Kaibigan

573 28 2
                                    

"are u sure na effective itong gagawin natin? she doesn't even like me that way." tanong ko sa friend kong si andrei, he's gay pero di halata kasi lalake parin siya manamit.

"jane, wala naman mawawala kung i-try natin diba? just do as i say, total magaling ka naman sa aktingan." sabi nito.

plano kasi namin pagselosin si jea, i like her since we were 17 pero friend lang turing nito sakin pero this other friend of mine which is andrei told me that jea likes me, oblivious lang daw ito sa nararamdaman nito sakin kaya need namin gumawa ng action kaya ako, go nalang.

"so anong gagawin natin? need ba natin maging clingy sa isa't-isa?" tanong ko, ngumisi naman ito.

"what if sabihin ko na need natin mag kiss?" sabay turo sa lips niya.

SERYOSO?!


"are u serious, andrei? gusto ko si jea yung first kiss ko. pati kilabutan ka nga dyan sa sinasabi mo." kunyaring nasusuka na sabi ko rito.

"grabe ka, if needed lang naman." sabi naman nito. "so eto nga, dapat sweet tayo sa isa't-isa pag nandyan siya. wag ka mabibigla pag bigla kitang inakbayan or halikan sa pisnge at dapat babe tawagan natin okay?" dugtong pa nito.

tumango-tango naman ako. "ano sasabihin ko pag tinanong niya kung ano tayo? kasi for sure magtatanong yun." tanong ko naman.

"sabihin mo nalang na nililigawan kita na we're childhood sweetheart." sagot nito sabay ngiti ng nakakaloko. hinampas ko naman ito sa braso.

"seriously, may nililigawan bang clingy agad sa isa't-isa na parang mag jowa na umasta." sabi ko, nagkibit-balikat lang ito. napailing nalang ako at nakinig sa magiging plano namin.

magkasama kami ngayon ni jea sa mall, katatapos lang namin mag shopping at mukang inis eto kasi kanina pa ako puro cellphone lang kasi ka-text ko si andrei. ngingiti-ngiti pa ako na kunyare kinikilig sa binabasa ko. "sino ba ka-text mo? pwede ba mamaya na yan. kasama mo ako." inis na sabi nito. binaba ko naman ang phone ko sa table.

"sorry, ka-text ko kasi si andrei." sagot ko dito, tumaas naman ang kilay niya.

"andrei? that guy yesterday na sobrang clingy sa'yo? na kung hindi pa ako umupo sa gitna niyo, di kayo maghihiwalay." sabay ikot ng mata.

she sounds jealous pero ayaw ko mag assume.

"yes, sweet lang talaga siya sakin since we were kids atsaka kakauwi niya lang last month galing canada so namiss namin ang isa't-isa." sagot ko rito. napatiim-bagang ito sa sinabi ko.

"i think he likes you, iba kasi yung tingin niya sa'yo. may something, i noticed it. ang tanong, do u like him? may pag-asa ba siya sa'yo kung sakaling ligawan ka niya?" seryosong tanong nito.

shet, di ako ready pero bahala na.

"hmmm, i think he's a good guy naman and i know him for so long kaya if ever na niligawan niya ako, papayag ako." medyo kinakabahan sagot ko.

ang sama ng tingin nito sakin. "oh really? he's your first bf kung sakali. i thought ayaw mo pa maging committed. dumating lang siya bigla nagbago isip mo." andun parin yung inis sa boses nito pero di ko pinansin.

"naisip ko kasi na i'm getting old na, i'm turning 26 next year. i'm not getting any younger so...gusto ko lang i-try." sabi ko naman at ngumiti sa kanya.

napapikit ito at huminga ng malalim. "okay, kung saan ka masaya." sagot nito. yun lang?

"so, okay lang sa'yo na maging kami?" tanong ko pa. tumango naman ito. "basta wag ka niya sasaktan kundi lagot siya sakin. i love you jane, kaibigan kita at ayaw kitang nasasaktan atsaka buhay mo yan so ikaw parin ang bahala."




JaneNella One-ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon