Kabanata 14

783 30 9
                                    

Kinabukasan ay maaga kaming umalis upang makauwi. 

Nadatnan ko si Emily na nagbabasa ng libro

"Ate" lumapit ito sa akin at humalik sa aking pisngi

"Nasaan ang Ate Jenny mo?" tanong ko rito

"Nasa kwarto nya nanonood ng Kdrama"

Papasok na sana ako ng aking kwarto ng makarinig ako ng pamilyar na tunog, takbo ng kalesa?

Lumabas ako sa gate upang silipin kung kanino iyon.


Nakaparada ang isang magarbong kalesa sa labas ng aming bahay, gulat man ay napakunot ang aking noo. At mas labis kong ikinagulat ay kung sino ang bumaba mula sa loob nito.

"Ginoong Juanito?" Nakasuot ito ng barong. Ang kanyang itsura ay eksakto sa itsura nya nung una kaming magkakilala

"Binibining Carmela" Lumapit ito sa akin at marahan na hinawakan ang aking kamay upang hagkan ito

"Kung hindi man natin maibabalik ang dating tayo, maaari bang ulitin nalang ulit?"

Hindi ko na napigilan ang mapaluha dahil sa kanyang sinabi. Niyakap nya ako ng mahigpit 

"Mahal na mahal kita Binibini ko, Hindi ko na hahayaan na mawala ka pa ulit sa akin dahil hindi ko na ito kakayanin"

Iniharap nya ako sa kanya

"Mayroon ka bang saya?" tanong nito sa akin

Naalala ko ang aking Saya na isinuot ko noong buwan ng Wika nung college pa ako, kaya tumango ako bilang tugon

"Magbihis ka, may pupuntahan tayo" 

Tumango ako at nagpunta na aking kwarto upang maligo at magbihis, Labis ang tuwa na nararamdaman ko dahil ito na ang pagkakataon upang ayusin namin ang lahat sa amin.

Matapos ko maligo ay hinanap ko ang  aking saya. Isang kulay dilaw at kulay rosas. Pinili ang dilaw na saya na may palibot na beeds sa gawing baywang. Ang aking buhok ay ibinalumbon ko pataas at may kaunting nakalaglag lamang sa magkabilang gilid. Pinalitan ko rin ang mga alahas ko ng perlas na alahas na regalo sa akin ni Mommy.

Paglabas ko ng kwarto ay laking gulat ni Jenny at Emily

"Ate, Anong meron? Bakit ganyan ang suot mo?" tanong ni Jenny

Si Emily naman ay agad lumapit at inikutan ako

"Ate wala ka sa sinaunang panahon ha? Baka kinukumbulsyon ka kaya kung ano-ano naiisip mo gawin" Saad naman ni Emily

"Naku tumigil nga kayo, may pupuntahan lang kami na events ni John at kailangan ganito ang suot"

Nagtataka man sila ay umalis na rin ako agad at lumabas ng bahay. Nang makita ko si Juanito, Pakiramdam ko ay kami lang dalawa ang nasa paligid, at parang bumalik ang pakiramdam ko sa tuwing kasama ko sya noon sa taong 1892.

"Isang napakagandang Binibini" tugon nito at inalalayan ako umakyat ng kalesa.

Napansin ko rin ang lalaking kutsero na nakasuot rin ng damit pang-kutsero, lihim akong napangiti sa effort ni Juanito at nandamay pa sya ng iba.

Naramdaman ko na lamang na tumabi na sa akin si Juanito at umandar na ang kalesa, napapikit ako at dinarama ang sarap sa pakiramdam na muli akong makasakay sa kalesa.

"Saan tayo pupunta?"  tanong ko kay Juanito

"Sa lugar kung saan nagsimula ang lahat" Nakangiti nyang tugon. 

Napatingin ako sa kanya, hindi ako makapaniwala na heto kami at magkasamang muli

2 oras rin tinakbo ng kalesa papunta sa San Alfonso, dinala ako ni Juanito sa puno ng mangga kung saan kami nahuli na magkasama na dahilan kung bakit itinakda ang aming naudlot na kasal.

Lihim akong napangiti ng maalala ko ang lahat, naglatag ng tela si Juanito at inilapag ang basket na may laman ng aming mga pagkain.

"Napagkamalan ko na buntis ka dahil naghahanap ka ng puno ng mangga" napahalakhak sya sa alaala na iyon

"Tapos sinabi mo na masungit ako kaya hindi ko pa nararanasan ang umibig" muli na naman syang napahakhak

"At ngayon ko na napagtanto na hindi maginoo ang ibig-sabihin ng salitang Adik, Na hinayaan mo na sabihin ko na Ako pala ay isang adik" Ako naman ang natawa ng maalala ko yun

"At nung nahuli tayo nila ama na magkasama ay nagpanggap ka na nahimatay" 

"Pano mo nalaman na nagpanggap lang ako?"

"Nakita kita na dumilat, nung nakita mo na nakatingin ako sa iyo pumikit ka agad" sabay muli kaming napatawa habang inaalala ang lahat ng nangyari nang gabing iyon

Ang sarap alalahanin ng lahat, lalo na at kasama ko ang lalaking minamahal at mamahalin ko pa. 

Naupo sya sa aking tabi, hinawi nya ang aking mga buhok na tinatangay ng hangin

"Ikaw ang Binibini na nais kong makasama hanggang sa huli, patuloy man tayong paglayuin ng tadhana ay hihindi ako titigil na humanap ng paraan upang makasama kang muli." Mga salitang kanyang binitawan na nagpalukso ng aking puso

"Maraming Salamat Ginoo"

Ngumiti sya sa akin at isinandal ako sa kanyang balikat, at sabay namin pinagmasdan ang ganda ng lugar kung saan nagsimula ang lahat.

Sinulit namin ang araw na magkasama kami, kwentuhan, tawanan. Ayaw ko nang matapos ang araw na ito.

Maya-maya ay dumating ang kutsero na kasama namin upang dalhan kami ng kakanin na aming pinagsaluhan.

"Doon na po muna ako sa Kalesa, painumin at pakainin ko na rin po ang kabayo" paalam nito sa amin

"Sige, Dalhin mo na ito upang may pagkain ka doon" Iniabot ni Juanito ang isang container na may kanin at ulam

"Salamat po" Umalis na ito at nagpunta sa kalesa

Ilang saglit lang ay may narinig kaming malakas na putok ng baril, Nagkatinginan kami at agad na napatayo sa gulat. Niyakap nya ako upang protektahan

"Saan nanggagaling iyon?" Tanong ko kay Juanito

"Hindi ko rin alam, wag kang lalayo sa akin" sagot nya

May paparating na itim na kotse, muli kaming nagkatinginan ni Juanito nang huminto ito sa aming harapan.

Laking gulat ko nang makita ko kung sino ang iniluwa ng sasakyan na iyon

"Sir Kyle?" Gulat kong tugon rito

"Leandro... Leandro ang aking pangalan, mahal kong Binibini"

I Love you since 1892- In Modern worldWhere stories live. Discover now