CHAPTER 1

52 9 1
                                    

ANASTASIA'S POV

"Ma, alis na po ako. Male late nako e! Hindi man lang ako hinintay ni ate. " nagmamadali akong lumabas ng bahay dahil male late nako first day palang ng klase. For sure may flag ceremony ngayon.

"Yung baon mo nasayo na ba?" dinig kong sigaw ni mama.

Napahinto naman ako bigla at tinignan ang bulsa ng suot kong palda dahil hindi pwedeng baon ko pa ang hindi ko madala. Baka magkaron ng emergency ay wala akong gagamitin. Tyaka gutom ako dahil hindi nako nakapag umagahan.

"Opo ma! Nandito na." Hindi nako bumalik pa kay mama. Sumigaw nalang ako para marinig nya.

"Kuya Bert tara na po." medyo hingal kong sabi sa driver namin pag pasok ko sa loob ng sasakyan.

Si kuya Bert ang family driver namin. Pero Bata pa lang sya. Ang sabi nya ay nasa 21 pa lang sya. Namasukan na lang sa amin bilang driver sapagkat hindi sya kayang pag aralin ng magulang nya sa kolehiyo.

Hindi kami ganon kayaman. May kaya lang ang pamilya ko at may sarili kaming bussines. Yun yung matagal na panahong pinaghirapan ni papa na ngayon ay nakatutuwa dahil sa pagtatyaga nya ay lumago iyon at may mga branch na sa ibat-ibang lugar.

"mukang puyat ka kagabi ah Anastasia? Kausap mo ba ang iyong nobyo?" natatawang sabi ni kuya Bert.

Nobyo? Nang-aasar ba si kuya Bert? E ni manliligaw nga wala ako. Natatawang Napa buntong hininga na lamang ako sa nasabi ko sa isip ko.

"Napuyat ako kakanood ng movie kagabi kuya Bert. Wala naman po akong boyfriend na pagpupuyatan" bagaman seryoso ay nakangiting sabi ko.

"Bakit naman wala? Wala na ba kayo ni Aiden?" parang nagugulat pang tanong niya.

"Matagal na po kaming wala ni Aiden kuya Bert." bumuntong hininga nalang ako.

"Ganun ba? Kaya pala hindi na dumadalaw dito? Akala ko ay busy lang sya sa Laguna kaya hindi ka dinadalaw sa inyo." sabi nya habang nagmamaneho.

Hindi nalang din ako nagsalita at tumahimik na lamang ako buong byahe. Simula nung mag hiwalay kami ni Aiden nawalan nako ng gana pumasok sa isang relasyon. Pakiramdam ko masasaktan lang ulit ako.



-Flashback-

"Ate Anastasia naman. Wag mo nang pahirapan yung sarili mo." namomroblemang sabi ni Chantelle sakin habang umiiyak ako.

"Hindi ko alam. Hindi ko na alam kung ano pa bang dapat kong g-gawin para makalimutan ko sya" humihikbing sabi ko.

"Naiintindihan ko yung ate Anastasia mo Chantelle. First love nya si Aiden kaya paniguradong mahihirapan talaga sya mag move on." ani Riley. Isa sa mga bestfriend ko. Pinsan ko sya at mas matanda sya saken ng dalawang taon pero para lang kaming magka edad kung mag usap.

" Alam ko din naman yon ate Riley. Pero- "

"Mararanasan mo yan kapag na inlove kana" seryosong ani Riley.

"Ginawa ko naman na lahat." umiiyak paring sabi ko.

"Tu-tumanggap ak-ako ng manliligaw. Nilibang ko yung sarili ko. Nag focus ako sa pag-aaral ko. Pero bakit hindi ko sya makalimutan?" ayun nanaman yung paulit-ulit kong nararamdaman.

Sa loob ng dalawang taon naming pag hihiwalay ni Aiden wala akong ibang bukambibig sa mga kaibigan at pinsan ko kundi sya. Oo galit sila kay Aiden dahil niloko nyako. Niloko nila ko ng ex nya. Pero kahit na ganon yung nangyari. Sa umpisa lang yung galit ko. Mas nangingibabaw yung pagmamahal ko sa kanya. Long distance relationship kami pero madalas naman kaming mag kita dahil parents nya mismo ang nag uutos sakanya na dalawin ako. Masaya kaming dalawa. Sobrang mahal namin yung isa't isa. Pero hindi kami tinigilan ng ex nya hanggang sa yun ang naging dahilan ng hiwalayan naming dalawa.

The Age Gap Between the Two of Us Where stories live. Discover now