01

2 3 1
                                    

Good morning Ateneo! Good morning Katipunan! Ewan ko kung bakit sobrang energetic ko ngayong araw na ito, sobrang ganda ng gising ko. Bumababa na lang ako sa kusina para kumain, ako lang ang tao dito sa kwarto namin.

"Wow! Ang ganda ata ng gising mo ah. Ganda ng mga ngiti natin ah" pang aasar ni Hestia, kaibigan ko. Ang aga aga nang aasar agad. Bawal ba ngumiti? Mga baliw talaga

"Masaba ngumiti? Hindi ba pwedeng maganda lang gising ko?" sagot ko sa kanila.

Tatlo lang kami dito sa condo, malapit sa Ateneo. Actually, kaming dalawa ni Hestia ay kabilang sa Line Up ng Ateneo this season. Si Bea naman ang isa pa naming kasama dito. She knows to play volleyball but she decided not to play anymore.

"Kunware naniwala kami, may nag papatibok na ba sa puso ng isang Lorelai?" sabi ni Bea habang naglilinis.

Hindi na lang ako sumagot dahil nagugutom na ako. Pagkatapos kong kumain  ay naligo na rin ako at nagbukas nalang ng Facebook. Habang nags-scroll ako ay nakita ko ang highlights ng game ng UST at UP kahapon. Pinanood ko yun dahil UST ang makakalaban namin sa next game namin para malaman ko kung paano namin sila tatalunin, Char. Habang nanood ako ay may umagaw ng atensyon ko yung Team Captain ng UST, si Armetis Ramos.

Ang papi naman niya.

Ano ba Lai? Kalmahan mo nga, tama muna harot. Diba straight ka?

Naglalakad ako ngayon papuntang Ateneo  Gym para mag training, we need to prepare dahil UST ang next na kalaban namin. Nauna na si Hestia dahil may ginawa pa ako. Nilakad ko na lang din dahil malapit lang naman. 

"40 laps, Now!''

S-Seryoso ba siya?

Gulat kong tanong sa sarili ko. Ganun din ang iba ko pang teammates na na late rin. We're just late for about 5 minutes, for pete sake.

"What are you waiting for?! Run!" dahil sa sigaw na yun ni Coach Ivan ay natatarantang napatakbo kaming lima at inikot ang buong court ng labing apat na beses.

Hindi na kami nakapag reklamo pa at baka mapagalitan pa kami. Mukhang badtrip na naman siya ngayon. 

"Shit! My legs are tremblin" Xia shakely uttered at napahinto bago napa hawak sa mga tuhod niya.

Kahit ako ay nanginginig nadin dahil kanina pa kami takbo ng takbo.

"1 more lap pa Xia. Keri mo pa diba?. You can do it, baka makita pa tayo ni Coach" humihingal na pagsabi ko bago kami tumakbo ulit.

Hindi pa nag tagal ay natapos namin ang 40 laps ng sobrang pagod. Hindi pa kami nag sisimulang mag practice pero pagod na ang katawan ko.

"Late comers. Rest for 20 minutes. Ready yourself too, may game practice kayo" seryosong tugon ni Coach.

Hinubad kuna ang T-shirt ko na nakasuot, kaya naka Jersey nalang ako at naka pang volleyball short. Ganun din ang ginawa ng mga kasama kong na late.

"Nakaka takot naman si Coach."  Aya said.

Totoo namang nakakatakot talaga si Coach. The way he postures himself, the dominant we're screaming inside of him. 

"Mas okay pa si Coach Peter, kahit minsan napaka sungit nakukuha nating magbiro sa kanya" rinig kong sigaw ni Ria

"Don't compare with our previous head coach to him. Hindi pa natin alam kung ano ang kakayahan ni Coach Ivan, Let's just trust his system." sabi ko sa kanila

Pinagmasdan ko si Coach Ivan at bahagya itong naka kunot noo. Seryoso siyang naka tingin sa mga teammates ko na nag didrills.

"Liberos, more practice from digging and divings"

Nagpatuloy lang akong pinag masdan si Coach Ivan. Hindi ko alam pero sa tingin ko, malaki ang naitulong niya sa team.

This is my first playing year, gusto ko yung nakakatulong ako at gusto ko rin makaranas ng maka apak sa finals. Lagi naman kaming nananalo noong highschool kami pero UAAP na ito eh kaya gagalingan ko para narin sa mga seniors namin.

"Kayong dalawa, pumasok na kayo sa court" 

Tumayo na kaming dalawa ni Xia at pumunta na nga sa court. Kumuha ako ng bola sa cart at nagsimulang mag bigay ng mga sets sa mga hitters.

I played as a setter since I learned how to play volleyball. Why? It's beacuse the setter is the most important position in volleyball. You can't creat a magnificent attacks without them setting you.

For short, setter is the brain of a Volleyball Team , The Playmaker.

Isang oras na ata kaming nag pa-practice at ramdam ko na ang pamamanhid ng mga braso ko. Pero dahil sanay na kami sa ganito, kaya ayos lang. Mag aalas sais na ng umaga at ang iba ay may klase. Alas 8 naman yung first class namin ni Heather kaya ipagpahinga kuna lang siguro mamaya bago kami pumasok.

" That's enough, yung may mga pasok pwede na kayo umalis"

"Yes coach, thank you" tugon namin at sabay sabay kaming umalis.

The Best UnexpectedNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