Kabanata 2

19K 249 28
                                    

Bigla akong nagising sa tilaok ng manok. Napangiti ako dahil kaya ko ng gumising nang walang tagapag-silbi at alarm clock.

Tinignan ko ang orasan sa tabi ko 5:15 a.m inayos ko muna ang kama ko bago ako bumaba para magluto

Pagkatapos ko magluto, umakyat na ko ng kwarto nila Emily at Jenny.

"Jenny, Emily... Gising na 6 na oh. May pasok pa kayo"

"Ate naman eh"
Hinila ko sila sa dalawang braso at dinala sa hapag kainan.

"Dad. Let's eat na po"

Na-miss ko yung ganto na sabay sabay kami kumakain, for the first time ginampanan ko ang pagiging ate sa kanila.

"Hmm.. Ang sarap naman ng Kaldereta mo Carmela, kuhang kuha mo ang Kaldereta Ala montecarlos style." sabi ni Dad

"Pano mo to nagawa ate?" tanong naman ni Emily.

I smiled to them and said
" Hindi naman mahirap matutunan yan, kaya kayo Jenny, Emily kailangan nyo rin matutunan yan."

Baon ko sa panahon na to ang lahat ng natutunan ko sa panahon ni Carmelita.

Pagkatapos kumain naghanda narin ako ng sarili dahil may klase din pala ako ngayon.

Pagdating ko naman ng school hinarang agad ako ni Shae.

"So did you celebrate your birthday with James Gilbert?" pagtaray nya

"Pwede ba Shae, kung sya na naman ang issue mo sayo na sya okay? Wala na akong oras para sa inyong dalawa" sagot ko.

Lalagpasan ko na sana sya pero hinila nya ko sa braso

"Bakit di ka lumalaban ngayon? Takot kana ba?"

"Sabihin na lang natin na nabuksan na yung utak ko, na-realize ko na hindi lang si James Gilbert ang lalaki sa mundo, na sa di inaasahan may darating din palang lalaki sa buhay ko at kukumpleto sa lahat ng kulang sakin." Diretso ko namang sagot sa kanya.

Dumiretso na din ako ng Classroom kaso walang prof. 4 hours vacant, naisipan ko na mag-library nalang at dun mag-muni muni na-miss ko ang isa sa paboritong lugar ni Juanito.

Naupo na ako sa bandang dulo kung saan walang katabi, nagbuklat ako ng History Book pero imbis na basahin natulala lang ako dito, dahil iniisip ko ang panahon sa libro na to ay kasama ko pa si Juanito.

Kung saan naranasan kong maging masaya, malungkot, magalit, kabahan kung saan natunghayan ng dalawang mata ko ang paghihirap na dinanas ng mga Pilipino sa kamay ng mga dayuhan.

Naramdaman ko nalang na may umupo sa tabi ko, pero hindi na ko nag-aksaya ng panahon para tignan sya dahil wala na rin naman akong paki-alam.

"Kahit saan ka pa magpunta, Mahahanap at mahahanap parin kita."

Ang linyang iyon, at ang boses na yun napaka-pamilyar sa akin. Agad akong napalingon sa tabi ko

I Love you since 1892- In Modern worldWhere stories live. Discover now