02

0 2 0
                                    

Lai

Today is the Game Day! Kalaban namin ngayon ang UST at nandito na kami ngayon sa bus papuntang Arena. 

Makalipas ng ilang minuto ay nakarating na rin kami sa Arena at dumiretso sa dug out. Habang nag hahanda ay napag-uusapan nila ang UST, habang ako ay busy kumakain ng paborito kong mochi. 

Maya-maya ay tinawag na kami ni Coach dahil malapit na  daw magsimula at magt-training kami sa court.

Paglabas namin ay nandon na ang USTWVT. Nag wawarm-up na sila, dito muna kami sa gilid dahil mas nauna sila samin. Habang nag lalaro kami ni Hestia ay bigla na lang may tumama na bola sa ulo ko. Ang sakit ha!

"Omg! Sorry po, Di ko sinasadya. Nagpa-practice kasi ako." sincere na sabi sakin ng nakatama sakin.

Paglingon ko ay medyo natulala ako. Ang ganda niya talaga. Oo, siya nga. Si Armetis ng UST ang nakatama sa puso ko... ay ulo ko.

"It's okay, Di naman masyadong masakit" Pagsisinungaling ako kahit masakit naman talaga. Sanay na ito masaktan 'no. 

"Ari Ramos nga pala" Pakilala niya sabay abot ng kamay.

"Lai Ganea" Pakilala ko pabalik sabay hawak sa kamay niya.

Gago! Ang lambot, pota. Ano ba lord kung siya na yung forever ko, thankyou charot lang jusko sakit lang yan sa ulo. Mas maganda pag single nagagawa mo lahat ng gusto mo.

"Sige, Lai. Balik na ako doon. Goodluck" Paalam niya.

Ngumiti nalang ako at bumalik sa ginagawa, pag tingin ko kay Tia para siyang hihimatayin sa kilig.

"Anyare sayo? Baliw ka talaga" kumuha ako ng bola sa cart para mag p-practice sa mga sets ko.

"Bagay kayo, Lai" mahinang sabi niya sabay takbo sa court dahil kami na ang mag gagamit ng court.

Ano daw? Bagay kami ni Ari? Siraulo talaga. Wala na akong time para sa mga ganyan 'no, focus muna ako sa career ko bago love life. Hayst

Magsisimula na ang game at medyo kinakabahan ako dahil first game ko 'to. Nandito si Bea kasama ang Family ko, kaya dapat ay maganda ang performace ko. 

Set 1 at 2 ay nakuha namin pero hindi kami nag relax dahil magaling ang UST. 21-22 ang score lamang ang UST.  Na over recieved ni Jamie ang serve ng UST kaya nahirapan akong iset ang bola. Gagawan ko pa sana ng paraan pero sobrang lapit na ang bola sa net kaya napa upo ako sa sahig. Naramdaman kong may humawak sa bewang ko. Pota! Bakit may kuryente! Kailangan kong mag focus kaya binalewala ko nalang yun. 

Nanalo kami laban sa UST, 3 sets. Ang saya! Sobrang galing talaga ng UST, they gave us a good fight. Yun lang kinulang sila sa dulo. Nandito kami sa dug out para maligo at pagkatapos ay magc-celebrate kami.

Ari

Natalo kami ng Ateneo pero bakit ang saya ko? Bakit parang nanalo parin ako. Baliw na kung baliw pero ang Papi talaga nung Lai Ganea ng Ateneo. Crush ko ata siya. WTF! May jowa ka Ari tangina mo, tama na harot.

"Ganda ng ngiti Ari. Natalo tayo pero bakit ang saya mo?"Pang-aasar ni Mickee.

"Hindi ba monthsary niyo ngayon ni Kylo?" Tanong sakin ni Fynie

Oo nga pala, tangina mo Ari. Yes, oo may boyfriend ako. 7 months na kami ngayon, basketball player siya ng USTe.

Nagpaalam muna ako sa kanila para puntahan si Kylo sa bahay nila. Nakakainis lang kasi umuulan tapos wala pa akong dalang payong.

Palakas ng palakas ang ulan kaya unti unti akong nababasa, tangina naman kasi. Hindi man lang ako na informed na uulan pala.

"Nababasa ka na, o--" Ay palaka, akala ko kung sino hayop. Bakit nandito siya? Nananaginip ba ako? Totoo ba ang nakikita ko? Nandito ang isang Lai Ganea?

The Best UnexpectedWhere stories live. Discover now