Kabanata 15

883 27 7
                                    

"Paano nangyari ito???" Sigaw ko rito

"Nang makarating sa mundong ito ang Alfonso na iyan, tinanggap mo sya ng buo. Hindi ba maaari na tanggapin mo rin ako sa panahon mo. Binibini?" Sarkastiko nitong sagot

"Tigilan mo na kami! Leandro, baguhin mo na ang iyong sarili. Huwag mong hayaan na sirain ka ng poot at galit sa puso mo"

"MANAHIMIK KA!!" Sigaw nito at pinaputok ang baril sa aming harapan, dahilan upang mapatili ako.

Mas lalong hinigpitan ni Juanito ang pagkakayakap sa akin, hindi ko na rin mapigil ang pag-iyak

Panginoon, huwag nyo po sanang hayaan na may mangyaring masama sa amin.

Biglang tumunog ang cellphone ni Leandro, lumayo ito upang sagutin ito

"Bantayan nyo ang mga iyan, utos nito sa dalawang kasama nya"

bumulong sa akin si Juanito

"Binibini, sa likod natin ang gubat na iyan ay may daan papunta sa Hacienda Monte Carlos tumakbo ka at isama mo ang iyong Lola Carmina, siguradong hindi rin siya ligtas roon. Diretsuhin mo ang gubat na iyan, may makikita kang batis sa dulo kumaliwa ka at matatanaw mo ang isang pader, kumanan ka doon ay matatanaw mo na ang likod ng Hacienda"

"Ngunit paano ka? Ayaw kong magkalayo na naman tayo" 

Hinawakan nya ng mahigpit ang aking mga kamay

"Panghawakan mo ang salitang bibitawan ko Magkikita pa tayong muli"

Niyakap nya ako ng mahigpit at habang nagkakatuwaan ang dalawang kasama ni Leandro ay dahan dahan na akong pumunta ng gubat. Nang medyo malayo na ay saka ako tumakbo ng mabilis.

Pagkarating ko sa batis ay inalala ko ang sinabi nya na kakaliwa ako, nakarinig ako ng malakas na putok ng baril.

Nais kong balikan si Ginoong Juanito, ngunit kailangan ko munang mailigtas si Lola Carmina, siguradong pupuntahan nya ito roon

Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata habang tumatakbo

Ilang sandali  pa ay narating ko na ang likod ng Hacienda, Agad kong pinuntahan si Lola Carmina

"Apo ano ang nangyari sa iyo?"

"Lola, kailangan natin umalis. Hindi tayo ligtas rito mamaya ko na po ipapaliwanag sa inyo pag nakalayo na tayo"

"Ha? Osige tara na" Agad ko itong inalalayan, palabas na kami ng hacienda ng salubungin kami ni Leandro

"Saan ka pupunta???" Sigaw nito sa akin

"Isa kang Flores ! " Gulat na tugon ni Lola Carmina

"Nakakatuwa at alam mo kumilala ng isang Flores"

"Anong kailangan mo sa amin???" galit na sigaw ni Lola

Humalakhak si Leandro, lumingon ako sa paligid umaasa na may makakita sa amin. Ngunit nabigo ako dahil, malayo ang Hacienda sa iba pang mga bahay.

Habang patuloy ako sa paglinga sa paligid. Pinaputok ni Leandro ang hawak na baril nya, Napapikit at sigaw ako sa gulat. Pagdilat ko ay bumagsak na sa lupa si Lola Carmina.

"Lola !!!" Iyak at sigaw ko rito, hinawakan ko ang ulo ni lola at inihiga sa aking hita. Sumusuka na ito ng dugo

"Mahal na mahal ko kayo Apo" Ito ang huling binitawan nito,

Napahagulgol ako ng iyak at pilit kong kinakaya na buhatin si Lola

"Lola please wag kang bumitaw"

Agad rin akong hinawakan ni Leandro sa braso 

"Sumama ka sa akin!" 

"Ayoko! Hayop ka. Wala kang kasing-sama" Pilit kong hinihila ang braso ko

Agad syang tinulungan ng dalawa nyang kasama at isinakay sa sasakyan.

Pilit man ako na magsigaw at magwala ay wala na rin akong nagawa nang itali nya ang aking dalawang kamay at lagyan ng busal ang aking bibig

Buong byahe ay wala akong ginawa kung hindi ang umiyak ng umiyak, wala na si lola Carmina, si Juanito naman ay hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa kanya.

Bakit ba tila ayaw ng tadhana na maging masaya kami ni Juanito? 

Bakit palaging may hadlang?

Hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa kaka-iyak

I Love you since 1892- In Modern worldWhere stories live. Discover now