CHAPTER 48: WHAT HAPPENED?

15.2K 318 192
                                    

CHAPTER 48
WHAT HAPPENED?


Ayaw ko man at pagod pero heto ako ngayon at nakasuot ng damit na pangopera. Bumuntong hininga ako bago pumasok sa operating room at binanggit ang apilyido ng pasyenteng ooperahan ko.

Lopez.

VINCENT LOPEZ

Halos pigil ang iyak ko at ayaw tingnan ang buong katawan ni Vin na nasa harapan ko. Bukod sa 50/50 ang tsansa niyang mabuhay sa operasyon ay ayaw makadagdag ang emosyon sa kritikal niyang kalagayan.

Nagkatinginan mina kami ng mga kasamahan ko. Bumuntong hininga ako at nagsenyas na magsisimula na.

Kasabay nang pagabot sa akin ng scalpel ay pagandar ng orasan. May dalawang oras lang kami para sa pagoopera at hindi pwedeng lumagpas doon dahil kapag nagkataon ay isa lang ang patutunguhan ng lahat.

Ang simula ng operasyon ay naging madali lang para sa amin. Nagpatuloy ang oras at wala namang naging problema.

Thirty minutes ang nakalipas ay biglang nagsalita ang nakatalagang magmonitor sa paghinga at blood pressure ni Vin.

Inimporma niya kami na unti-unting nahihirapan si Vin na huminga. Tumingin ako sa monitoring machine at nakita kong kinukulang siya sa hangin.

Kinalma ko ang sarili at sinabi sa kanila ang mga dapat gawin. Kahit nangangamba at natatakot ay kinalaban ko ang emosyon ko dahil hindi iyon kailangan ngayon dito.

Sinunod naman nila ang mga utos ko sa mabilis na kilos dahil hindi oras ang kalaban namin ngayon dito kundi ang paghinga ni Vin.

Please, lumaban ka Vin.

Nangangako ako na kapag natapos ito ay ipapakilala ko sa iyo ang anak natin. Lumaban ka lang, wag kang susuko.

Ilang saglit pa ay bumalik na ang normal na paghinga ni Vin.m at dahil dun ay parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib.

Pinagpatuloy ko ang pagoopera at nagtiwalang makasurvive at magiging sucess itong operasyon. Muling kumalma at mas naging maingat ako sa bawat galaw ko. Sa akin, amin nakasalalay ang buhay ni Vin.

Sunod sunod ang mga naging hakbang at galaw ko dahil nga naging stable na ang paghinga ni Vin.

Minuto pa ang lumipas ay naggawa ko ang unang hakbang at nagpatuloy na iyon. Pero sandali naman akong natigilan nang tumaas ang blood pressure at nahirapan na naman muli si Vin na huminga.

Sinubukan kong kumalma tulad ng ginawa ko kanina pero natalo ako ng emosyon ko. Hindi ako makapagisip ng gagawin.

Nataranta bigla ako hanggang sa namalayan ko na lang na umiiyak na pala ako.

Nakatingin silang lahat sa akin at sinabihan na ako mg co-doctor ko na wag ko nang ipagpatuloy dahil sa sitwasyon ko ngayon na umiiyak.

Ipagpapatuloy ko pa sana ang operasyon pero sinabihan ako na kailangan kong palitan.

Tumingin sila sa aking lahat at umiling ako. Pinilit ko pa rin na ako ang magoopera hanggang sa may dalawang humawak sa tigkabilang braso ko at hinila na ako palabas.

Umiiyak ako habang nagaalala sa kalagayan ni Vin.

Nakita ko naman ang paglapit sa akin ni Director. Galit siyang nakatingin sa akin. "Kaya ko, maililigtas ko siya." nagmamakaawa kong sabi para papasukin niya ako muli sa Operating Room.

"DOC. YARA GUZMAN!" galit na sigaw sa akin ni Director. "Alam mong hindi mo na kayang ipagpatuloy ang operasyon dahil sa emosyon mo."

"Naiintindihan ko na gusto mong ipagpatuloy ang pagoopera sa loob pero hindi makakatulong ang pagiyak mo." galit niyang sabi sa akin habang ako ay patuloy sa pagiyak.

"Mapapatay mo lang ang pasyente kung papasok ka sa loob at ipipilit ang gusto mo. Doctor ka at alam mo ang dapat gawin. Sa ngayon ay kumalma ka dahil hindi kaa nakakatukong sa sitwasyon. Kapwa doctor mo rin ang nasa loob at alam nila ang ginagawa nila."

Matapos niya akong pagsabihan ay dismayado ang mukha niya na tumingin sa akin at iniwan ako.

Nang makaalis siya ay sinubukan sumilip sa loob ng operating room at alam kong nagkakagulo sila dahil mula sa monitoring machine na nakikita ko ay alam kong kritikal ang kalagayan ni Vin.

Sinubukan kong pumasok pero sarado ang operating room. Hinampas hampas ko ang pintuan at nagbabakasakali na papasukin nila ako pero alam kong hindi nila ako maririnig dahil naka sound proof ang Operating Room.

Ilang sandali pa ay may lumapit sa akin at pagtingin ko ay si Vance. Sinubukan niya akong yakapin pero tinulak ko siya papalayo.

"Mabubuhay si Vin." pagwawala ko habang tinutulak pa rin ang pintuan pero unti-unti akong nanghina at napaluhod dahil na rin sa pagod.

"Lumaban ka Vin, kung hindi para sa akin, para sa kambal na lang. Para kina Russel at Victoria." umiiyak kong sabi at hinahampas ang sahig.

"PLEASE! VIN!"

Natatakot ako. Sinisisi ko ang sarili sa nangyari. Hindi ko akalain na ganito ang mangyayari kay Vin at darating ang araw na ito na muli ko siyang iiyakan. Magmamakaawa hindi na para mahalin ako kundi para lumaban at mabuhay siya.

Nakita ko sa gilid ko si Vance na hindi pa rin umaalis. Hindi ko alam kung bakit at anong ginagawa niya ngayon dito. May mga sinasabi siya sa akin pero hindi ko pinakikinggan dahil isa lang ang nasa isip ko, si Vin.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nagkaroon ako ng lakas na tumayo at muling tingnan ang kalagayan niya pero tila mas lumala ang sitwasyon sa loob.

Habang nakatanaw sa loob ay nanalangin ako na sana ay maligtas at mabuhay si Vin. Ayokong isipin na mawawala siya pero kung mangyari man iyon ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

"NO! NO! VIN LUMABAN KA! PLEASE NAMAN OH!" pagmamakaawa ko nang makitang unti-unting magbago ang kurbabg linya sa monitoring machine.

Ilang sandali pa ay mas lalong hindi ko kinaya ang nangyari nang makita kong irevive ang katawan ni Vin. Paulit ulit itong ni revive hanggang sa unti-unting nanlabo ang nakikita ko dahil sa mga luha na pumapatak galing sa mga mata ko.

Malabo ang nakikita ko at hindi ko alam ang nangyayari pero sandali pa ay bumukas ang operating room at tahimik na nagsilabasan ang mga doctor at nurse na galing sa loob.

Hindi ko kilala ang yumakap sa akin pero inalalayan niya ako makarating sa mismong tabi ni Vin. Hinawakan ko ang kamay ni Vin at hinaplos ang mukha.

Umiyak ako ng umiyak hanggang sa hindi ko na alam ang sunod na nangyari dahil tuluyang dumilim ang paligid ko.






MISTERCAPTAIN
Professor

Walang sinabing kahit ano pero tingnan natin sa sunod na chapter. Anong sa tingin niyo ang nangyari kay Vin?

Salamat sa paghintay at pagbasa.

You can foloow my 2nd Account here on wattpad:
MissisCaptain

THE RULESWo Geschichten leben. Entdecke jetzt