Amnesia

588 17 0
                                    

"umalis ka na dito, ayaw kitang makita. kung ayaw mo, ako nalang ang aalis." taboy sa akin ng fiancé ko, hindi niya ako maalala. naaksidente kasi ito nung nakaraang buwan at na-coma ng 2 weeks. galit ito sakin kasi ang huli niyang naaalala ay yung pam-bubully ko sa kanya 6 years ago, ako ang naging dahilan kung bakit naging miserable ang buhay niya.

pinagkalat ko ang balita na isa siyang bisexual at meron itong tinatagong gf, hindi pa pala ito alam ng parents niya kaya ayun, napalayas siya. 5 years ago ko lang din nalaman na ganun pala ang nangyari sa kanya kasi after nung ginawa ko, umalis ako papuntang states.

yung pinsan ko ang nagsabi ng lahat sakin nun, sinabi niya sakin mga pinagdaanan nito nung panahong wala ako, almost 1 year din kasi tinagal ko sa states kaya bumawi ako sa kanya nung umuwi ako ng pinas,  tinulungan ko siya makabangon kahit tinataboy niya ako at puro masasakit na salita ang natatanggap ko sa kanya. dumating nga yung araw na gusto ko na siya sukuan kasi di ko naman ugali talaga yung pagiging mabait, natural na maldita ako at walang pake pero iniisip ko rin naman na ako ang naging dahilan kung bakit siya nagkaganun, laking mayaman din ito kaya ganun nalang din ang hirap nito kasi di sanay kumayod.

after 4 months nang panunuyo ko sa kanya, unti-unti siyang umamo sa akin. di na niya ako sinusungitan pero may galit parin siya sakin. ako ang nagpasok sa kanya sa kompanya namin para makabawi man lang, pansamantala siyang naging secretary ng kuya ko pero pinag-resign ko din siya at pinasok bilang manager sa cafe branch na binuksan ko na malapit lang din sa apartment niya. total nakatapos din naman siya sa kursong HRM. siya na ang nag manage nun so ayun nga makalipas pa ang ilang buwan tuluyan na niya akong napatawad.

ang saya ko nun kasi para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan, sinigurado ko muna na ayos na talaga siya bago ako bumalik sa states. gusto ko narin kasi umalis bago pa tuluyang lumalim ang pagtingin ko sa kanya, sa tagal din kasi naming magkasama, di maiwasang nahulog ang loob ko sa kanya pero di ko sinabi rito. i'm straight pero i'm gay when it comes to her. natatakot rin kasi ako na layuan ako nito gayun nga't okay na kaming dalawa. at nung dumating nga yung araw na aalis na ako, nasa airport na ako at akmang pupunta sa gate 3 kasi tinawag na ang flight ko nung nakita ko siya, umiiyak itong nagtatakbo sakin at niyakap ako.

Flashback (Airport)

"b---bakit ka aalis? napatawad na kita diba. okay na tayo? bakit kelangan mo pang umalis. dito ka lang. wag mo akong iwan." nakayakap parin sabi nito sakin habang humihikbi. naiiyak na gumanti naman ako ng yakap rito.

"kelangan ko na bumalik dun, don't worry. mag face time naman tayo lagi." pagpapatahan ko rito pero lalo siyang umiyak.

di ako sanay na ganito siya.

"no, please. wag kang umalis. sige ka, magagalit ulit ako sa'yo. pag umalis ka, di na kita kakausapin." pananakot pa nito.

This is the final boarding call for passenger 'Janella Maxine lSalvador' booked on flight 245B to United States. Please proceed to gate 3.

narinig ko yung name ko, kelangan ko na talagang umalis kaya hinarap ko ang muka nito sakin at pinahid ang luha nito. "i need to go na, take care of yourself. okay? i'm gonna miss you" pilit na ngiti ko at tinalikuran ito, nagmadali akong naglakad palayo.

"JANELLA MAXINE SALVADOR, MAHAL KITAAAA!"

napatigil ako at nagmistulang bato sa kinatatayuan ko ng magsalita ito. "MAHAL KITA KAYA DI KA PWEDENG UMALIS, LILIGAWAN PA KITA." pahabol pa nito.

di parin ako makagalaw sa kinatatayuan ko, shet. sinabi niya ba talaga yun, tama ba ang narinig ko or guni-guni ko lang? baka nga, akmang maglalakad na sana ulit ako nang may humigit sa braso ko at naramdaman ko nalang na may malambot na labi na nakadikit sa labi ko.

napapikit nalang ako at tumugon sa halik nito. "mahal kita jea, nuon palang minahal na kita. nabalot lang ng galit itong puso ko sa ginawa mo pero nakaraan na yun at tulad ng sabi ko kanina liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo." napangiti nalang ako at hinalikan ulit ito.

di na talaga ako makakaalis kasi naiwan na ako ng flight ko pero ang saya ko, sobrang saya kasi mutual pala ang nararamdaman namin sa isa't-isa. pinagtitinginan na kami ng mga tao dito pero wala akong pake, ang atensyon ko ay nasa babae lang na nasa bisig ko at kahalikan ko.

END OF FLASHBACK

"HOY, KANINA KA PA DYAN. ANG SABI KO UMALIS KA!!!" naputol ang pagbabalik tanaw ko sa nakaraan sa sigaw nitong fiancé ko. haist, kung di lang kita mahal. umalis nalang ako at kinuha yung susi, magpapahangin nalang muna ako.


~•~

vote/comment, if u want a part II :)

JaneNella One-ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon