06

539 9 0
                                    

"Good morning"

He greeted me. Papasok na sana ako ng building ko nung hinarangan niya ako papasok. I have an early class today but my professor canceled it a minute ago because of an emergency.

"Good morning" i greeted back

"Kumain ka na?" he asked, nakasunod pa rin sa akin

"Not yet, why?"

"tara, kain tayo." pag aaya niya pa. Sumang-ayon na lang din ako dahil hindi na ko nakapag almusal kakamadali mag-ayos kanina.

"Ba't ang aga mo ngayon?" pagbubukas niya ng topic

"I have an early class but my prof. Canceled it." i answer nakasunod sa kanya papunta sa malapit na cafe.

When we entered the cafe, konti lang yung customers kaya madali lang makahanap agad ng table.

"Ano order mo?" he ask

"Waffles na lang"

"Ikaw, bakit early ka?" i asked, pagbalik niya nung makaorder

"Training" he simply answer

"Order for no. 11" the crew said. Tumayo si Syd na hawak yung table number namin.

Pagkabalik niya yung tray na order na namin yung dala. Inilapag niya sa tapat ko yung plato ng waffles and coffee, yung sa kanya pancake and water lang, at pagkatapos umalis ulit para ibalik yung tray bago umupo.

"Uhmmm...I... I don't drink coffee" i said

"Shoot, oo nga pala, sorry" saad niya at napakamot pa sa batok bago tumayo at umorder ng mango shake.

"Tingnan mo nga yung cellphone ko may sira na ata" he handed his phone to me.

Binitawan ko yung fork and knife ko para kunin yung cellphone niya na inaabot sa akin. Tiningnan ko yung loob ng cellphone niya pero wala naman akong nakikitang mali o sira.

"Wala namang sira, ah?"

"Anong wala? Meron" wika niya at nilipat pa yung upuan sa tabi ko bago siya umupo at siya ang pumindot sa cellphone niya na hawak ko at pinindot yung contacts

"Anong meron dito?" takang tanong ko

"Wala yung number mo" saad niya bago siya sumubo ng pancake. At ngumisi.

Napairap na lang ako at inilagay yung number ko sa phone niya bago ibinalik din kaagad sa kanya.

"Saan ka na niyan?" he asked

""What?"

"Pagkatapos natin kumain saan ka pupunta o tatambay?"

"Maybe library, itutuloy ko na lang yung paggawa ng plates ko" i answered

"samahan na kita" volunteer niya pa

"Sasamahan o guguluhin?" sambit ko at nagtaas ng kilay sa kanya

"Anong oras tapos ng klase mo?" he asked instead

Inilabas ko yung planner notebook ko "11:30, why?"

"Wala sabay tayo mag lunch"

Tumunog yung phone ko, nagkatinginan muna kami bago ko sinagot yung tawag.

Primo's calling...

"Primo, why?" nilayo ko yung phone ko sa akin "gotta go, thank you for the breakfast. See you around" inayos ko na yung mga gamit ko at naglakad na palabas ng cafe

"Saan ka?"

"Papuntang gazebo, why?"

Dumarestyo nga akong gazebo at tinuloy ang paggawa ng plates ko na hindi ko natapos kagabi. Makalipas ang ilang minuto nandito na siya sa harapan ko at ginugulo na ako.

"Wala ka bang assignments, at ang dami mong time para guluhin ako?" singhal ko sa kanya.

Sumimangot naman siya at pasimpleng kumuha ng paper at maker ko, napabuntong hininga naman ako sa kanya. I just let him draw anything. We stayed there for an hour.

"Anong oras ka papasok?" i asked him

"Mamaya?"

"I don't know, why are you asking me? Need to go, may class pa ako" sambit ko at nagsimula ng magayos ng gamit, he helped me too fixed my things.

After class dumeretsyo na ako sa locker kasama si Irish. Ngayon na lang namin siya nakakasama, at sawang sawa na ako sa pagmumukha ni Primo.

"Nakakahalata na ako, ah!" i said after i closed my locker and look at her,

"Ay totoo, lagi na niya kasama kumain yung buong basketball team" singit naman ni Primo

"Ha?" maang niya pa

"Akala ko ba no secrets?" i even arched a brow at her

"E, kasi"

"Ah, nevermind. Tara na, Primo" saad ko kunwari nagtatampo. Sumunod naman si Primo sa akin

"Uy, sorry na sasabihin ko naman e. Naghahanap lang ng magandang timing" malungkot na saad niya.

"Mahirap bang sabihan kami na 'uy, kami ni ano'" i softly said, umiling naman siya

"Dahil nagtago ka sa amin, ilibre mo kami ng lunch!" sambit naman ni Primo, pareho kaming natawa sa kanya.

"Sige, pero kamusta kayo ni Gonzales?" she change the topic, napakunot naman ang noo ni Primo

"Gonzales?" he asked, siya naman yung nakataas ang kilay sa akin.

"A friend?" i simple said, napangiwi naman si Irish.

Pumunta na kami sa cafeteria, tulad ng sabi ni Primo si Irish nga ang nagbayad ng order naman, dahil libre inabuso ni Primo. Dami niyang inorder. Full package. In the middle of eating my phone vibrated, someone texted.

From: unknown

Kala ko pa naman sabay tayo mag lunch:(

-seed

I immediately changed his name and saved his number in my contacts.

To: Seed

You didn't say earlier

Wala pang ilang segundo, nagreply na agad siya.

From: Seed

Akala ko na gets mo:(

To: Seed

Sorry, hindi ko na gets. Next time, Promise:)

Naghintay pa ko ng reply niya, pero hindi na siya sumagot kaya tinago ko na lang yung phone ko sa bag at binalingan sila Primo at Irish na nag aasaran na ngayon sa harapan ko.

"Ang ingay niyo!" sita ko sa kanila. Kanina pa sila hindi tumitigil.

"Free cut daw, Ela"

Tumango lang ako at tumayo na para bumili ng energy drink, dumiretsyo na kaagad ako sa gym. I saw him shoot the ball in three points, bago sila tumingin sa akin. Ang laki ng ngiti niya sa akin habang lumalapit.

"Ba't ka andito?" nakangisi tanong ni Syd akin, pero ako nakatingin sa kanya. Ni hindi ko nga siya pinansin. Dere-deretsyo lang akong nag-lakad patungo sa gawi ni Captain.

"Cap. for you" i said and bite my lower lips, nagulat pa siya pero mabilis ding nakarecover at tinanggap yung energy drink mula sa kamay ko.

Tumalikod na agad ako at lumapit kay Syd na wala ata sa mood. Buti na lang dalawa yung energy drink na binili ko kaya iniabot ko yon sa kanya pero hindi niya ako pinansin at tumakbo na palapit sa coach nila. I was left with my hand hanging. Buti na lang kinuha nung isa niyang team mates yung energy drink kaya naibaba ko agad yung kamay ko.

"Ako na bahala, thank you" nakangiti niya pang sambit. I smiled back at him too.

"Okay, welcome" 

Seeing You In The Crowd (Seeing You Series 2)Where stories live. Discover now