3

324 7 0
                                    

Chapter 03 


"Kailangan mo ring mag avail ng t shirt para sa club", paliwanag sa akin nung secretary nila. Nakikinig lang ako, habang siya nagpapaliwanag. 



Matapos kasi na matanggap ako, pinakilala na ako agad ni Kenzo sa kanila. Buti na lang at mukhang mabait sila,  hindi ako nahihirapan na makisama. Nang magsimula ang klase, tuwang tuwa naman si Asteria ng malaman niya. 



"Nako, galingan mo Jia! Kasi alam mo ba, makakakuha ka ng scholarship sa ganiyan".



"Kahit saang school?", tumango siya. 



"Ano bang plano mong kunin?", tanong niya. 



"Hindi ko pa alam". 



Hindi ako nagsisinungaling, hindi ko ma visualize ang future ko. Kaya siguro bahala na, alam ko namang hindi pwede na bahala na. Siguro makakapag decide rin ako, pero hindi pa ngayon. 



Nagpaalam si Asteria na lalabas, nang sundan ko siya nakita ko na nasa labas si Angelo. Tinignan ko sila, nahihiwagaan pa ako sa kanya. Pero syempre, dahil mahal siya ni Asteria. E 'di support na lang. 



Bumalik siya na may dalang pagkain, nakangiti pa siya kaya nahawa tuloy ako. "Ganda naman".



"Dapat!", tumawa pa siya. 



Naisip ko tuloy 'yung nangyari kanina, ang bait ni Kenzo. Natuwa ako dahil pareho kami ng dahilan bakit namin gusto ang photography. Ang balita ko, honor student din siya. Grade 12 na siya, saan kaya siya mag aaral?



Ano bang pake ko? 



Nakinig na lang ako sa nagtuturo, kailangan kong makinig dahil baka ma excuse ako next week. Magsisimula na kasi ang training, saka hindi ako excuse sa gawain. 



After class as usual magkasama kaming kumain nila Asteria, pero lumilipad ang isip ko kung saan. Hindi na tuloy nasusundan 'yung sinasabi ni Alex. 



"Ayos ka lang?", tanong ni Asteria



Tumango ako. "Masama lang siguro pakiramdam ko". 



Lumapit sa akin si Alex at hinipo ang noo ko. "Wala ka namang lagnat", tumagilid ang ulo niya para suriin ako. "Stressed ka ba these past few days?". 



"Hindi naman".



Inangkla ni Asteria ang kamay niya sa braso ko. "You need to rest, no matter how busy you are. Junior high pa lang tayo, kaya dapat i enjoy mo lang". 




Ngumiti ako at tumango. "Mauna na kayo sa room, may dadaanan lang ako". 




"Saan? Samahan ka na namin?". 



Umiling ako. "Sige na susunod din ako", hindi pa dapat papayag si Asteria, pero hinila na siya ni Alex. 




"Huwag kang makulit baka itapon ka namin", natawa naman ako dahil nagbabangayan na naman sila. 



Pumunta na ako sa kabilang building, may hahanapin lang talaga akong libro, para sa susunod na reporting namin. Habang naghahanap, ay may narinig akong nag uusap sa kabilang bahagi ng shelves kaya maingat akong naglakad, dahil baka ma istorbo ko sila. 




Kukunin ko na sana 'yung libro sa itaas pero nabitin yung kamay ko sa ere ng marinig ko yung sinabi nung lalaki. "Makipag hiwalay din naman ako kay aeril, lagi ngang walang time sa akin 'yon". 




Captured The Remedy (Senior High Series #4)Where stories live. Discover now