CHAPTER 22: NO, SHE'S NOT

13.6K 285 82
                                    

CHAPTER 22
NO, SHE'S NOT


Tinapos ni Vin ang thesis na ikinabigla ko. Kahapon ginanap ang oral defense at kahit papaano ay nakasurive naman yung group namin. Sa ngayon ay chill lang muna dahil matagal pa naman ang exam.

Pag oras ng aral, mag-aral. Pag oras ng landi, lumandi.

Oras ngayon landi kaya makikipaglandian muna ako kay Vin.

Kanina ay mag-isa lang ako dito sa kwarto ngayon ay kasama ko na si Vin na ngayon ay hawak ang gitara at nakasandal sa headboard ng kama. Habang ako naman ay nakadapa at pinapanood siya.

Napangiti naman ako nang nagsimula na siyang kumanta.

You're the reason there's no whiskey anywhere inside this house
You're the reason all my friends know I don't go downtown

Napakagat ako sa labi dahil mas lalong gumagwapi si Vin sa paningin ko. Apaka talented talaga niya. Magaling na nga sa kama, magaling pang maggitara at kumanta.

You're the reason I hate champagne, never used to turn it down
You're the only thing I want when one drop hits my mouth

Natuliro naman ako nang bigla akong tingnan ni Vin. Tiningnan ko na lang din siya dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Basta ang alam ko lang ay mabilis ang tibok ng puso ko.

But baby, you're the reason
I quit drinking

"Did you like it?" tanong ni Vin matapos niyang kumanta at itinabi ang gitara sa gilid ng kama.

"Yeah, sobrang ganda. Sino ang original?" tanong ko at ngumisi siya sabay tawa.

"I wrote it, it's my comeback song that will be released tomorrow."

Nanlaki ang mata ko sa sagot niya. Hindi ko akalain na ipaparinig niya sa akin ang comeback song niya. Hindi ako fan ni Vin pero sa tuwing nagpapakanta ako sa kanya ay parang gusto ko ng maging fan at manood sa mga concert niya o kung ano man.

"Come here." aniya at sinenyasan ako na lumapit sa kanya.

Lumapit ako sa kanya at bigla niya akong niyakap. Nakapatong ako sa ibabaw niga habang magkayakap kami.

"Let's cuddle."

"Okay." iyon lang ang naging sagot ko at mas hinigpitan ang yakap sa kanya.

Sobrang bango ni Vin at parang gusto ko na lang siyang amuyin buong maghapon at magdamag. Ramdam ko naman ang bawat paghagod niya sa buhok ko at hindi rin nakalagpas ang paghalik niya sa akin.

"Baby Yara, baby Yara..." pakantang bigkas ni Vin.

Please! Wag naman ganito! Nahihirapan na akong pigilan yung damdamin ko. Natatakot ako pati na rin yung boobsicles ko.

"Can you be my date?" biglang tanong ni Vin na ikinalaki ng mata ko.

"Saan? Bakit?"

"Sa Awarding Ceremony."

"Bakit ako?"

"Bakit hindi." sagot ni Vin sabay taas ng isang kilay.

"Bakit nga ako?" mataray kong tanong.

"I just want you to be my date, Yara. Thats it." pinal niyang sabi at inilapit ang mukha sa akin at hinalikan ako sa labi.

"Ok" sagot ko at pinipigilan ang kilig kahit palakas ng palakas na ang tambol ng puso ko.

Tinanong ko siya kung kailan at saan gaganapin para malaman ko kung may importanteng gagawin sa school. Sinabi rin niya na wag daw akong magalala dahil siya raw ang bahala sa susuotin ko.

THE RULESWhere stories live. Discover now