CHAPTER 17

7.4K 138 35
                                    


-
"Mommy, when I grew up. I want to be just like you po." Bulong sa'kin ng anak ko nang matapos ko ang huli kong niluto.

Lunch break na kaya kakain muna kami bago bumalik sa kusina. Pinagpapawisan na din si Blade dahil medyo maiinit sa loob.

"Sure, baby." Nakangiti kong sabi.

Pinunasan ko pa ang pawis nito sa noo.

"Anak, sa labas mo nalang kaya wait si Mommy?" Agad naman siyang umiling dahil sa sinabi ko.

"Mommy, gusto ko lagi kitang nakikita."

Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. Manang mana talaga siya sa ama niya, hindi mapakali noon kapag 'di ako nakikita. Napailing naman ako dahil sa mga naiisip. Jusko sa lahat ng iisipin ay yung lalaki pa na iyon.

"Momma, I want Leche Flan po..."

"Okay anak, wait ikukuha kita." Tumayo ako at pumunta sa kusina para kuhanin ang Leche Flan na ginawa namin kanina.

Pagbalik ko ay muntik ko nang mabitawan ang Leche Flan na hawak.

Agad akong kinabahan nang makita ko ang mag ama ko na naguusap. Agad akong lumapit doon.

"Hey buddy, You're a chef now?" Rinig kong sabi ni Cy sa anak niya.

Kumunot naman ang noo ni Blade at tila naguguluhan sa sinasabi.

"Po? Who are you....po?" He tilted his head.

"You don't remember me?" Cy chuckled.

Siguro akala nito ay si Blake ang kausap niya.

"I don't know you po. Now lang po kita nakita." malambing na sabi ni Blade at tila ba na ayaw mapahiya ang ama.

"Ah ganoon ba-"

"Mommy!" Agad bumaba sa upuan si Blade at lumapit sa'kin.

Nabaling naman sakin ang paningin ni Cyraze.

"Hey," Bati niya.

Tinanguhan ko lang siya at lumapit sa lamesa namin. "Here's your Leche Flan baby.."

"Wow! Thank you Mommy ko!" Masaya siyang kumain at nagalaw pa ang paa sa ilalim ng lamesa.

Si Cy naman ay nakatingin lang kay Blade. Naki-upo na pala siya hindi ko manlang namalayan.

I know may kasalanan siya pero kahit patingin tingin nalang sa anak niya ay malaking pasasalamat ko na sa kaniya. Kahit na alam kong ayaw niya sa kanila ay natutuwa ako dahil nakikita ko siyang tuwang tuwa habang nakatingin kay Blade. Ewan ko kung totoo ba iyan o nag kukunwari lang siya.

"What's your name buddy?" Agad kumabog ang dibdib ko dahil sa tinanong niya.

He didn't know that his children were triplets. Hindi ko naman nasabi noon dahil hindi pa'ko nakakapag pa check-up noon.

"I'm Blade po! What's your name po?" Bibong sagot ng anak ko.

"Blade? I thought your name was Blake?" Nakangiting tanong ni Cy.

Para akong bombang sasabog dahil sa kaba. Siguro kailangan din naman niyang malaman, kahit anong gawin ko ay umasa ako na babalik ang lahat. Kahit para nalang sa mga bata. Lalo na't tuwing gabi ay umiiyak si Blake kay Blaze dahil hindi siya makaget over kay Cy. Ang selfish ko dahil hindi ko mabigyan ng ama ang mga anak ko.

At gago si Cy dahil puro siya pasarap! Hindi pa pala handa mag-kaanak! Pero puro pasarap!

"Po? Ahh! Blake is my twin po!"

The Playboy's Wife| [Under Editing]Where stories live. Discover now