35

243 9 0
                                    

Chapter 35

This is the last chapter:) Thank you for reading.
__________________________________________________________

TW: Blood.


I went back to Amsterdam, my heart getting weak as the years past by. I decided to work, ayoko ng umasa sa pera ni papa. I want to stand on my own, bumalik ako sa photography. Kailangan kong kumita, dahil nag pa plano akong magtayo ng studio. Kailangan ko ring magpagamot.


Dumadalas na ang pag suka ko ng dugo, at ang panghihina ko. Sabi ng doctor, hindi bumubuti ang kalagayan ko. Tinigil ko na ang pag inom ng alak, at kumain ako ng healthy foods. Pero ganon pa rin, hindi pa rin nagiging malakas ang puso ko para sa operasyon.


I received a message from Isabelle, she wants me to go home. She asked me to take her a picture for their prenuptial photos. Nanadya ba ang kapalaran sa akin?


"Great! I'll take a picture of my ex's wedding together with my half sister". Ngayon ko lang ata aayawan ang photography.


Hindi ko muna sinagot si Isabelle, sa dami ng tinulong niya sa akin nakakahiya kung tatanggihan ko siya 'di ba? Iniisip ko tuloy kung hanggang ngayon ba wala pa rin siyang alam tungkol sa amin ni Kyle?


Nanghihina na naman ako, na dadalas na kasi ang bagal ng tibok ng puso ko. Nagpa check up na ako kahapon, binigyan na rin ako ng mas mataas na dosage ng gamot.


Nag book ako plane ticket pa Manila, wala na si Cloud sa Pilipinas kaya wala akong makakasama. Si Asteria naman sobrang busy sa bagong career niya, si Alex busy din sa work, he's now a diplomat.


Binenta ko na ang bahay namin ni Lola, alam kong ayaw ni Lola 'yon. Wala naman kasing nakatira doon, sampung taon ako dito sa Amsterdam. Kaya binenta ko na lang, wala akong tutuluyan pag uwi ko.


Ayon agad ang inasikaso ko paglapag ng eroplano sa Fly Philippines, habang nakaupo sa loob ng airport, naghahanap hanap ako ng condo unit around bgc dahil doon din nakatira si Asteria. Mabilis lang naman akong nakahanap, mukhang maganda rin ang location ng building.


Nag book na ako ng grab para hindi hassle dahil ang dami ko ring dala, habang nasa sasakyan naglagay ako ng lipstick dahil namumutla na naman ako. Buti na lang mabilis lang ang byahe, kaya nakarating ako agad sa building.


Sobrang taas non, I wonder kung penthouse ang nasa tuktok. Anyway, sinalubong ako ng may ari ng unit. Around 6 months niya palang daw kasi nabilis ang unit, hindi niya naman daw natitirhan kaya ibebenta niya na lang.


Dinala niya ako doon, at ang ganda nga. May mga cabinet na sa kusina, kumpleto na rin ang cr. May 2 bedrooms, at ang ganda ng location ng unit. Kita mo ang kalapit na establishment, hindi na ako mahihirapan sa pamimili ko dahil may malapit na Ikea.


Nagka pirmahan na kami ng oras na 'yon, kaya nakuha ko agad ang susi at ibang papeles. Ililipat na lang under my name within a day para raw hindi na hassle, binayaran ko na rin ng buo. Ipon ko 'yon sa loob ng 5 taon kong pag tatrabaho sa Amsterdam.


Dahil walang kagamit gamit, ayon ang inasikaso ko. Tinawagan ko si Asteria para tanungin kung free siya, nagulat pa siya dahil ibang number ang pinang tawag ko.


"Hoy gaga ka! Nasa Pinas ka na?".


"Hulaan mo".


"Hala siya oh! Nasaan ka?". Narinig kong nag aayos siya sa kabilang linya. "Hoy, sumagot ka!".


"Bgc".


"Bgc??? Nasa bgc lang din ako, magkita tayo".


"Nandito ako sa Ikea, puntahan mo ako dito".


Captured The Remedy (Senior High Series #4)Where stories live. Discover now