You can hear the song above to feel the chapter. Thank you!
Chapter 50: Mga bandila
Tila saglit tumigil ang oras sa gitna ng malaking digmaan. At ang tanging nanatiling gumagalaw sa mga oras na iyon ay ang ihip ng hangin at ang mga maliit na dahong tangay nito.
Ang mararahas na takbo ng mga kabayo, ang ingay ng nagsasagupaang mga espada, ang nagtutunggaliang mga kalasag, ang iba't ibang klase ng kulay ng mga kapangyarihan, ang putok ng mga kanyon, ang sirena ng mga nagliliparang ibon sa himapapawid, at maging ang malakas na sigawan mula sa napakaraming boses mula sa magkalabang batalyon ay kusang natigil.
Ang atensyon ng lahat ay natuon sa kadarating na nilalang na hindi inaasahang muling masisilayan sa kasalukuyan— ang diyosang siyang may pinakamalaking ambag sa kasaysayan ng Nemetio Spiran.
Si Diyosa Eda na siyang tinitingala ng lahat at pinaniwalaang nakitil ng dahil sa pagmamahal. Ang kinikilala ng lahat na siyang higit na biktima ng manipuladong kasaysayan.
Natahimik ang buong digmaan.
Sino nga lang ba ang siyang nakakaalam na siya'y hanggang ngayon ay buhay at pilit ikinubli ng mga diyosa gamit ang kapangyarihan ng iba't ibang nilalang?
Ang mga mataaas na diyosa ng Deeseyadah'y matagal nang nagtatago sa likuran ng iba't ibang nilalang ng Nemetio Spiran at ginagamit ang mga ito na tila mga laruang may pisi sa kanilang mga daliri. Katulad ng kung paano nila pinaglaruan ang mataas na pitong trono noon.
Hinayaan nilang magpatayan ang mga nasa trono sa kaalamang isa sa kanila ang sakim, traydor at gahaman sa kapangyarihan.
Bakas sa mukha ni Tatiana ang pagkagulat, maging ang matataas na diyosa'y hindi makapaniwala sa kanilang nasasaksihan.
Nang sandaling palayain ni Naha si Diyosa Eda sa huling tore kung saan naroon ang unibersidad, inakala ng lahat na ang pagkawala ng kanyang presensiya'y ang huling pisi na ng kanyang buhay. Ngunit tila nakakalimutan nilang hindi na nag-iisa si Diyosa Eda.
Hindi lang ang mga Gazellian ang nakipagsanib pwersa sa kanya, matagal na rin palang inalay ng mga Le'Vamueivos ang kanilang katapatan, at lalong hindi rin naman magpapaiwan ang natitirang emperyo mula sa Parsua.
Ngunit hindi ko akalain na may koneksyon na rin pala sila sa mga Attero.
"I-Isang malaking kasalanan! This is forbidden enchantment! Hindi na maaaring buhaying muli ang isang diyosa mula sa kamatayan! H-Hindi na iyan si Diyosa Eda! Isa siyang huwad!" malakas na anunsyo ni Tatiana.
Napailing si Caleb.
May ilan sa mga diyosa ang saglit na nag-alinlangan, ngunit nang higit na pumantay ang matataas na diyosa sa tabi ni Tatiana upang suportahan siya at ipakita ang kanilang hindi pagsuko, tinanggap ko na sa sarili kong kamatayan na nga ang tatapos sa digmaang ito.
Huminga ako nang malalim.
"Binigyan ko kayo nang huling pagkakataon," kalmadong sabi ko.
Nang nagbigay ako ng unang utos sa gitna ng digmaan, hindi ko inaasahan na agad magigiba ang pundasyon namin. Bagaman ang isa't isa'y masasabi kong makapangyarihan, ang pinsala ng isa'y kahinaan ng lahat.
Ang unang atake nina Lily at Harper ang nagpakita sa mga kalaban kung gaano kami kalakas at agresibo, ngunit isa rin ang dalawang prinsesa sa kahinaan ng lahat. Magugulo ang kalmadong isip at estratehiya ng magkakapatid na Gazellian sa sandaling higit na mapinsala ang kanilang prinsesa. Siguro'y alam na iyon nina Tatiana kaya hantaran nilang inilabas sa bibig nila ang pangalan ni Reyna Talisha, na siguradong hindi palalampasin ng mga prinsesa.
BINABASA MO ANG
Moonlight Throne (Gazellian Series #6)
VampireJewella Leticia is willing to face the biggest war to rewrite the conflicted past of Nemetio Spiran- a world she thought she would only need to see from above. *** To face a war with the greatest support of the most powerful family in Parsua Sartori...