7-eleven

931 24 9
                                    

Pansin ko lang palaging natambay dito sa 7 eleven yung magandang babae, wala naman siyang binibili. Bakit ko alam? kasi ako yung cashier dito, basta nakaupo lang siya habang nag scroll siya sa phone niya, madalas nga nahuhuli ko itong nakatingin sakin pero pinagsawalang bahala ko nalang atsaka ano bang pakialam ko.

"Andito na naman siya, jea." Sabi ni josh, yung katrabaho ko.

Nagkibit-balikat nalang ako, baka naman malapit lang tinitirhan niya dito. kung sabagay, masarap talagang tumambay dito sa loob ng 7 eleven, malamig na, may libreng wifi pa.

Chineck ko yung time, mag alas-onse na pala ng gabi. Nag-ayos na ako ng gamit kasi labas ko na. Oo, delikado na ang umuwi sa ganitong oras pero anong magagawa ko. Nagpaalam na ako kay josh at lumabas ng store.

Ang lamig, napayakap ako bigla sa sarili ko. Pansin ko naman na lumabas na din yung girl, ang weird lang kasi sa tuwing labas ko sa trabaho, saka din siya lalabas na para bang ako lang hinihintay niya, napailing nalang ako sa iniisip ko, baka nagkataon lang.

Buti nalang at hindi madilim ang daan papunta sa bahay ko, sunod sunod ang poste ng ilaw kaya hindi nakakatakot maglakad mag-isa. 10 minuto lang ang layo nito sa work ko kaya okay lang.

Napatigil ako bigla sa paglalakad ng maramdaman kong parang may nakasunod sakin, agad akong lumingon at luminga-linga sa paligid pero wala naman, baka feeling ko lang yun.

Nagsimula na ulit akong maglakad at napasigaw ng biglang may sumulpot na maitim na pusa, napa sign of the cross ako ng wala sa oras. Diba may kasabihan na pag may nakasalubong kang itim na pusa, hindi ka pwedeng tumuloy sa pupuntahan mo.

Eh saan naman ako pupunta?

Hayaan mo na nga, baka sabi sabi lang yun. Kelangan ko ng umuwi para makapag-pahinga na ako. Binilisan ko nalang ang paglalakad ko pero malas ko nalang at may nakasalubong akong dalawang lasing na pagewang-gewang sa daan, huminga ako ng malalim at dumiretso sa paglalakad pero biglang humarang yung lasing sa harapan ko.

"Hi miss, ang ganda mo naman." Sabay haplos sa balikat ko. Akmang sasampalin ko sana ito pero kaagad niyang nahablot ang kamay ko.

Hinila ako nito sa madilim na sulok.

"HEL---" di ko na naituloy ang paghingi ko ng saklolo kasi tinakpan nung isa pang lasing yung bibig ko, nagpumiglas pa ako pero dalawa sila kaya wala akong palag. Hinalik-halikan nito ang leeg ko, napaiyak nalang ako.

Sinimulan naman nung isang lasing na alisin ang butones ng blouse ko, wala akong ibang nagawa kundi umiyak nalang. Di ko rin magawang sumigaw kasi nakatakip parin yung kamay nung lalake sa bibig ko, halos takpan narin nito ang ilong ko kaya di ako makahinga ng maayos, lord please! help me.

Napapikit nalang ako.

"HOY MGA HAYOP, LET GO OF HER!!!" Sigaw ng kung sino, narinig ko nalang na napasigaw sa sakit yung lalakeng nakatakip sa bibig ko.

Dahan-dahan naman akong napamulat ng mga mata at ganun na lang ang pagkagulat ko ng makita yung babae sa may 7 eleven, pinagtadyakan na niya ngayon yung mga lalakeng lasing na nagtangkang manghalay sakin.

Galit na galit ito, sinuntok niya pa ang mga ito sa muka. Halatang magaling at sanay siya sa pakikipaglaban, sakto naman at may dumating na tanod at pinagdadampot yung dalawa.

Nag-aalalang lumapit ito sakin at sinuri ang katawan ko, napatulala nalang ako sa kanya. Mas maganda pala siya sa malapitan. "Okay kalang ba?" Tanong niya habang inaayos ang butones ng blouse ko, tumango nalang ako.

Pinahid niya yung luha ko, napayakap nalang ako sa kanya. Muling nagbalik sa alaala ko yung nangyari kanina, kung di siya dumating malamang tuluyan na akong nagahasa ng dalawang lasing na yun, napahagulhol ako sa balikat niya. "S...salamat sa pagligtas sakin." Sabi ko sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 01, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

JaneNella One-ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon