"Sa paanong paraan mo ba gustong makaganti sa kanila?" sumilay ang nakakalokong ngiti sa mga labi nito.
"Gusto kung maramdaman nila yung sakit na ngayon palang nila mararanasan." simpleng sagot ng babae saka ininom ang wine na inabot ng lalaki sa kanya.
"So you want them all to suffer? Pero sino ang uunahin mo sa kanilang lahat?" dagdag pang tanong ng lalaki.
"Siyempre yung taong pinaka pinahahalagahan, yung rason kung bakit kailangan kang iwan at saktan. She deserves more pain above all." diretsong saad ng babae.
"It's thats what you want then I will help you with that as long it will make you happy." ngiti lamang ang isinukli ng babae sa kanya.
Pagkatapos ay nagcheers pa sila ng kanila ng mga baso at sabay na inubos ang laman ng wine.
--------------------
"Richard what are you doing here?" tanong ni Scarlett ng makita niya ang lalaking nakaupo sa sofa ng bahay niya.
"Scarlett Gusto kong mag-ingat kayo ni Khaix. I know you won't understand this but I want you two to be safe." saad nito sa kanya.
"Teka ano bang sinasabi mo? Kanino? Saan?" naguguluhan niyang tanong.
"It's because of Annie." sagot lamang nito.
"Dahil sa asawa mo? Bakit? If it's only because of that woman hindi ako natatakot sa kanya noh. Kaya ko siyang labanan." matapang niyang saad.
"It's more than that. Hindi mo pa siya kilalang kilala. She can do whatever she want kung yun ang ikasasaya niya. That woman is crazy."
"So nagpakasal ka sa baliw?"
"Galit siya." sabi nalang nito.
"And you think I care?" pilit niyang pinataray ang boses. Ayaw niyang madamay sila ni Khaix sa gulo ng mga ito.
"Hindi lang sa akin o sayo, sa ating lahat."
"At tsaka anong karapatan niya para magalit siya sa atin! Dapat nga tayo ang magalit sa kanya eh. Ang dami ng atraso ng babaeng yun sa atin."
"Scarlett, kahit ngayon lang please makinig ka naman sa akin. Mag-iingat kayo ng anak ko, ng anak natin. Kapag may nararamdaman o nakikita kang kakaiba sa paligid mo, Just call me and I'll be there. Dahil Gusto kong maging ligtas kayo mula sa babaeng iyon, at ayaw kung may mangyari sa inyong masama." pagkasabi nun ay agad din itong umalis.
May kinalaman kaya ito sa nararamdaman niyang parang may nagmamasid sa kanila? Lalo na nung isang araw.
But he knows Richard hindi ito marunong gumawa ng kwento at nagsasabi ito ng totoo so they will do what he said.
"Let's have a lunch." pag-aaya ni Zyrelle kay Khaix. Nasa loob siya ng opisina nito. Matagal na rin simula nung huli niyang kulitin ang pinsan.
"May magseselos at kapatid ko pa kaya mabuti pa siya na lang ang yayain mo." tanging sagot nito saka muling binaling ang atensyon sa laptop nito.
"Of course kasama si Brix. Siya nga ang nagsabi sa akin na yayain kitang maglunch kasama namin!"
Kunyari ay naiirita niyang sabi pero tinawanan lang siya nito. Ang magkapatid ay walang ibang ginawa kung hindi ang inisin siya.
"You know I think you should have a girlfriend!"
"Ayoko sakit lang sa ulo ang mga babae." sagot nito saka muling tumawa.
"Whatever!" sabi niya pagkatapos ay inirapan ito.
"Bro, bakit palaging ang init ng ulo ng girlfriend mo?" tanong ni Khaix kay Brix. Mukhang pagtitripan pa siya ng dalawa.
"Hindi ko nga rin alam eh. Ikaw baka alam mo pinsan mo kaya yan." kaya sabay na napatawa ang dalawa. Mukhang hobby na ng mga ito ang mang-asar.
Napagpasyahan nilang sa restaurant na lang ng kanilang ate Katherine sila maglulunch.
