Dedicated to Roi Arron James Calaunan
Chapter 16
– REYNA –
Dambana
"He's the purest king, Leticia... he doesn't deserve this... all the hatred."
Napatitig ako kay Hua. Nang sabihin niya sa akin kung sino ang haring una niyang pinaglingkuran, halos bumaliktad ang mundo na hindi ko alam kung paano ko iyon paniniwalaan o matatanggap.
Isa lang ang inakala kong haring nais niyang muling paglingkuran kung bibigyan siya ng pagkakataon. Isang Hari lang ang lubos kong hinangaan sa kabila ng mga ilang desisyon niyang hindi ko magawang sang-ayunan.
Si Haring Thaddeus Leighton Gazellian.
Isa sa naging rason kung bakit hindi ko na pinilit sabihin sa akin ni Hua noon ang pagkakakilanlan ng kanyang hari ay dahil may malaki na akong paniniwala na nakikilala ko na iyon.
Sino pa ba ang Hari ang lubos na konektado sa kasalukuyang nangyayari? Hindi ba't ang amang hari ng mga Gazellian? Sinong hari ang siyang ginawa ang lahat para magkaroon siya ng koneksyon sa bawat nilalang na nakatakda sa kanyang mga anak? Si Haring Thaddeus.
Ngunit nang sandaling lumabas sa mga labi ni Hua ang haring paulit-ulit niyang bibigyan ng katapatan—halos hindi ko na alam kung anong reaksyon pa ang siyang maibibigay ko. Kailanman ay hindi pumasok sa isip ko na siya...
Si Haring Andronicus Clamberge III, na siyang kinamumuhian ng lahat. Ang pinaniniwalaan ng lahat na siyang pinagmulan ng walang katapusang kaguluhan ng Nemetio Spiran.
Umawang ang bibig ko upang magsalita, ngunit agad ko rin iyong itinikom dahil walang salitang nais lumabas. Mahirap paniwalaan ang mga sinasabi ni Hua, isa ako sa napakaraming nilalang na siyang nakarinig at naniwala sa bersyong ngayon ay pinanghahawakan ng lahat.
Ang bersyong pinagpasa-pasahan ng bawat salinlahi. Ang bersyong pinagmulan ng walang katapusang muhi patungo sa kilalang sakim na hari ng nakaraan.
"H-Hua, ngunit ang bersyon ng mga lobo'y--"
Nanghihinang umiling sa harapan ko si Hua. "Their version might be the accurate one, but no one in this world knows what really happened before that. Ang tanging alam lang ng lahat, Leticia, ay nang sandaling pumutok na ang kaguluhan."
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Hua. Hindi niya itinanggi ang mga nangyari at nalalaman namin. Ibig sabihin pa rin nito'y totoong nangganap ang kaguluhan sa pitong trono sa pamumuno ni Haring Clamberge III.
Inamin ko na saglit akong umasa na mali ang nalalaman naming lahat.
"Nang sandaling makakita na ang lahat ng nilalang na sisisihin, ang bawat salinlahi at henerasyon ay hindi na muling inalam ang totoong nangyari sa pitong makasaysayang trono. They blamed my king, killed his bloodline..." saglit akong lumingon kay Nikos.
Ito siguro ang dahilan kung bakit sa dami ng nilalang na siyang kasama namin, si Nikos ang siyang mabilis niyang nakapalagayan ng loob. Dahil ang dugong nananalaytay kay Nikos ay sa haring siyang una niyang pinaglingkuran.
Ngunit ang siyang malaking katanungan ko, bakit pinili akong gabayan ng tapat na kanang kamay ng kilalang hari ng kasaysayan ng Nemetio Spiran?
Ano ang rason?
"B-Bakit Hua? N-Nagkataon bang ako ngayon ang napili mong paglingkuran o ito'y mula s autos ni—"
"Leticia..." inilahad niya sa akin ang kanyang dalawang kamay.
BINABASA MO ANG
Moonlight Throne (Gazellian Series #6)
VampireJewella Leticia is willing to face the biggest war to rewrite the conflicted past of Nemetio Spiran- a world she thought she would only need to see from above. *** To face a war with the greatest support of the most powerful family in Parsua Sartori...