CHAPTER 14

7.3K 179 70
                                    

Authors note: You can re-read this chapter cause I edit some scenes IF you want to.

Hi I change my username from pluffymarsh to Scriberebae

Scribere meaning in Latin is "to write"

And bae means in Korean "inspiration"

-

One Week had passed, walang nagpakitang Cyraze sa amin.

Matapos ang nangyari noong isang linggo ay 'di na siya nagtangka pang magpakita, at wala akong pakialam kung ano man ang dahilan non. Baka ayaw niya talaga sa anak namin at gusto niya ay doon sa Natasha na 'yon.

I don't care na, bahala na siya. Tanga ba siya at 'di nya nakikita ang sarili niya sa anak niya? o baka naman di niya maatim na tingnan ang anak na inabandona niya?

"Kuya Blaze, please! Maniwala ka na sa'kin! He really looks just like you! I thought Daddy natin siya! pero I'm really sure na Daddy natin siya kasi hindi naman tumanggi si Mommy eh." Rinig kong bulong ni Blake.

I thought tulog na sila kaya iniwan ko na sila kanina. Pero ang totoo gising pa pala sila at nag kwekwentuhan pa.

"Just sleep Blake," Malamig namang bulong ni Blaze sa kapatid.

Bumaba lang ako non dahil nauuhaw ako at nang tumaas nako ay nadaanan ko ang kwarto nila at doon ko sila nakitang naguusap pa.

Tiningnan ko si Blade at nakitang tulog na tulog ito habang ang kanang kamay ay nasa sahig na, nakanganga pa ito at tanggal ang kumot sa katawan nya.

"Pero, kuya!" Rinig ko pang pag protesta ni Blake.

"Matulog kana or else I'm going to tell this to Mom." Pananakot nya sa kapatid.

Medyo malakas na ang boses nito kaya natakot agad si Blake at naluluhang tumingin sa kapatid. Lalapit na sana ako nang bumangon si Blaze at niyakap ang kapatid.

"Shh, I'm sorry, It's just hindi natin naman sya kailangan 'di ba? Sapat na naman si Mommy satin 'di ba?"

Naiiyak ko silang tiningnan sa malayo,

"No kuya, we need him! Ayoko nakikita si Mommy nahihirapan sa'tin! sa akin! You know naman na three tayo. Remember Mommy said? Nasa tummy niya tayo dati, Kuya we are three! Siguro sobrang heavy nung tummy ni Mommy kasi nandon tayo tatlo." humikbi ito.

"Dapat kasi binigay niya sa Daddy natin si kuya Blade para two nalang tayo sa tiyan ni Mommy kasi si kuya Blade nasa tyan ni Daddy." Umiiyak pa nitong sabi.

Hindi ko alam kung maawa ba ako o matatawa sa pinagsasabi ng anak ko.

Agad namang tumango si Blaze at sa tingin ko'y nag isip isip pa ito. Pero alam kong pinagbibigyan lang nya ang kapatid nya. Matalinong bata si Blaze at namana niya ito sa ama niya, sa kanilang lahat ay si Blaze ang mini me ni Cy.

Kamukha niya ito, oo triplets sila pero kung titingnan mong mabuti si Blaze talaga ang kamukha niya.

"Yeah, you're right, we need him. Ah! Hayaan mo Blake kung kasama na naten ang Daddy natin. Sasabihin ko na kapag may sister na tayo sa tummy nalang niya ilagay." Nakangiti sabi niya sa kapatid.

Napa iling nalang ako at dahan dahan sinara ang pintuan bago pumunta sa kwarto ko at nahiga.

I'm so sorry mga anak, Dahil sa katangahan ko ay nawalan kayo ng ama. Kung sana naging mas matapang pa ako noon. Pero wala e, nasaktan ako. Unang beses kong naranasan na magmahal noon, at walang ka alam alam sa pagibig.

Hindi ko alam kung anong oras ako nilamon ng antok, pero ang alam ko ay tumitilaok na ang manok nang dalawin ako ng antok

Kaya paggising ko ay agad akong napatampal sa noo, alas dose na nang magising ako at late na sa trabaho. Agad agad akong naligo at nagbihis ni hindi pako nakakapag suklay ay agad na 'kong lumabas ng kwarto ko. Naabutan ko ang tatlo kong anak na kumakain ng ice cream.