"Richard, hindi ka ba nagsasawa sa kapupunta mo rito? Bakit hindi na lang si Scarlett ang puntahan mo? Alam mo naman ang bahay nila, diba?" tanong ni Krizzane sa kaibigan ng asawa niya ng pagbuksan niya ito ng pinto ng mansion nila.
"Asan si Zeddrick?" agad nitong tanong sa kanya.
"Sa study room niya." nilagpasan lamang siya nito.
Napakaseryoso ng mukha nito noong kausap siya para bang may kinakaharap na napakalaking problema. Hindi niya na lamang yun pinansin.
"Ma'am Krizzane si ma'am Zyrelle na po ba ang susunod na ikakasal sa mga anak niyo?" tanong sa kanya ng isang katulong.
"Oo kaso mukhang kokontra pa yung Nanay ng boyfriend niya. Kilala niyo naman yun diba yung pumunta dito?" tumango lamang ito.
"Yun ba ma'am? Siyempre walang panama sa inyo yun. Madami kayo tapos mag isa lamang siya. Saka hindi naman po nanalo ang kasamaan sa kabutihan." kaya sabay silang napatawa.
Lahat ng katulong sa mansion nila ay pinakikitunguhan niya ng maayos at mabuti dahil lahat ng mga ito ay ginagawa nila ng mabuti ang kanilang mga trabaho. Hindi siya yung taong mapagmataas, hindi katulad ng mga ibang tao mapagmataas.
"May anak ka bang mag-aaral na sa college?" nakangiting tanong niya rito.
"Wala pa po ma'am ehh. Bakit po ba?" magalang na sagot nito sa kanya.
"Sabihin mo sa akin kapag meron na bibigyan ko ng scholarship." sagot niya rito.
"Talaga po ma'am?"
"Ay hindi joke lang. Oo naman! Deserve mo naman yon eh." kaya labis ang saya ng katulong.
"Do you know Allen Montero?" tanong ni Zeddrick kay Richard ng makapasok ito sa study room niya.
Kasalukuyan niyang binabasa ang mga credentials ng taong nabanggit.
"Bakit sino ba siya?" mukhang walang alam ang kanyang kaibigan.
"You don't know him? He's been seeing your wife. It's like they doing something behind your back. Or they having an affair? You know something about this?" tanong niya rito.
Kaya biglang nag-iba ang awra ng mukha nito. Mukhang nauunawaan na ang sinasabi niya.
"Baka yan na ang lalaki niya!" galit nitong saad.
"What?! Your an idi*t Richard! Your wife is cheating on you at wala kang alam? How the f*ck is that?" hindi makapaniwalang saad niya dito.
"I know Zeddrick kaya hindi mo na kailangan pang ipamukha sa akin yan. And you know what's even worst itunuring kong anak yung anak niya sa lalaking yan. Well I never regret loving the child but that woman she fooled me!" pahayag nito.
"Atleast you have more reasons para tuluyan mo na siyang hiwalayan. Naayos mo na ba ang mga papel para mahiwalay ka na sa kanya o baka nagdadalawang isip ka pa?"
"Of course not! Gusto ko ng mahiwalay sa baliw na babaeng yon! Dahil wala akong baliw na asawa! Kaya pala ako nadito dahil Gusto ko lang pala sabihin sayo na ingatan mo ang pamilya mo lalong lalo na ang anak mong si Zyrelle." seryoso nitong sabi.
"Why?"
"Dahil baliw na nga babaeng yon and I know she will do something awful for all of us so if you didn't want your family to get hurt protect them."
"Kilala mo ako Richard kaya kong pumatay para lang sa pamilya ko and your wife? Kayang kaya natin siya. We can easily defeat her at mag-isa lang yon."
"Hindi ko alam kung anong kaya kong gawin sa kanya oras na saktan niya sila Scarlett at ang mga anak ko!"
BINABASA MO ANG
I love you and I hate that
Romance(Montefalco Series #2) She hates that engineer! She hates Brix! She hates him! But soon The hate will turn to love. Because the more you hate, the more you love ika nga.