04

633 13 0
                                    

"Bakit hindi na kita nakita after nung ping pong?"

Irish asked. Napairap naman ako. E, kung sabihin ko kaya sa kanya na napagalitan ako kinabukasan ni kuya dahil sa kalasingan. He even said that the uber driver is so kind na siya pa ang kumatok sa bahay namin para lang malaman nila na nasa tapat na akong ng bahay. Muntikan pa ako ma-grounded dahil sa party na yan. I can't even recall what happened after the ping pong game, ang natatandaan ko na lang . I drank hard liquor and talked to someone while waiting for my uber. Pagkatapos non wala na akong matandaan, even the guy i talk that night hindi ko din alam kung sino.

"Epal mo, Primo!" singhal ko sa kanya nung hilahin ni yung bag ko pabalik. naglalakad kasi kami papuntang cafeteria dahil lunch break namin.

"Kakain na ba kayo?" he asked

"Obvious ba?" Irish sarcastically said, she even rolled her eyes. Hindi ko alam kung bakit siya laging naiirita kay Primo pero kapag wala hinahanap. Saltik lang?!

Nang makahanap na ng table, si Primo na ang kumuha ng gusto naming kainin, i just ordered sisig na bangus, yung kay irish naman chicken curry, at yung kay Primo hindi ko na alam. Matakaw kasi ang isang yun kaya di na ako magtataka kung dalawang klase ng ulam ang bilhin niya at tatlong order ng kainin tapos may snack pa at dessert. Minsan napapatanong ako sa sarili ko kung nabubundat ba siya sa dami ng kinakain niya.

Bumalik siya na may hawak ng dalawang tray at nakatingin sa amin na may ngiti sa labi. I want to guess, may nakita na naman siyang maganda or napansin siya nung pinopormahan niya.

"Ano na naman niyang nasa mukha mo! Mukha kang adik!" sita ni Irish kaya nawala yung ngiti ni Primo sa mukha

"Alam mo, panira ka ng mood! Ela, ipirmi mo nga yung bibig ng kaibigan mo! Itatali ko talaga yan!" saad niya pa, naipaling na lang ako noong nagsimula na silang mag-asaran. Pero kalaunan natigil naman na din nung sinita ko na sila.

"Mm.. sabi ni pres. wala daw tayong class dahil pinatawag daw ng dean yung mga profs. Natin....so free cut" pahayag niya pa, tumango lang ako at inubos na ang pagkain ko.

Nang matapos na sa pagkain napagpasyahan may pupuntahan daw muna siya. Ang plano na pupunta ng field napunta sa gazebo dahil kay Primo na hila-hila ang manggas ng damit ko kaya masama ko itong binalingan.

"Ano ba, Primo!" i hissed, naiirita na ako. "Nalulukot yung damit ko!"

"Dali na tanong mo lang kung may boyfriend siya" pagmamakaawa pa niya

"Aray! Bahala ka sa buhay mo!" singhal ko nung hindi niya sinasadyang mahila yung buhok ko

"Dali na!"

" Alam mo hindi ko alam kung torpe ka ba o duwag ka lang talaga!"

"Sige na, please" saad niya pa at pinagsiklop ang kanyang mga kamay na parang nagdadasal. I sighed and nodded. I don't have any choice but to agree. Kung may ganito kang makulit na kaibigan hindi ka ba mapapa-oo ng wala sa oras?

Tinulak niya ako papalapit sa side ng mga blockmates ko kaya tiningnan ko siya ng masama at nagsimula na maglakad papalapit sa kanila. I'm not a friendly type of person pero para sa siraulo kong kaibigan i'll do it.

"Hi!" i shyly said and smile with them

"Elara right?" the girl said, Primo's type.

"Ah, yeah.. You can call me Ela"

"Ela...im Avigail, just Avi for short" pakilala niya, she's wearing a maong skirt and our Archi. uniform, i won't deny that Primo has a taste of girl, she's beautiful.

"Im Gab, short of Gabriella" the girl with ponytailed hair

"Im Maddie" she even offered her hand on me, kaya tinanggap ko iyon na nakangiti

"Kiel" she just smile, so i smile back, nakipag kwentuhan lang ako ng konti at sinabi na ang pakay ko

"I just wanna ask if all of you are taken?"

"No" sabi ni Avigail

"Huh? I mean, lahat naman kayo magaganda?" i confusedly ask "well, wala naman masama sa pagiging single, im single too" dugtong ko pa at sinabayan ng tawa

"Well, lahat naman kami taken but.. Yung isang sumagot bitter, ala kasing jowa" Gab said nakatingin pa kay Avigail at nag tawanan naman sila except kay Avi she even rolled her eyes on her friends

"We even recommend her to the man who is a mech. engineering" si Maddie

"Pero mas gusto daw niya yung football player si no. 17" sabi ni Gab

"Ah, okay...uhmm.. I need to go, see you around, bye" i stood up and wave my hand on them

Nang makalapit kay Primo'ng inip na sa kakahintay sa akin, aba magtiis siya ginusto niya yon.

"Ano sabi?" he said and stood up, nakaupo kasi siya sa isa sa mga malaking bato dito sa pwesto niya

"Wala daw boyfriend, she like someone, her friend recommend one of your blockmates but iba daw gusto niya"

"Sino daw ang gusto?"

"Football player no. 17, satisfied? Need to go" saad ko bago siya nilampasan.

From: Irish

Gym...

Pumunta muna ako ng Cafeteria dahil pinabilhan niya ako ng isang gatorade bago ako dumeretsyo sa gym kung saan nagpapractice ang varsity team. Pagka-pasok ko nakita ko kaagad si Irish kaya pumunta ako sa gawi niya at iniabot ang gatorade na pinabili niya.

"Ba't mo sa akin binibigay yan? Bigay mo kung kanino" saad niya pa at nakatingin doon sa crush niya

Napabuntong hininga ako at tumayo na ulit para lumapit sa gawi nila captain. "Cap, para sa inyo po" I said shyly, I can't even look at his eyes. Kukunin na sana ni Captain no.17 yung gatorade na hawak ko pero bigla na lang may humablot nito mula sa akin kaya masama ko itong binalingan. The jerk, Gonzales. Binuksan niya yon at ininom hanggang sa makalahati niya yung bote.

"Sorry, Cap. nauhaw lang" tatawa-tawa niya pang sabi.

Kaya wala akong ibang nagawa kung hindi umalis sa tapat nila. Wala naman na akong magagawa, nainoman na niya yon, alangan naman na ipasuka ko yung ininom niya? Gross.

"Alam mo minsan naiinis din ako kay Gonzales, pero bet ko yung moves niya" kinikilig niyang ani. I looked at her with a disgusted face, tumawa lang siya at tumingin na lang sa harap.

Seeing You In The Crowd (Seeing You Series 2)Where stories live. Discover now