Chapter 2

2.7K 71 4
                                    

Danica stared outside her beach house. Araw-araw ay ganito palagi ang ginagawa ng dalaga sa makalipas na apat na buwan. Ilang beses na din siyang nagpalipat-lipat ng tinutuluyan hanggang sa napagdesisyunan niyang dito na muna manatili.


She didn't want anyone to find her. She wanted to deal her problems by herself. Hindi maipagkakailang kahit ilang beses na siyang nasaktan ay nagiging matatag pa din ang dalaga.

Ilang beses na siyang nadapa pero patuloy pa din siyang tumatayo gamit ang sarili niyang mga paa. She's not a de Rossi for a reason. Isa siyang de Rossi at ang de Rossi ay hindi basta-bastang nagpapatalo kahit pa sa anong hamon ng buhay.

Ngunit, ang problemang ito ni Danica ay hindi niya kaya pang panindigan. She doesn't want to pretend everything is okay that's why she left.

Nagpakalayo-layo siya upang mahalin naman ang sarili niya pero kahit saan yata siya magpunta ay naroon ang presensiya ni Leon at hinahabol siya. She's holding her tea cup for an hour now.

The couple with her simply sighed. Ang matandang mag-asawang katiwala sa beach house niya ay napatitig nalang at napailing. They were concerned about the woman, but they couldn't say anything.

Payo lang ang maibibigay nila sa babae at wala ng iba kahit pa sabihing halos mamatay na ito sa sakit na nadarama ng puso nito. "Gusto mo pa ba ng tea, hija?" Tanong ng matandang babae.

Danica snapped her attention at the old woman and smiled at her. Umiling ang dalaga. "Okay na po ako dito Nana, you know how one cup of tea calms my stomach baka pagsobra magsuka na naman ako ng magsuka," sagot nito at muling ibinaling ang tingin sa alon ng dagat.

Muli na naman itong tumingin sa kawalan. Ang alon-alon nitong buhok ay tinatangay ng hangin habang ang maputla nitong labi ay napangiti na lamang ng mapait. She rubbed her five month old tummy.

Mabilog na ang kanyang tiyan at may kabigatan na rin ito. "There, there, it's okay," she said to herself when her stomach hurt.

Isa siya sa mga babaeng napakatapang at napakatatag kahit pa sa oras ng mga problema at paghihirap. She refused to give up, even though her child's father had cheated on her. She gave a bitter smile. A playboy once was and always will be a playboy.

Hindi niya inaakalang sa pag-iwan niya sa nobyo noon ay naging babaero ito at ang mas malala pa ay ito ang naging dahilan upang lokohin siya nito. Part of her is telling herself that it's also her fault and she agreed with it.

Alam niyang may kasalanan din siya kung bakit naging ganoon ang nobyo noon pero bumawi naman siya. Bumawi naman siya to the point na nakalimutan niya ang bagay na iyon na nauwi sa pagkabasag ng puso niya.

She wasn't expecting it. She had no idea that her love habit was the source of her current pain. An old habit dies slowly.

"Baka gusto mo ng mag-agahan, hija? Ipaghahanda kita ng paborito mo," ani pa ulit ng matandang babae sa kanya. Binalingan niyang muli ang mga ito.

Ang mag-asawang ito ang kasama niya sa beach house na ito lalo pa at hindi siya pwedeng mag-isa sa kalagayan niya. "Sige po," aniya dito at naglakad paupo sa harapan ng lamesa.

She is sitting comfortably in her chair, with Nana Maria's husband in front of her. Nagkakape ang matanda. Ang mag-asawang ito ang bantay ng beach house niya. She bought it years ago in secret.

Walang nakakaalam na may ganito siyang pag-aari sa kahit na sino sa mga kaibigan niya kahit pa mismong ang Kuya niya. This place was peaceful.

Atleast, kahit papano ay nararamdaman ni Danica ang katahimikan at ang paglayo sa siyudad kung nasaan ang mga taong nagpasakit ng puso niya. Her heart is aching not just for herself but also for the life growing inside her.

Hindi lang ang sarili niya ang inaalala niya kundi maging na rin ang buhay sa tiyan niya. Kahit pa sabihing sumuko na siya sa buhay ay hindi niya kaya lalo pa at lumalaban siya hindi nalang para sa kanyang sarili kundi maging na rin sa batang ito.

Inilapag ni Nana Maria ang mga pagkain niya. She eat in despite the fact that she has no appetite. Kumakain siya hindi para sa kanyang sarili kundi para sa baby niya. She needs to.

Kailangan niya dahil hindi siya pwedeng makainom ng gamot. Delikado sa kalagayan niya ang nararamdaman niya pati na sa baby niya. She was fighting for her life for her jellybean.

"Ipagmamaneho ba kita papuntang Doktor mamaya, hija?" Tanong ni Mang Nikanor na siyang asawa ni Nana Maria. Tumigil sa pagsubo si Danica at tumango dito. "Opo, mamalengke na rin po tayo, Mang Nikanor," sabi niya rito.

Nagkatitigan ang mag-asawa bago tumikhim si Nana Maria. Wala silang anak kaya naman malaki ang pag-aalala nila kay Danica kahit pa sabihing amo nila ito.

"Pwede naman ako nalang ang mamalengke mamaya hija, pagdating niyo saka ako yayaon," pag-aalalang wika nito sa dalaga. Ngumiti lang si Danica, ngiting hindi abot sa tenga. Ngiting walang buhay at ngiting-pilit.

"It's okay, Nana para atleast may gawin man lang ako kahit papano," she answered her. Malalim na bumuntung-hininga ang matandang babae maging na rin ang matandang lalaki. Wala silang magagawa kundi ang sundin ang sinasabi ng kanilang amo.

"I assure you, Nana. Nothings gonna happened. Aalagaan ko ang sarili ko," she assured them again. Laglag ang balikat ng mag-asawa. Tumango na lamang ng pilit ang mga ito at bumalik sa kanilang mga gawain.

Bumuntonghininga si Danica, alam niyang naawa sa kanya ang mag-asawa ngunit hindi nila magawang ipakita ito sa babae dahil alam nilang hindi nais ni Danica na kaawaan siya ng iba. She's a strong woman. She can handle these things on her own.

Pinalaki siya ng kapatid niya bilang isang independent na babae at hindi niya kailangan ang iba upang makabangon siya. She can do it on her own. She can do it without them.

Kung noon ay nakaya niya ang mag-isa para sa kaligtasan niya ngayon ay mas paninindigan niya ang sarili niya lalo pa at may buhay nang aasa sa kanya. She used the same phone number and phone, but no one can reach her or track her down.

Pumapasok lang ang mga mensahe nila maliban sa isang numero. She knew tech well. Walang may alam nito kundi ang Kuya niya lang. Alam ng nakakatanda niyang kapatid kung gaano siya katalino pagdating sa mga gadgets pati na rin sa panghahacked.

Her brother never wanted her to get involved in any Mafia business, which is why, despite her computer prowess, Alejandro never allowed her to participate in any de Rossi Mafia transactions. "I'm done, Nana, magbibihis lang ako," tumayo si Danica sa kinauupuan.

Kinain niya lang ang mga pagkaing makakapagbigay sa kanya ng lakas at enerhiya. She didn't touched the pancakes and hotdog.

Ayaw na ayaw ng tiyan niya ang mga pagkaing 'yon. Hindi na niya tinignan pa ang mga matatanda ay umakyat na sa ikawalang palapag ng beach house. She sighed deeply as she entered her room. Ini-on niya ang cellphone.

Tuloy-tuloy ang pagdating ng mga mensahe sa cellphone niya. They are asking her where she is, but she has not responded to any messages she has received. Naupo nalang siya sa kama at napatinging muli sa dagat.

Her eyes are filled with sadness and loneliness. Nanubig ang mga mata ni Danica habang pinagmamasdan ang dagat. Napahawak siya sa kanyang puso bago ang kanyang tiyan. Her heart was clenching so tightly that she couldn't breathe.

"How am I supposed to live with this heartache and sadness?"

Zchneider's Men Series #3: Leon-The Chick MagnateDonde viven las historias. Descúbrelo ahora