04

0 1 0
                                    

Shit! Late na naman ako.

"Sir! Sorry po, late na naman ako"

Dahan-dahan akong umupo, ramdam ko ang titig parin ng mga ka klase ko. 

"It's okay, Ms. Ganea. I understand" our prof said. Naka hinga naman ako ng malalim nang sabihin niya 'yun.

Alam kong gusto nilang mag tanong pero nag sisimula na ang klase.

Dapat kase ay nag alarm ako kagabi at natulog ng maaga. Bakit ba kasi naki pag landian pa ako kay Ari!

Nag discuss lang ang si Prof Jayzee, our professor for Mythology and Folklore. After that nag tanong tanong lang siya kung talagang nakinig daw ba kami. 

" First question, Apollo took Aeneas to Pergamos for safety. True or False?" tanong niya.

At dahil nakinig ako kanina, alam ko ang sagot niyan. I raised my right hand.

"True, Sir"

"Good." Tango nito. 

Duh! Ang simple lang ng tanong ka ya na iyon.

Nagpatuloy lang ang pagtatanong ni Sir. Ang iba ay nakasagot at ang iba ay hindi. After ng class namin ay dumiretso na agad ako sa Gym para mag practice. 3 pm ang sabi ni Coach pero pumunta na ako kahit 2:30 palang. Mahirap na, baka ma late na naman ako at bigyan ng punishment.

"Sabay na tayong pumunta sa training" Pagyaya ko kay Hestia pagkatapos ng klase niya.

Naalala ko siya bago ako pumunta sa Gym kaya hinintay ko nalang siya after ng klase niya. 

"Oh. Sure!" Sagot niya sa'king ngiti-ngiti. Dumaan muna kami sa lockers namin para kunin ang mga gamit namin pang training.

Nagulat siya ng bigla 'kong binuhat ang gym bag niya at nauna nang maglakad. Naka limang hakbang na ako pero hindi parin siya sumusunod sakin. Pag kami na late, ewan ko nalang.

"Lai, you're legs won't move by themselves" sabi ko rito para matauhan siya. " Ayos kalang ba? Yung mga gamit ko kasi"

"Oh?! Nasa akin na ang mga gamit mo. Bilis na baka ma late tayo" sabi ko ulit.

"No! Bakit ang sweet mo ata ngayon?. Ano nakain mo?"

"What? Eh ganito naman ako lagi ah" Sabi ko sa kanya at tumalikod. Nauna na naman akong maglakad. Tumakbo naman siya papunta sakin.

"Wait! Ma mamatay kana ba?" bulong nito.

Tahimik lang siya sa buong paglalakad namin papunta sa gym. Hindi ko na lang siya kinausap baka ano pa masabi niya. Kaya ko naman kasi ginawa yung kanina dahil gusto kong mag patulong sa kanya. 

Pagpasok namin sa gym ay nandoon na sina Xia at Aya kasama si Kim. Kaming lima palang ang nandito.

Nag laro muna kami ng CODM dahil wala pa si Coach at ang iba pa naming kasama. Yes, oo nag lalaro ako ng cod pampatanggal stress. 





Pag ka lipas ng 30 minutes ay dumating na ang mga iba pa naming kasama pati si Coach, nag kanya-kanyang warm up muna kami dahil mamaya ay gagawin namin ang iba't- ibang Volleyball drills.

"Okay team! Let's do the service drills for now!" anunsyo ni Coach at nagsipuntahan naman kami sa mag kabilang dulo ng court. " Yung mga serves nyo last game puro errors" dagdag pa niya.

Service is one of my weapon to score. I have different kinds of services that I used in attacking the opponents. Isa ito sa mga inaral ko magmula ng matuto akong maglaro. My Dad, who's service specialist of My school in highschool before, taught me many techniques in terms of service.

Una kong ginawa ang jump float serve at mukhang kaya naman nilang i-received yun, sunod ay ang top spin. May dalawang libero kami sa Team. Si Kyla at Ynka.

Sunod naming ginawa ay ang jump serve. Hindi na ako nagulat dahil kuhang-kuha ni Jasmin ang lahat ng mga serves ko. 

"You're so good at receiving, Jasmin" masayang bati ni Coach sa kanya.

"Thanks Coach" sagot nito.

After our training, may ilang paalala pa si Coach bago kami nagpaalam sa isa't-isa. Mabuti at may kasabay akong bumalik sa dorm kasama si Hestia.

Ari

Nandito ako ngayon sa Basketball Court ng USTe. Bibisitahin ko sana si Kylo pero wala na naman siya. Nagtanong ako sa mga teammate niya pero hindi rin daw nila alam kung nasaan siya. Tangina! Saang lupalop ng mundo ko siya hahanapin.

Bumalik na lang ako Dorm dahil wala na rin naman akong ibang pupuntahan. May training kami mamaya dahil may laban na naman kami bukas. 

Matutulog sana ako pero biglang tumawag si Mickee, pinapapunta niya ako sa Starbucks. Nandoon daw sila Lai at yung kaibigan niya. 

Agad naman akong bumangon sa pagka higa ko noong nalaman ko na nandoon pala si Lai. What if landiin ko siya? HAHAHA baliw.

Lai

Nasa starbucks kami ngayon ni Hestia dahil nag crave kami ng Iced Coffee. Sakto dahil nandito yung kaibigan ni Ari, Si Mickee. Nandito rin kaya siya? tanong ko sa sarili ko.

Muntik ko nang maibuga ang Iced Coffee ko nang dahil sa babaeng pumasok sa Starbucks. Di ko alam pero sobrang saya ko. Nakita ko lang naman kasi ang Armetis Ramos ng UST.

Lumapit siya sa Table namin dala ang dalawang T- Shirt na kulay yellow. Hindi ko alam kung para saan yun.

"Uy! Finally, Nandito kana" bati sakanya ni Mickee.

"Hi Ari" bati rin ni Hestia.

Magkatabi sina Hestia at Mickee kaya sa tabi ko umupo si Ari. Ewan ko pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nag phone nalang ako dahil wala naman akong magawa. Nahihiya ako sa nangyari kagabi.

"Uy Tia, Lai may laban pala kami bukas against ADU. Nood kayo, gusto niyo?" Masayang sabi ni Mickee "Sagot ko na ang ticket." dagdag pa niya.

"G" sagot ni Hestia.

"G din ako" sagot ko at ngumiti ng mapalad.

Binigyan kami ni Mickee ng UST T-shirt na may nakalagay na Ramos at Lastimosa sa likod nito. Yun pala yung dala kanina ni Ari na T-shirt.

"Di ako sre kung susuotin ko 'to" sabi ko. Paano ba naman kasi taga Ateneo ako tapos mag c-cheer ako sa ibang team. Traydor!.

" Sige na, please?" rinig kong sabi ni Ari

What? Tama ba narinig ko? Please?!  Seryoso ba siya?

"Sige na kasi, Lai" pag papamilit ni Mickee at Hestia.

"Suot mo 'yung akin ha" bulong ni Ari sakin pero narinig nila Mickee at Hestia 'yun. Tumango nalang ako at nagpatuloy na ininom yung Iced Coffee ko.

"Paano ba 'yan? Uwi na kami ni Lai. Magga-gabi na kasi, baka ma curfew kami" sabi ni Hestia.

"Sige, ingat kayo" sabi naman ni Mickee.

"Ingat" maikling namang sabi ni Ari.

Anyare don? Ay bahala na nga. Chat ko nalang siya mamaya.

August 16,2021(2;46 pm)

The Best UnexpectedWhere stories live. Discover now