33

1.1K 11 3
                                    

"Hindi ka papasok?"

Nasa kwarto pa ako at nakahiga, naka talukbong ng makapal na kumot. Pumasok si Cali na nakaayos na at handa ng umalis, nakapamewang a siyang nakatayo sa harapan ko. Ang sakit talaga ng ulo ko at nilalamig ako kahit na pinatay ko na ang aircon ng kwarto ko.

"Tangina, ang init mo!" sambit niya, nagmamadali pang umalis, pagkabalik ay may dalawa na siyang tubig at gamot

"Uminom ka ng gamot. bat kasi di ka nagsasabi?" puno ng pag aalalang sambit niya, ininom ko lang yung gamot na binigay niya at nagtalikbong na ulit.

"Malalate ka na, kayo ko sarili ko" paos kong sambit.

"Mamaya pa akong gabi makakauwi. Kaya mo ba talaga? Papadala na lang ako ng tao na magdadala ng gamot mo, ako na din mag sasabi kay Mam na nag sick leave ka" sambit niya at hinalikan pa ako sa noo bago umalis na ng tuluyan.

Dahil sa panghihina ng katawan ay hinatak ulit ako ng antok at nakatulog, nagising lang ako nung marinig ng may nag doorbell. Medyo maayos naman na ang pakiramdm ko kaya nakatayo kaagad ako sa higaan at pinagbuksan ng pinto si Syd.

"Nagtext sa akin si Cali may sakit ka daw" sambit niya at nilapit pa ang palad sa noo ko, napagitla ako at napaurong ng isang hakbang, "sorry" nag iwas siya ng tingin.

Tumango na lang ako at naglakad patungong kusina, medyo masakit pa rin ang ulo ko at nahihilo, hindi din ako nakakaramdam ng gutom. Nag salin lang ako ng tubig sa baso at uminom para mabasa ang natutuyo kong labi.

"Nagdala ako ng lugaw, kumain ka muna bago ka ulit uminom ng gamot at mag pahinga." sambit niya at siya na ang kumuha ng bowl sa cabinet at sinalin ang lugaw na dala.

Kahit na walang gana, kinain ko pa rin yon dahil dinala niya iyon para sa akin bago uminom ng gamot at pumunta sa sofa. Pero bago ko pa makuha ng tuluyan yung laptop ko ay mabilis niya iyon kinuha at inilayo sa akin.

"Magpahinga ka muna, Ela" ramdam ko ang pagkaseryoso ng boses niya. Kaya sumunod na lang ako, umupo siya sa kabilang sofa na pang single. Humiga ako sa mahabang sofa at umidlip lang ng kaunti.

"Cali?" tanong ko, pupungas pungas pa ang mata. Nang wala akong marinig na sagot mula kay Cali ay pumunta ako sa kwarto niya, pero bigo dahil wala din siya doon.

"Wala pa si Cali, mamaya pa daw siya uuwi" sambit ni Syd nung makabalik ako sa sofa, nakaupo na ngayon siya sa hinihigaan ko kanina. Lumapit ako sa kanya at umupo sa hita niya bago pinulupot ang kamay sa bewang niya at sinandal ang ulo sa dibdib niya, nang maging komportable sa pwesto ay nakatulog ulit ako.

Naalimpungatan lang nung nangalay ako sa pwesto ko, ganon na lang ang pagtataka ko nung may nakapulupot na braso sa bewang ko, napaangat ako ng ulo at kita ko ang himbing na natutulog si Syd habang nakaupo ako sa hita niya, ang dalawa kong paa ay nasa gilid ng sofa habang nakaupo sa kanya.

"Syd... Syd..." mahina kong pagtawag sa kanya at niyugyog pa siya ng kaunti. Pupungas pungas ang matang tumingin sa akin

"May masakit ba sayo?" tanong niya agad, umiling lang ako at humiwalay na sa kanya

"Sorry... " nahihiyang sabi ko at nag iwas ng tingin

"Ayos lang, magluluto lang ako"

'Hindi ka na bumalik sa trabaho?" takang tanong ko, alanganin lang siyang ngumiti sa akin

"May sakit ang mahal ko, hindi ako makapag trabaho ng maayos" wala sa sarili niyang sabi.

Hindi ko na lang iyon pinansin at pumasok na sa kwarto para maligo. Pagkatapos maligo ay nagbihis lang ako ng terno pajamas at lumabas na rin, amoy na amoy ang bango ng sinigang na niluluto ni Syd.

Seeing You In The Crowd (Seeing You Series 2)Where stories live. Discover now