18

444 11 1
                                    

"Water?"

Nandito kami ngayon ni Irish sa gym, watching our man play for the last time. Championship na kasi nila next week kaya grabe talaga ang pag tatraining nila. Their new captain wants their last game to be memorable. Graduating na kasi ang iba sa kanila, di katulad ng captain nila na may one year pa para manatili, dahil 3rd year palang naman.

Tumungo siya at kinuha sa kamay ko ang tubig, inilabas ko ang kanyang malaking bimpo para makapag-punas siya ng pawis.

"After the game,what's your plan?" tanong ko, nakatingala sa kanya. Hindi pa kasi siya tapos uminom ng tubig.

"Mag rereview for this sem" sambit niya at umupo sa tabi ko, kahit pawis na pawis mabango pa rin siya.

"And?"

"Mag rereview ulit para sa board exam" he simply said

"May company ka na ba na papasukan, after mo pumasa sa board exam? Kung wala pa, I can recommend you" sambit ko

"Hindi pa naman natin sure kung makakapasa ako." he chuckled, napakunot ang noo ko at tumingin sa kanya ng seryoso

"Papasa ka!" kontra ko

" Sana. kung makapasa. Meron, sa Promela group." sagot niya sa akin, tumango lang ako. Nagpahinga lang sila ng kaunti at pumunta na rin kaagad sa gitna dahil tinawag sila ng bago nilang captain. Medyo strikto din pero mas strikto ito kaysa kay Cap. Khai.

Nagtagal pa kami ni Irish doon bago kami pumasok sa last subject namin. Naglalakad ako patungong faculty room nung nakita ko si Syd at si Candice na nag uusap. Wala naman dapat ikaselos dahil nag-uusap lang naman sila pero hindi ko alam kung bakit sa simpleng pag-uusap nila nagseselos ako!

Ayokong sabihin sa kanya na nagseselos ako sa ex niya dahil kahit anong sabihin kong umiwas siya, ay magkikita at magkikita sila. They're blockmates. At wala din naman akong karapatan diktahan siya kung ano ang dapat niyang gawin dahil girlfriend niya lang naman ako. Ni hindi nga siya nagrereklamo kapag magkasama kami ni Primo, pero ramdam ko din na nagseselos siya kay Primo. Hindi ko naman kayang sabihin kay Primo na lumayo siya sa akin dahil napaka malapit niya sa pamilya ko. Pasalamat na lang talaga ako na si Primo na ang kusang lumalayo.

Nagiwas ako ng tingin nung makita kong nakatingin na siya sa akin. Naglakad na ako patungo sa may pwesto nila dahil malapit sa kinatatayuan nila ang room ng Prof. ko.

"Ito lang yung mga nagpasa?" tanong ni Sir

"Hahabol daw po yung iba" sambit ko, tumango lang siya at nagpaalam na din ako.

Hindi na ko nagulat noong naghihintay siya sa labas at wala na ang kausap.

"Tapos ka na?" tanong niya

"Ikaw, tapos ka na?" balik kong tanong, kaya napakunot ang noo niya. Bumuntong hininga lang siya bago kinuha ang kamay ko at pinag siklop iyon. Gusto niya talaga ang holding hands.

"Bakit?" takang tanong ko

"Hiniram niya lang yung notes ko dahil nawawala daw yung notes niya" sambit niya nagpapaliwanag.

"What?"

"Yang mga matang yan, hindi makakaligtas sa akin! Parang kahit anumang oras dadambahin mo na lang si Candice eh" tumatawa niya pang sambit at tinuro pa ang mga mata ko kaya hinampas ko ang kamay niya at umirap.

Kinuha ko lang ang mga ilang gamit ko sa locker at naglakad na din patungo sa parking. Kinuha niya sa mga kamay ko ang ibang gamit at nilagay sa backseat bago niya ako inalalayan papasok sa sakyan at umikot sa driver seat.

"Saan tayo?" tanong niya

"You look tired, we should cancel it na lang" nag aalalang sambit ko, may plano kasi kaming puntahan ang bagong bukas na mall malapit sa university. Kaso pagod siya at magsisimula na din siya mag aral para sa final exam nila

Seeing You In The Crowd (Seeing You Series 2)Where stories live. Discover now