CHAPTER 43: SUNTOK

14.9K 319 207
                                    

CHAPTER 43
SUNTOK


Nakita ko ang pagtalikod niya at nang makarating sa pinutan ay binuksan niya ang trash bin at itatapon sana ang pagkain na niluto niya para sa akin pero pinigilan ko siya.

"Wag, kakainin ko." pagpigil ko kay Vin at napalingon siya sa akin at tila sinisiguro kung tama ba ang narinig niya.

"Kakainin ko yung niluto mo." sabi ko.

Naawa lang ako kay Vin at sayang rin ang niluto niya. Marami ang nagugutom ngayon at walang ibang ibig sabihin o rason ang pagpigil ko sa kanya.

Muli siyang naglakad papalapit sa table ko at inilapag niya doon ang pagkain. Tiningnan ko muna iyon bago napagpasyahan na buksan.

"Pwede bang dito muna ako?" tanong ni Vin at nakalimutan kong nandito pa pala siya.

Tumango ako at mataman siyang ngumiti. Matapos nun ay naupo siya habang ako naman ay sinariwa ang mabangong amoy nitong sisig na niluto niya.

May kasama utensils sa loob ng tupperware kaya hindi ako namrroblema. Agad akong sumubo at napapikit pa ako sa pagnguya dahil sa sarap. Kakakain ko lang nitong nakaraan ng sisig pero kahit araw-araw ko itong kainin ay hindi ako magsasawa dahil paborito ko itong ulan.

Pagmulat ko ay nakita kong nakangiti si Vin. Hindi ko namalayan na pinapanood niya pala ako. "I miss you." sabi niya at nakita ko ang panunubig ng mata niya.

Ngumiti ako at pinagpatuloy ang pagkakain. Nasa kalagitnaan ako ng pagsubo ay bigla ko lang naalala si Vin, kung kumain na ba siya.

"Kumain ka na ba?" tanong ko at umiling siya.

Napatingin ako sa tupperware na may natitirang konting kanin at ulam. "Sa iyo na ito." sabi ko at inabot sa kanya ang tupperware.

"Ok lang ako, niluto ko yan para sa iyo." sabi niya at umiling ako.

"Doctor ako Vin at masama ang malipasan ng kain. Kaya kainin mo na itong natitira." sabi ko.

Sa huli ay wala siyang naggawa kundi ang sundin ako. Kinain niya ang natitirang pagkain at gamit ang utensils na ginamit ko. Kung kanina ay pinapanood niya akong kumain ngayon ay ako naman ang nanonood sa kanya.

Malaki ang pinagbago kay Vin. Hindi na siya kasing tikas noon. Ngayon ay pumayat siya at mukhang hindi nakakakain.

Nang matapos siyang kumain ay inabutan ko siya ng cup at pinakuha na kang ng tubig sa water despenser na nandito sa loob ng office ko.

"I'm engaged Vin." simpleng sabi ko at tumingin siya sa mismong mata ko.

"I know pero alam mo..." bumuntong hininga siya at tsaka muling pinagpatuloy ang sasabihin. "Namiss ko yung pagmamaldita mo, yung mga pagirap mo. Yung pagtawa mo at yung kasama kita sa condo unit ko."

"Yung sa kung paano ako gigising sa umaga na ikaw yung una kong nakikita at nakakayakap. Namiss ko ang lahat sa iyo Yara." sambit niya pa at nakita ko ang pagtalikod niya sa akin na alam kong ayaw niyang ipakita sa akin ang pagluha.

"Masaya ako para sa iyo na natupad mo yung pangarap mo. Masaya ako na masaya ka ngayon."

"Pero hindi ako masaya dahil nasaktan kita. Hindi ako masaya dahil nakikita kitang nakangiti kasama ang iba."

THE RULESWhere stories live. Discover now