CHAPTER 18

7.5K 117 28
                                    

"Anak, sumama ka muna kay tinang ha?"

Pinasundo ko na siya kay Victoria ang kaso ay ayaw niyang sumama.

"Dito lang ako mommy!" Humihikbing saad.

Nasa labas kami ngayon ng Restaurant at kailangan makabalik na agad si Victoria dahil naiwan ang dalawa sa bahay. Tulog daw ang dalawa at alam kong iiyak si Blake kapag hindi niya nakita yung taong nagpatulog sa kaniya.

"Mommy please! Ayoko sumama please!" Mas lalo na itong umiyak kaya wala akong nagawa kung hindi ay pauwiin si Victoria.

Hindi pa 'ko pwede umuwi dahil mag uusap kami ni Cy. Pero paano kami makakapag usap kung may tukong naka kapit sa akin?

Pumasok ako ng restaurant at pumunta sa opisina ni Cy. I saw him sitting at his swivel chair and staring at the ceiling.

Nakatulala lang ito at humihikbi pa.

"Cy..." I called him but he didn't answer.

Nakatingin lang siya sa itaas at tila hindi ako narinig. Nilapitan ko siya at hinawakan sa pisngi.

"Are you okay?" Tanong ko.

Tumingin lang ito sakin at naiiyak nanaman.

Oh god, anong nangyari sa pamilya namin bakit nagkaganito.

"I'm sorry...."

Kanina pa niya sinasabi yan samin dalawa ni Blade.

"Mommy, I want to say sorry." I heard Blade whispered.

Si Blade yung batang hindi kinakaya kapag may mali siyang nagawa. Naiintindihan ko siya kanina dahil nakita niya na sinuntok daw ako ng daddy niya pero pinaintindi ko na naman sa kaniya na hindi ako yung sinuntok. Pero mali pa din yung sinabihan niyang bad ang isang tao lalo na at hindi pa niya ito kilala. Don't judge the book by it's cover.

Binaba ko ang anak ko at nakita ko siyang humarap kay Cy.

"I'm sorry po. I got mad po kasi I love my Mommy po and I thought po nasaktan siya, I don't want my Mommy get hurt po." nakita kong nagsituluan ang mga luha ni Cy habang nakatingin sa anak niya.

Pinunasan naman agad iyon ni Blade gamit ang maliliit niyang mga kamay.

"I'm sorry, baby." ulit nanaman ni Cy.

"It's okay na po. Don't cry po nahuhurt po ang heart ko." Biglang umiyak si Blade na siyang kinagulat ni Cy.

Tumingin ito sakin na tila hindi alam ang gagawin.

"Shh...Don't cry, Blade." pag aalo nito sa anak.

"Siguro po ikaw yung kinwekwento sakin ni Blake, ikaw po ba ang daddy namin." Umiiyak si Blade nang tumingin sakin at tila naghahanap ng sagot sa akin.

Napatingala ako dahil hindi ko kinakaya ang mga nangyari ngayon araw na ito.

Tiningnan ko ulit si Blade at nakita ko itong naghihintay sa sasabihin ko.

"Y-Yes anak" saad ko na siyang kina-iyak ng mag ama.

"D-Daddy!" Blade cried.

Dahil hindi ko kayang marinig ang dalawang umiiyak ay lumabas ako ng opisina, bibigyan sila ng oras.

Nakita ko ang mga kaibigan ko sa labas at agad naman nila akong niyakap.

"Magiging ayos din ang lahat." Bulong sa akin ni Ate Crayon.

LUMIPAS ang isang oras ay lumabas ang mag ama ko. Kitang kita sa mga mata nila ang pagiyak.

Sinarado muna pala saglit ang Restaurant dahil sa nangyari kanina, utos na din ni Sir Red.

The Playboy's Wife| [Under Editing]Where stories live. Discover now