Kabanata 8

7.2K 160 10
                                    

Pagbaba namin ng kotse sabay kami napatingin sa Gate ng Hacienda MonteCarlos na puro kalawang na

"Ang laki ng pinagbago ng Hacienda MonteCarlos" sambit ni Juanito

Napatango na lamang ako.

"Tara na" aya ko sa kanya.

Nakasarado ang pinto nito, kaya kinatok ko pa ito. Ilang sandali lang ay bumukas ito laman nito si Lola Carmina.

"Lola" Nagmano muna ako sa kanya, at agad ko rin syang niyakap. Namiss ko sya ng sobra.
At Dahil sa kanya sa diary na binigay nya kaya ko nakilala si Juanito.

"masyado mo yata namiss ang lola" natatawang sabi ni Lola

"Opo naman Lola."

"eh sino naman ang ginoong kasama mo?" tanong ni lola

"Ayy. Oo nga po pala Lola si Juanito po, Juanito si Lola Carmina"

"Magandang araw po." nagmano rin si Juanito kay lola

"Halikayo, pumasok kayo"

May kakaiba akong naramdaman sa pagtungtong ng mga paa ko sa loob ng mansyon, agad napalingon sa akin si Juanito, siguro ay ganun din ang naramdaman nya.

"Mabuti pala at napasyal kayo rito?" tanong ni lola.

"Ah Opo, gusto po sana namin maglibot dito sa San Alfonso mamaya"

"Ganun ba? Naku eh hindi ko na kayo masasamahan mamaya dahil mapapagod ako, pero mamalengke muna pala ako para sa tanghalian natin"

"Sige po Lola."

Nagmamadali na rin umalis si Lola, napailing nalang ako gustong gusto talaga ni lola na ipagluto ako dahil narin sa madalang ko sya makasama

"Gusto mo bang mag-ikot ikot muna tayo dito sa mansyon?" tanong ko kay Juanito

Tumango naman sya bilang pag-sang ayon.

Umakyat kami ng Hagdan, sa daan ay makikita ang larawan ng Pamilya MonteCarlos.
Isa-isa ko rin itong hinawakan, humawa pa sa kamay ko ang alikabok nito

Napaluha rin ako bigla

"Ayos ka lang ba?" Tanong sakin ni Juanito

"Namiss ko si Donya Soledad, dahil sa kanya naranasan ko ulit magkaroon ng isang ina na sobrang maalaga"

Sunod kong hinawakan ay ang larawan ni Don Alejandro

"Sa kanya ko natutunan na maging matatag, at kahit ilang beses ko syang sinuway hindi nya parin ako pinabayaan" dire-diretso ang tulo ng luha sa mga mata ko

Sunod naman ang larawan nila Josefina at Maria
"Silang dalawa ang aking naging sigla, yung saya, at karamay sa problema"

"Sobrang nami-miss ko na rin sila" Hindi na naman matigil ang luha sa aking mga mata

"Alam kong masaya na sila dahil nagtagumpay ka" sabi ni Juanito

Hinawakan nya ang aking kamay at inakay upang maglakad

"Alam mo ba nung nakabalik na si Carmelita ay halos kasuklaman ko sya, gayon nalang ang pagtataka ng mga tao dahil akala nila ay si Carmelita ang iniibig ko na ipinaglaban ko ay kinasuklaman ko bigla, hindi nila alam na ikaw talaga ang babaeng minahal ko at hindi sya"

"kaya hindi ko kinaya ang pangyayari, gustong gusto ko na makita ka agad. Pero wala ako magawa, kaya inisip ko rin na magpakalunod sa lawa ng luha"
Mangiyak-ngiyak nyang sabi

"pero laking pasasalamat ko nang magpakita sa akin ang isang anghel, si Madam Olivia."

"At ngayon, hindi ko na hahayaan na magkahiwalay pa ulit tayo. Pangako"

I Love you since 1892- In Modern worldWhere stories live. Discover now