03

0 2 0
                                    

Hay salamat! Nakauwi na rin ako. Napaka traffic talaga sa Pilipinas.

Pagpasok ko sa dorm ay agad akong humiga dahil pagod na pagod talaga ako. Wala akong kasama dahil nasa klase pa yung dalawa.

Medyo masakit yung pakiramdam ko dahil hindi talaga ako pinapansin ni Ari, kagabi pa ha. Naligo na ako at naisipan kong buksan ang twitter ko. Nakita ko ang account ni Ari kaya naisipan kong i-follow. Ilang oras ang lumipas pero hindi parin ako fina-followback ni Ari. Medyo nalungkot ako pero siguro busy [sa iba] lang siya. Natulog na lang ako para naman hindi ako ma bored.

Ari

Naligo na ako pagka uwi namin ni Mickee galing Starbucks, pagkatapos kong naligo ay chinarge ko muna ako phone ko para may magamit ako panglaro ng CODM mamaya. 

Bumaba muna ako para mag luto ng itlog, wala akong alam na luto at hindi ko gusto yung ulam na binili nila kaya nag luto nalang ako ng sarili kong pagkain.

"Bakit, hindi ka nag sasalita pag kasama natin si Lai?" tanong ni Mickee. Kumakain kami ngayon. Eto na nga ba ang sinasabi ko, baka kung ano pa isipin niya e. " Nagka ayos naba kayo ni Kylo?" dagdag pa niya.

Pati ako ay hindi ko na rin alam kung okay ba talaga kami ni Kylo, kung kami pa ba o hindi na. Tinatawagan ko siya pero hindi siya sumasagot. Pag pinupuntahan ko naman siya sa kanila ay laging wala. 

"Nahihiya lang ako" Pagsisinungaling ko. "Oo, okay na kami. Nagka ayos na kami kagabi pa" Jusko minus 10 na naman ako sa langit nito. Lord patawad.

Lai

Alas quatro na ng hapon nang magising ako dahil sa malakas na bunganga ni Bea, tangina nito.Pagka gising ko ay agad kong tinignan ang phone ko, binuksan ko agad ang twitter ko para i check kung finollow back na ba ako ni Ari. Ay hindi pa! Tanginang buhay naman to.

Naisipan ko siyang i search sa Facebook pero lalo lang akong na badtrip sa nakita ko. Putangina, kaya pala. May boyfriend pala siya, yung sikat na basketball player sa USTe. 

Agad kong pinatay ang cellphone ko at bumalik sa pag higa. Hindi ko alam kung bakit na dissapoint ako kaninang nalaman ko na may boyfriend pala siya.

I c-cancel ko ba yung pag follow ko sa kanya? Hay nako, bahala na. 

Alas otso na nung naisipan kong bumaba para kumain. Sakto at nag luluto si Hestia ng Adobong Manok.  Habang si Bea naman ay busy sa kanyang plates, our future archi.

"Parang masarap yang niluluto mo ha" Pumunta ako sa kusina kung nasaan si Hestia.

"Syempre! Ako pa ba" sagot nito.

Kumuha na ako ng mga plato at kustara para kami ay makakain na. Pagkatapos naming kumain ay nag kwentuhan muna kami.

"Paano mo malalaman na gusto mo ang isang tao?" Hindi ko na napigilang tanungin yun sa kanila. Ewan ko ba kasi naguguluhan na ako sa nararamdaman ko.

"Huh? May nagu-gustuhan kana ba ngayon? Naka ngiting tanong ni Bea."Boy or Girl ba?"dagdag pa niya.

"Ay! Ay! Bet ko 'yan, sino ba?" tanong rin ni Hestia na naghuhugas ng mga pinagkainan namin.

Hindi na ako nagsalita dahil baka kung ano pa masabi ko, hindi talaga ako sure kung gusto ko ba si Ari o hindi. Ang alam ko ay tatan-tanan na nila ako pero mali ako. Ang kulit nila, mga baliw!

"Hoy! Sino ba kasi 'yan?" tanong ulit ni Hestia "Ano ba 'yan, Tol mga kaibigan mo kami kaya sabihin mo na" 

I have trust issues, that's why i don't want to tell them about it.

Tumakas na lang ako papunta sa taas, matutulog na ako dahil may class at training kami bukas. Mabuti nalang at 3 pm ang practice. 

Binuksan ko ulit ang twitter ko, nag b-ba kasali kung finollow back na niya ako. May notification na nag pop-up at nagpa ngiti saakin.

Ramos_armetisDiana followed back you.

Ari

Naisipan kong buksan ang twitter ko para maki chismiss. Pag ka bukas ko ay may nag notif. sakin. Wft? Siya ba ito? o Poser account lang?

GneaLai  followed you.

Finollow back ko na baka ano pa ang sabihin nito. Naisipan ko siyang i-stalk kaya lang ay puro memes ang mga tweet niya. Nakakainis! May boyfriend kaya siya or Girlfriend?! 

What if I-dm ko siya. Eww Ari, ang harot mong tanginaka.

GneaLai  

A:Thanks sa pag follow, My idol

Wala pang limang segundo ay na seen na niya kaagad. Wow!

L: Aq dpt mag pa slmt, My idol. Tnx pi s pg fllwed bck.

Tangina! Bakit ganon siya mag type? Nakakainis, pero pag si Lai. Ayos lang. Enebe

A: Baliw ka talaga, sige goodnight!

L: Baliw sayo. EMSZ lang po My Idol.

L: Good night, sweet dreams<3

Pinatay ko na rin ang phone ko matapos ang usapan namin ni Lai. Natulog ako ng may ngiti sa aking labi.





Sorry po sa Typings ni Lai HAHAHAHAHAHA. Hope you like it, Mahal ko kayo

-Aug. 15, 2021- (9;03 pm)



The Best UnexpectedWhere stories live. Discover now