CHAPTER 6

4 1 0
                                    

Hayyyyy... Ohayo! Saturday...

Nag stretching muna ko bago ko tuluyang tumayo sa higaan ko. Pagka tayo ko ay kumuha ako ng isang bottled water tyaka ko ininom yun. Pakiramdam ko tinatamad pakong bumaba. 7am palang. Paniguradong tulog pa yung mga pinsan namin. Samin kasi nakatira si Riley at Chantelle ngayon. Sina papa ang nagpapaaral sa kanilang dalawa. Napagdesisyunan kong maligo muna. Nag suot ako ng short. Hindi maiksi dahil ayaw akong pinagsusuot ni mama ng maiksing short. Short na panlalaki ang suot ko. Hanggang tuhod ang haba tyaka ko tinernuhan ng croptop na sandong fitted. May nakasulat namang angel sa gitna non sa taas banda. Nagpolbo at nagliptint ako tyaka ko blinower yung buhok ko. Nang matuyo yung buhok ko ay bumaba nako. Sakto namang nakita ko sila mama sa kitchen. Nasa table sila kumakain ni papa. Mukang maganda ang gising nila. Ano kayang pinag-uusapan nila?

"Anong oras daw ba ang meet natin kay Mr. Archilles ma?" tanong ni papa. Dun ko napansin na mukang wala silang lakad ng maaga. Umupo muna ko sa hagdan tyaka nakinig sa usapan nila. Simula nang lumago ng lumago ang business namin ay wala na silang oras samin ni ate."Ang sabi ay kahit bukas ng 8am na daw dahil marami syang appointment ngayon." sabi ni naman ni mama. "Sinabi mo na ba sa mga Bata na dalawang linggo tayong hindi uuwi para don?" tanong ni papa kay mama. Nagulat naman ako.

Saan kaya sila pupunta?

"Hindi pa. Gusto ko silang sorpreashing dalawa." diko man makita dahil nakatalikod si mama ay batid kong Nakangiti ito. Sorpresa? Anong meron? Sa curious ko ay lumapit nako sa kanila. Saktong lumabas rin si ate sa kwarto nya. Mukang may lakad a?

"Goodmorning" nakangiting bati ko tyaka ko humalik kay mama.

"Goodmorning pipol" sabi rin ni ate. Bilis naman bumaba neto?

"Goodmorning" sabay namang bati ni mama at papa. Nagpapractice ba sila? Palagi silang sabay kung bumati samin ni ate e.

"Maupo kayo at may sasabihin kami sa inyo" nakangiting sabi ni mama samin. Tinignan ko yung umagahan namin. Bacon, egg, bread, may sinangag, hotdog, longganisa at tocino. Ang dami naman.

Hehe mabubusog nanaman ako neto. Kaya di ako pumapayat e.

Kumuha muna kami ng pagkain ni ate tyaka kami nakinig sa sasabihin ni mama.

"Aalis kami ni papa. Pupunta kaming Palawan. We will stay there for two weeks." panimula ni mama. Natigilan si ate sa pagkain. Pati ako. Palagi namang busy sila mama pero ngayon lang yata sila magiging sobrang busy. At anong gagawin nila sa Palawan wala namang branch ang business namin don? "Two weeks?" Hindi makapaniwalang tanong ni ate. Tumango naman si papa habang kumakain.

"What are you two going to do there? Are you going for a vacation trip?" tanong ko naman.

"No." sabi naman ni mama. E ano?

"Then what will took you so long there?" tanong ko ulit.

"Ofcourse for a business anak." sagot ni papa saken. Nakatingin lang naman si ate. Nangangapa rin.

"For business? Magtatayo kayo ng business sa Palawan?" nagtataka paring tanong ni ate sa kanila habang nakakunot ang noo.

"Yes" tipid na sagot ni mama. Napaka Ganda ng ngiti nya.

"Factory? Saan naman kayo mag lalagay ng Factory sa Palawan?" I curiously asked.

"Well, hindi factory ang ipatatayo namin don anak." si papa ang sumagot. Lalo akong naguluhan.

Hindi Factory? E yun ang business namin.

"We bought a private island there." nakatingin sakin si mama ng sinabi nya yon. "Oh my gad!" napatakip ako sa bibig ko sa gulat.

The Age Gap Between the Two of Us Where stories live. Discover now