Chapter 22

4 1 0
                                    

Chapter 22

Huminga ako ng malalim habang tinatanaw ang masigla na ngayong si Cielo parang kahapon lang halos hindi namin siya mapigilang umiyak pero ngayon napaka blooming niyang tignan parang hindi galing sa break up.



Pero alam ko naman na itinatago niya lang iyong sakit sa pamamagitan ng mga ngiti niya.



“ What's up! Kamusta?” tinabihan ako ni Sanha sa Stone bench dito sa gymnasium.



“Ok lang? ” patanong kong sagot.



Hindi ko rin alam kung bakit.



“ Bakit patanong? ” tumawa siya.



Nakasuot siya ng white cap at may subo subong chupa chups na candy. Dahilan para mas lalong maging pula ang labi niya. Tsaka, pwede bang mag cap sa school?



“ Bakit ka naka cap? ” balik tanong ko sa tanong niya. Hindi ko rin kase alam iyong sagot sa tanong niya.



“ Because i want to? Saka mainit ”



Sinabi niya 'yon habang naka tingala sa araw. Tumango nalang ako at natahimik. He's so fair, ayaw niya bang magkaroon manlang ng kulay iyong mukha niya? Sa sobrang kaputian niya kase mapagkakamalan ko na siyang anemic eh. 



“ Got a problem? ” tanong niya habang nakatingala pa rin. Wala ang tingin saakin.



Ngumuso ako “ Bakit? Kung meron magbibigay ka ng advice? ” Nagtaas ako ng kilay.



“ If you needed it then, i will ” sumulyap siya saakin. Nakangiti.



Napangiti na rin ako sa sinabi niya.



“ Is it the one involving Ezra?”



Gulat ko siyang tinignan. Paano niya nalaman? Sinabi ni Ezra? Posible naman pero, hindi ko akalaing magkekwento sakanya si Ezra. Or mali ba ako?



Nakita niya siguro ang gulo sa mukha ko kaya napagtanto na niyang tama siya. “ Iniiwasan mo raw siya? ” nagtaas siya ng kilay at amuse na amuse na pinapanood ang gulat na ekspresyon ko.



Huminga ako ng malalim nang mapagtantong  nagkwento nga si Ezra patungkol dito.



“ Para sa ikakapayapa ng ex niya”



Ayoko na sanang sabihin pa kahit kanino 'to pero si sanha naman 'to. May tiwala akong hindi niya sasabihin kay Ezra kung ano man yung sasabihin ko. I know i can't make up things just to justify my action. Basta bahala na kung anong maisip ni Ezra'ng dahilan kung bakit ko siya iniiwasan. Ayokong malaman niya yung totoong dahilan.

“Ex? Sino don ang dami kaya nun! ” tumawa siya.


Napatawa na rin ako “ The recent ”  Problema 'yon ng kaibigan niya! Playboy kase!



“Athena?”



Tumango ako.



“ Anong sinabi ni Athena sayo para lumayo ka ng ganon kay Ezra? ”  tanong niya.



Kinagat ko ang labi ko. Hindi ako sanay na nakikipag usap kay Sanha. This is the first time na nagkausap kami ng ganito ka tagal. Minsan kamustahan lang, biruan pero nothing like this.



“ To stay away from him? Yun ang sinabi niya though, hindi naman niya ako binantaan na may gagawin siya pero, knowing her... ” napahinto ako at umiling.



Why r u, school?Onde histórias criam vida. Descubra agora