Chapter 3

4 4 0
                                    

Naramdaman ko naman ang pagtulak nito sa akin
 
  "Why... why did you hug me?" nanlalaki ang matang tanong nito sa akin

Nanlaki din ang mata ko ng ma realize ang nagawa

'Ano ka ba shawn! Hindi pa nga pala kami magkakilala' sabi ko sa isip ko

Pati pala ito magbabago. Nagkakilala kasi kami noon sa harap ng dance studio ng school dahil nabangga ko siya at kung hindi niyo ulit naitatanong ay bad boy yan bago naging kami

  "WHY. DID. YOU. HUG. ME!?" seryosong usal nito habang nakatingin ng diretso sa akin, hindi naman agad ako nakasagot "alam ko gwapo ako pero hindi pa din dahilan yon para bigla-bigla mo na lang akong yakapin"

Sininghalan ko siya dahil sa sinabi niya

  "Walang pinagbago. Mahangin pa din" bubulong-bulong na usal ko

  "Pardon?" -vince

  "Sorry" sabi ko atsaka tumakbo pabalik ng detention room

4 years ang itatagal ko dito sa past. Isa lang ang paraan para hindi na maging mahirap ang lahat. Kailangan ko ng tutulong sakin

2 hours later

  "Na detention ka daw sabi ni paul. Bakit ka na detention?" tanong ni mama

  "Wala lang yun ma" sabi ko pero sinamaan ako ng tingin ni mama "n-nabangga ko po kasi yung bookshelf sa library k-kaya nahulog yung mga libro... aww!" bigla akong binatukan ni papa

  "Yan! Hindi ka kasi nag-iingat" sermon niya sakin

  "Hindi ko naman po yun sinasadya" pangangtwiran ko, napailing na lang silang dalawa

  "Pinapapunta ka ni paul sa bahay nila. May report daw kayong gagawin" sabi ni mama

Nilakad ko lang ang bahay nila paul dahil sa iisang subdivision lang naman kami nakatira

  "Shawn buti naman dumatinng kana. Kanina ka pa hinihintay ni paul punatahan mo siya sa room niya" sabi ng mama ni paul

Umakyat na ako sa taas nung bigla akong tawagin ni tita

  "Shawn anong gagawin mo diyan?" takang tanong niya

  "Pupunta po sa kwarto ni paul" sagot ko 

  "Kwarto ni paul? But... this is his room" turo niya sa kwarto na katapat niya

Gusto kong batukan ang sarili ko dahil nakalimutan ko na ayaw nga pala ni paul na umaakyat-akyat sa hagdan noon

Napapakamot na lang sa batok na pumasok ako sa kwarto ni paul

  "Ang tagal mo" reklamo niya habamg nakaharap sa p.c niya

Hindi ako kumibo kaya tumingin siya sakin

  "Shawn may problema ba?" tanong niya

  "Hindi ako si shawn. Ibang tao ako. Galing ako sa future" seryosong usal ko at hindi naman siya makapaniwalang tumingin sa akin

Ilang segundong tumahimik pero maya-maya ay bigla siyang tumawa ng malakas

  "Hahahah... hahahah... s-sinasabi mo ba yan dahil hindi  ka agad nakapunta?" tumatawang usal niya na nawala din nang makitang seryoso ako  "a-are you serious?"

  "I'm effin' serious" seryoso talagang usal ko

"Sandali... bakit... paanong..." naguguluhang usal niya

Huminga muna ako ng malalim bago nagpaliwanag

Sinabi ko ang lahat maging ang dahilan kung bakit ako bumalik

  "So you're saying naging kayo ni vince pero naaksidente siya at nabaldado dahil sa selos mo?" sabi niya at tumango ako "tapos sa present 8 years ago nung nangyari yung aksidente pero bumalik ka sa araw na nagkakilala kayo which is 12 years ago?"

  "Oo, at 4 years akong mananatili dito sa past bago makabalik sa prensent" -shawn

  "Ang gulo" -paul

  "I know but i need you to help me on something" -shawn

  "What kind of help?" -paul

  "Tulungan mo ako para hindi maging kami ni vince" napamaang ito dahil sa sinabi ko

  "That will be hard" -paul

  "I know. That's why im asking for your help" -shawn

Bumuntong hininga naman ito atsaka alinlangang tumango

Kinabukasan

Dahil sa nalaman ni paul ay pinuntahan niya ako sa bahay para sabay kaming pumasok. Baka daw kasi kung saang classroom ako pumasok

Sinabi din niya sa akin ang mga topic ng class namin para naman daw hindi ako maligaw kapag tinanong ako ng mga teacher namin

Nasa tabi ng gym ang room namin at bago pa kami makalampas sa gym ay may umakbay sakin

  "Ikaw yung yumakap sakin kahapon. So now tell me..." tinanggal nito ang pagkakaakbay sa akin atasaka ako hinarap "do you like me?" seryosong tanong nito habang diretsong nakatingin sa mga mata ko

Napalunok ako

Wrong move shawn...

_________________________________________
Please don't forget to vote, comment, and follow

Please follow my social media accounts:
Facebook: https://www.facebook.com/se.kim.9081
Instagram: https://www.instagram.com/sekim_02/
Twitter: https://mobile.twitter.com/02Sekim
YouTube: https://youtube.com/channel/UCTdvNjcVNNJl44eQLbV3JUg

Thank you so much for reading😊❤

Time Travel (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon