13

148 6 0
                                    

Chapter 13

"I'll help you.."


Ayon ang salitang pinang hahawakan ko, hanggang sa ihatid niya ako sa tapat ng bahay namin. Hindi na muna ako pumasok, dahil panigurado na pag iinitan ako ng bully sa school.


Sinunod ko na lang siya, dahil mas alam niya ito kesa sa akin na bago pa lang sa sa Faina. Mas natatakot tuloy ako sa mga susunod na araw, paano kung hindi lang 'yon ang mangyari sa akin?


Hindi ko sinabi kay lola ang totoo, kasi mag aalala lang siya. Nagsinungaling ako na may sakit kaya hindi muna ako papasok, pinagluto niya pa ako ng lugaw para raw maka kain ako ng mainit.


Tatlong araw akong hindi pumasok, kaya tatlong araw din akong dinadalaw nila Alex sa bahay. Binabalitaan ako sa school, dinadalan din nila ako ng notes, pati libro kaya ayon ang pinag kaka abalahan ko.


"Papasok ka na ba talaga?". Tanong sa akin ni Asteria. "Baka ano na naman ang mangyari".


"Ipapakulam ko sila! Sinasabi ko sayo Jia! Graduate ako ng Hogwarts. Bachelor of Kulam major in Barang". Dagdag naman ni Alex.


"Sira!" natatawa kong sagot.



"Oo nga te, ano ba gusto mo? Pasusukahin namin sila ng pako? o turnilyo?"



Umiling iling na lang ako. Ganyan talaga sila kapag magkasama kami, puro sila biro. Pero kahit papaano nawawala yung lungkot at pag aalala ko.



Kinagabihan, naisip kong mag duyan sa labas ng bahay. May duyan kasi doon sa tapat ng bahay, dahil gabi ay masarap tumambay doon. Tahimik na rin kaya mas makapag isip ka, at nakatulong 'to sa akin.



Tumawag si Asteria kaya sinagot ko. "Hello?"




"Te, nakalimutan ko palang sabihin sayo"



kumunot ang noo ko. "Ang?"



"Yung notes ng lesson niyo kanina, hindi ko kasi nakuha".



"Speaking of notes… Kanino niyo ba nakukuha 'yon?" Hindi siya nagsalita, kaya mas lalo tuloy akong nag isip. "Nandyan ka pa ba?"



"A-ano k-kasi hehehe"



"Jia!" Napa angat ako ng tingin sa tumawag sa akin. Nagulat pa ako kaya agad akong napatayo sa duyan.



Anong ginagawa niya rito?



Binaba ko na 'yung tawag, saka ko siya nilapitan. "Bakit ka nandito?"



"Your friends forgot to take this". Inabot niya sa akin 'yung libro.



"P-para saan 'to?"


"That's our lesson today".



Sa kanya galing yung mga notes? Pero bakit? e halos isulat niya lahat ng explanation at details ah. "Ikaw ang nagbibigay sa akin ng notes?"



Tumango siya. "Take this". Inabot niya sa akin 'yung libro. "Papasok ka na ba?"



"Oo, kaso natatakot ako".


"Don't be. Election day na bukas, you have to vote for the next officers of fucking ssc".


"Sige".


"Okay, I gotta go". Pero bago siya umalis inabot niya sa akin 'yung gatas na nasa karton pa. "Ca symbol, atomic number 12.0016. Calcium".  Tinalikuran na niya ako, saka siya nag lakad papasok sa sasakyan niya.



Captured The Remedy (Senior High Series #4)Where stories live. Discover now