Puro kalat ang Ice cream sa bibig ni Blake at ang kela Blade ay Blaze ay sa damit.

Agad akong napamura sa isip dahil 'di ko nakita si Victoria,

Fuck! Sino nag pakain sa mga anak ko ng almusal?! Baka mamaya hindi pa sila nag-aalmusal!

"Mga anak sino nag pakain sa inyo ng breakfast?" lumapit ako kay Blake at pinunasan ang bibig nya.

"Si Kuya Blaze mommy! He knows na po! Nakikita nya kay Tita Victoria! Kuya Blade want to cook but tinatamad daw po siya." Nakangiti sabi saken ni Blake.

"Really, kuya?" Tanong ko kay Blaze.

Tumango ito sa'kin kaya nilapitan ko ito at pinugpog ng halik, ang laki laki na ng panganay ko!

He giggled. Hay, sobrang sarap pakinggan ang tawa ng mga anak ko. Si Blade naman ay may maliit na cooking set kaya dun siya minsan nagluluto ng mga gusto niyang kainin, o di kaya kapag may request ang mga kapatid niya, hindi naman harmful ang mga ginagamit niya kaya okay lang sakin ang mag luto siya.

"Mommy, where are you going po?" tanong ni Blake.

"Work baby," Sabi ko na agad kinakunot ng noo nilang tatlo.

"Mommy? It's Sunday po 'diba?" sabi naman ni Blade.

Agad tumayo si Blaze at tiningnan ang kalindaryo namen.

Nagsimula namang umiyak si Blake. "Mommy 'di ba po day off nyo sabi niyo po pupunta tayo sa mall today, did you forget it already na po?" Iyak ni Blake,

"Mommy, It's Sunday po." Nagulat nalang nang dala na ni Blaze ang kalindaryo namin at tinuro yung date kung saan day off ko nga.

Hindi ba sabado ngayon? Napa face palm nalang ako.

"No baby! Pupunta pa rin tayong mall okay? Akala lang ni Mommy Saturday ngayon, Shhh don't cry na anak." Pampagaan loob ko kay Blake. Agad din itong ngumiti saken at tumigil sa pagiyak.

Niyakap pa ako nito at hinalikan sa pisngi, sobrang lagkit ng mukha ko ngayon dahil kumakain siya ng ice cream.

Speaking of Ice cream, napakelaman nanaman nila ang ice cream na nakatago sa ref! Ang gagaling talaga pati nakatago na ay nahanap pa!

Pinaliguan ko muna sila sabay sabay dahil gusto nilang maglaro muna. Pagkatapos ay binihisan sila ng terno terno.

Si Blade ay color blue na polo samantalang kay Blaze ay red, ang kay Blake naman ay yellow.

"Let's go na, babies?" Yaya ko sa kanila.

Nagsi-tanguhan silang tatlo at yinakag na ako palabas ng bahay. Nagtaxi nalang kami dahil wala ang kotse ni Victoria. After many minutes ay nasa tapat na kami ng mall.

"Mommy let's go! Let's eat po muna! Then let's go po sa arcade at mag grocery na!" Masayang sabi ni Blake na sinang ayunan ng dalawa.

Kita ko ang saya sa mga mukha nila kaya dinala ko sila sa McDo kasi paborito nila dito.

Simula talaga baby pa sila ay dito ko na sila dinadala dahil ayaw daw nila kay Jollibee bida bida daw kasi. Oh diba batang bata pa ang ja-judgemental na ng mga anak ko, paano pa kaya kapag naging binata na.

Papasok pa lamang kami sa loob nang may makasalubong kami.

Kumalabog ang dibdib ko nang magtama ang paningin namin. Shock is all over her face bago bumaba ang tingin sa tatlo kong anak.

"Mommy? Who is she?" Tanong ni Blade.

Agad nanlambot ang mga tuhod ko and then suddenly my eyes heaten up.

May mga luhang lumabas mula sa mga mata niya at saka ko nakita ang paglabas ng isa pa niyang kasama.

Oh God, I miss them so much.

"Mama, Papa..." Naluluha kong sambit.

***

The Playboy's Wife| [Under Editing]Where stories live. Discover now