CHAPTER 15

7.5K 151 15
                                    

Authors note: You can re-read this chapter cause I edit some scenes IF you want to.

-

"Ma! B-Bakit po kayo nandito?" Nasa loob na kami ng McDo at katabi ko ang tatlo kong anak samantalang kaharap namin ngayon ang mga magulang ko.

Naluluhang nakatingin si Mama sa tatlo kong anak.

"A-Anak niyo ba ito?" Sa huli ay nakapag salita rin si Mama.

Si Papa ay tahimik sa tabi niya at nakatingin kay Blaze. Nakikipag titigan rin naman ang anak ko at paunti unti ay ngumingiti.

Busy si Blade sa paglalaro ng laruan nya at si Blake ay sa pagkain.

"Opo ma," Umiiyak kong sabi.

Napatingin nalang din ako sa baba dahil sa takot. Hindi niyo ako masisisi tinago ko sa kanila na may anak kami ni Cyraze at hindi din alam ng mga magulang ni Cyraze. Alam kong magagalit sila sakin sa oras na maayos na ang lahat.

"Anak, bakit naman ganito?" humikbi ito.

"Sorry Ma, Pa." Humagulgol na ako, wala nang pakialam kung pinagtitinginan kami rito.

"B-Bakit kailangan itago mo ito anak! Wala ako sa tabi mo, 'Di ba nanay mo 'ko! Dapat nagsabi ka anak." Nagiiyakan na kami dito at pinagtitinginan ng mga tao.

"Magpapaliwanag po ako sa bahay." Tanging nasabi ko.

Hinintay lang namin matapos kumain ang mga bata bago umalis at dumeretso sa bahay namin. Habang nasa kotse ay kita kong nakikipag laro na ang mga bata sa Lolo at Lola nila. Hindi sila nagtanong sa'kin kanina sa hindi ko malaman na dahilan, o baka dahil wala rin silang pakielam sa paligid nila kanina dahil sa excitement.

Hindi na rin kami nakapag grocery dahil pagkatapos nila kumain ay umalis na agad kami. Siguro mamayang hapon nalang ako mag gogrocery at kung sasama sila ay isasama ko sila.

**

"Now, explain everything anak,"

Umupo kami sa couch at hinawakan ni mama ang dalawang kamay ko.

"Mga anak, punta muna kayo sa room n'yo. Magpalit na rin kayo ng damit, okay?"

"Kuya Blaze, Si Blake ha? Ikaw na muna bahala kuya, hmm?" Utos ko sa mga anak ko.

"Opo Momma, ako na po bahala." Ngumiti ito sakin.

"Sige na. May kakausapin lang si mama ha?" Malambing kong sabi.

Tumango silang tatlo bago umakyat sa kwarto nila.

Lumuluhang nakatingin sa'min si mama. "Naging mabuti kang ina sa kanila at nakikita ko iyon. Napalaki mo silang maayos at mabuting bata, and I'm so proud of you. Napalaki mo sila kahit na mag isa ka lang."  Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang dalawa kong pisngi.

"Mama!" Humahagulgol akong yumakap sa kanya at iniiyak ang lahat.

"Mama, hirap na hirap ako! Mama sorry! Hindi ko alam ang gagawin ko noon, Ma!" I sobbed.

"I almost lost them! Hirap na hirap ako sa panganganak dahil tatlo sila, pero hindi ko pinagsisihan yon kasi they are my treasures now, I'm sorry ma hindi ko sinabi! Sorry ma kasi nawala ako. Sorry hindi ako nag paalam. Napaka sama kong anak sa inyo ma." Umiiyak kong sabi, basang basa na ang muka ko at rinig ko rin ang pagiyak nila ni Papa.

Niyakap ako ni mama at sabay kaming humagulgol.

"A-Akala ko, wala ka na. Akala ko may nangyari na sa'yong masama, ni hindi ka na nagpaalaam nang maayos." iyak ni Mama,

The Playboy's Wife| [Under Editing]Where stories live. Discover now