baka malate ako bukas nito dahil sa pagpupuyat kong to! At lalong naiinis ako dahil iyong kumag pa na yon ang iniisip ko! Nakakainis!




Nagbukas ako ng account ko sa facebook para sana maglibang kase kahit anong pikit ko hindi talaga ako dinadapuan manlang ng antok.



Kinagat ko ang labi ko nang makitang post agad ni Ezra ang tumambad sakin. Nananadya ba talaga to?



Selfie yon sa kama niya patay ang ilaw pero kitang kita ang mukha niya dahil sa brightness ng cellphone niya. Nakataas ang kilay niya at malamlam ang mga matang nakatingin sa camera. Natural din yung pula ng labi niya. Makapal na kilay at mahabang pilikmata.



Ang gwapo ng hinayupak!



“ To early to say goodnight, You have stolen my heart” basa ko sa caption noon. May broken hearted bang ganyan? Parang mukha pa siyang in love kesa sa broken eh! Although, alam ko naman na lyrics sa isang kanta yung caption niya.



Famous talaga to! Hundred hearts eh! Pinindot ko yung mga comments.



Maricris Alberto: Para kay Athena ba yan? :(



Angela Santos : kilala pa kaya ako neto?



Ruffa GilagadAng gwapo mo!



Joy Sy: Heard you and Athena broke up. Kita tayo bukas icomfort lang kita :((



Maraming nag angry reacts at haha sa comment na yon. Bobo! Comfort lang ba talaga? Tsk! Halos puro babae mga nagcocoment sa post niya.



Pinatay ko na ang data ko at padarag na inilagay yon sa ilalim ng unan ko. Wala akong pake, Matutulog na talaga ako!



Kaya naman kinabukasan si mama ang gumising sakin. Madaling araw pa din naman pero kulang na kulang talaga ako sa tulog! Kitang kita sa mukha ko. Pero kahit na ganon binilisan ko pa din dahil ayokong malate na naman! Sawang sawa na akong malista sa board dahil sa kakupadan kong kumilos kaya madalas late ako!



Umuulan pa! Tinakbo ko na papasok sa gate. Sumilog muna ako sa waiting shed kasi malayo layo pa ang classroom ko mula dito sa gate.



Pinagpagan ko ang bag ko. Hindi naman masyadong nabasa yon dahil mabilis akong nakasilong.


Hirap naman pag di kayo close ng kalikasan. Kahit anong hiling kong tumigil yung ulan parang palakas pa lalo ng palakas! Thank you ha?



Nakatunganga lang ako habang nag aantay na tumila ang ulan. Ayokong mabasa dahil mahihiralan si mama kapag nagkasakit pa ako. Ilang sandali pa ay may tumatakbong naka pink na payong at 'yon papalapit saakin. Agad na lumaki ang mata ko ng makitang si Ezra yon. Humihingal pa siya nang makarating sa harapan ko.



“ Sabi ko na nga ba! wala kang payong eh!” Nakangisi niyang salubong saakin.


Kumunot ang noo ko sa gulat. Hinead to foot ko siya. Nakita kong basa pa ang buhok niya at medyo magulo yon.



“ Ano? Titignan mo lang ako? Aba! Ano Ayaw mo ba?” tumawa siya at inikot ikot pa yung kulay pink na payong.



Paano niya nalamang wala akong payong? Bakit kulay pink yung payong niya?



Why r u, school?Where stories live. Discover now