💟Brix POV💟
"Ano ba ang dapat nating pag-usapan? So I can leave this house. Hindi ko na kayang magtagal pa dito. Pumunta lang ako dito para mas makilala niyo pa si Zyrelle. But I guess kilala niyo na siya pwede na akong umalis ulit." hindi ko alam pero naiinis ako sa mga magulang ko.
Bakit parang gustong gusto nila umalis si Zyrelle kanina? Pero bakit parang nabigla sila ng Ipakilala pa ni Zyrelle ng mas mabuti ang sarili niya. Wala naman siyang sinabing mali ah.
"Brix, hindi kayo pwede ng girlfriend mo. Kilala ng dad mo ang daddy niya. Dati silang magkaibigan. Pero sira na yun ngayon. At huwag mo ng tanungin ang dahilan." seryosong sabi ng mom ko.
Hindi kami pwede pero bakit? At may kinalaman na naman ang magaling kong ama! Parati na lang siya ang hadlang sa kaligayahan ko. Sasabihin nilang hindi kami pwede pero hindi naman nila sinasabi ang dahilan.
"Why? Ano bang problema?! Hindi naman din ako pumunta dito para hingin ang permiso niyo kung pwedeng maging kami o hindi. Mahal ko si Zyrelle. She makes me happy sa bawat na magkasama kami. Hindi ko siya magagawang hiwalayan dahil lang sa inyo!" dahil sa sinabi ko nakatanggap ako ng sampal sa sarili Kong ina.
Unang beses tong nangyari. Nakita ko kung paano lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Mama pagkatapos akong pagbuhatan ng kamay.
"We only want the best for you. Ayaw ka naming masaktan. At Kapag nalaman ni Zeddrick na anak kita. Siya na mismo ang gagawa ng paraan para paghiwalayin kayo ng girlfriend mo." wika ng na magaling Kong ama.
Kilala niya daw dati ang dad ni Zyrelle. Tapos ano hindi kami pwede? O Gumagawa lang siya ng dahilan para maging miserable ang buhay ko ng tulad sa kanya? Saka na lamang kami mag-usap usap kapag wala ng galit sa bawat isa. Ni hindi pa nga kami ganun nagtatagal ni Zyrelle sa relasyon namin may hadlang na agad.
💟Annie's POV💟
Pagkatapos umalis ng anak namin. Agad akong kinausap ni Richard. Bakit sa lahat ng babaeng pwedeng magustuhan ni Brix ay anak pa ng matalik na kaaway ng daddy niya. At hanggang ngayon Hindi ko pa rin nasasabi sa kanya na tumawag si Scarlett.
"Why didn't you tell me? My tumawag dito diba? Tumawag siya diba?! Ilang araw na ang nakalipas pero ni hindi mo man lang sinabi sa akin!" galit siya at ramdam ko yun.
Ngunit paano niya nalaman? Ganun pa rin ba kaimportane ang babaeng yun sa kanya? Ilang taon na kaming mag-asawa. Pero hindi niya ito magawang kalimutan. Siguro nga ako lang ang pinili niya dahil kaya ko siyang bigyan ng anak. Hindi katulad ng babaeng yon na mas pipiliin niya pa ang career niya.
"Nakalimutan ko lang sabihin. Bakit makikipagkita ka sa kanya?! Mahal mo pa rin ba siya? Alam kong kahit matagal na taon na ang lumipas siya pa rin ang nasa puso't isip mo! Pinili mo lang naman ako dahil Don diba? Diba?" mabuti na lamang ay wala na dito ang bunso naming anak at nasa kwarto niya na. Kung hindi maririnig niya ang sigawan namin.
"Gusto Ko lang humingi ng tawad sa kanya dahil sa labis ko siyang nasaktan noon. Ano bang iniisip mo? Kayo ang pinili ko diba? Hinayaan kong mawalan ako ng matalik na kaibigan para piliin kayo. Huwag mo Kong pag-isipan ng masama." hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay Bigla na lamang siya umalis pagkatapos noon.
💟Scarlett's POV💟
"Hindi ka pa lubos na sigurado doon. Kaya huwag mo munang sabihin kay Zyrelle! At kung totoo man yan, labas na sila dito hindi sila kasali sa away at gulo na nangyari noon!" dahil nalaman ni Zeddrick na anak ni Richard ang boyfriend ni Zyrelle. Kaya Pinauwi niya ito agad. Pinadiretso na lamang namin ni Krizzane si Zyrelle sa kwarto niya.
BINABASA MO ANG
I love you and I hate that
Romance(Montefalco Series #2) She hates that engineer! She hates Brix! She hates him! But soon The hate will turn to love. Because the more you hate, the more you love ika nga.