Chapter 8

1.3K 72 3
                                    

Danica remained silent as she faced her brother. Erin was standing directly behind Alejandro.

Nasa likod niya naman si Nana Maria at Mang Nikolas na isinama niya sa pag-uwi dito sa Estate. Tahimik silang lahat na nasa loob habang ang babae ay panay ang himas niya sa tiyan dahil kinakabahan siya sa mukha ng kanyang Kuya.

Alam na alam na niya na sasabog na si Alejandro pero pinipigilan lang ito ng lalaki lalo pa at nasa tabi nito ang asawa na pinapakalma ito. "How are, Nana, Mang Nikolas?" Alejandro asked at the old couple.

Napakagat ng labi si Danica. Ang tanong ng kapatid ay para sa mga matatanda pero ang masasama nitong tingin ay sa kanya. 'God, my brother is really pissed-off.' Sabi niya sa isipan niya. Ramdam na ramdam ang tensyon sa loob ng opisina ni Alelajandro.

Sanay si Alejandro na nawawala na lang siyang bigla pero nagpapaalam naman siya pero ito talagang walang alam ang kanyang kapatid. Bonus pa, umuwi pa siyang bilog na ang tiyan.

"Mabuti naman kami hijo, malakas pa naman kami," sagot ni Nana Maria kay Alejandro kahit pa hindi ito nakatingin sa kanya. Erin was keeps on sighing beside her husband. Panay ang hawak ng babae sa balikat ng asawa upang kumalma ito.

"Kayo, kamusta naman kayo ni Erin? Kamusta ang makulit na Prinsesa?" Si Mang Nikolas ang nagtatanong. Imbitado ang mga ito sa kasal ng dalawa kaya kilala nila si Erin. Maging ang pamangkin ni Danica ay kilala rin ng mga matatanda.

"Ayos lang kaming lahat Mang Nikolas, makulit pa din ang unica hija ko at mukhang mas lalong kukulit habang lumalaki siya." Pagbibiro ni Erin upang kahit papano ay bawasan ang tensyon sa loob ng opisina ng asawa.

Ngunit, tila mainit talaga ang ulo ni Alejandro dahil nag-iisa niyang kapatid ang nakataya dito. "Can I talk to my sister alone? Pwede ba, mia bella? Mang Nikolas? Nana?" He asked seriously staring at Danica who just paled and gulped her own saliva.

Masasabon talaga siya ng kapatid niya. Her brother was so angry that they don't need any audience right now. Tumango ang matandang mag-asawa gayon rin si Danica na nakuha pang bumulong sa asawa.

Erin smiled at Danica. Ngumiti lang si Danica sa kanya. Alam niyang namimiss siya ng kaibigan. Lumapit si Erin sa tenga ni Alejandro.

"Don't be hard on her kung ayaw mong matulog sa labas ng kuwarto mamaya." Danica heard it but she didn't made any laughing sound baka mas lalo lang madagdagan ang asar sa kanya ng kapatid. Alejandro kissed his wife's cheeks and nodded at Erin.

"Ihatid mo muna si Mang Nikolas at Nana Maria sa magiging silid nila para makapagpahina," ani ni Alejandro. In a minute, the three was gone. Ang natira nalang sa loob ay ang magkapatid.

Namayani ang katahimikan sa loob ng silid nang makalabas sina Erin. Gabi na ng makarating sila kanina ay takip-silim na kaya rinig na rinig ang huni ng mga insekto sa labas.

Hindi pa din nakakapag-hapunan ang babae pero tila maiihi na siya sa salawal niya habang inaantay na magsalita ang kanyang kapatid. She saw Alejandro sighed.

"Danica, I didn't ask you anything. Basta alam ko lang kung nasaan ka okay na ako roon pero ang mawala ka ng apat na buwan nang hindi nagpapaalam ay nakakapikon at nakakagalit. I delayed picking you up in Palawan to give you time to think. Face your problem now that you're here." Seryosong pangaral sa kanya ni Alejandro.

Danica gulped again. Ibang-iba ang kapatid niya kapag nagagalit kaya nga hindi niya binibigyan ito ng dahilan noon, ngayon palang.

"A De Rossi will never run away from his or her problem; instead, he will confront it and punch the face of whoever is the source of his or her f*cking problem." Wika ni Alejandro sa kanya.

"I know, Kuya. I know pero ang sakit na naramdaman ko ay gaya ng sakit na naramdaman ni Erin noon. Intindihin mo ako, intindihin mo kung ano ang pinagdadaanan ko." Hindi mapigilan ni Danica ang magsabi ng sama ng loob sa kapatid.

Hindi niya mapigilan na napaiyak nalang siya. "You know I don't like any of the De Rossi women crying," matigas na sabi ni Alejandro sa kanya.

Alejandro, for one, was not pleased. "I'm going to murder Sokolov for making my sister cry." The man murmured to himself. Hindi man palaging ipinapakita sa kanya ng kanyang Kuya na nag-aalala ito alam ni Danica na hindi ito mapakali kapag hindi nito alam kung nasaan siya.

Kahit pa nga inalam ng Kuya niya kung nasaan siya ay hindi pa din siya nito sinundo bagkus ay hinayaan siya nito. Bilib si Danica sa bagay na ito sa kanyang kapatid. Sinusuportahan siya nito nang palihim kahit pa saan lupalop pa siya naroroon.

"Matalino ka naman kaya lang mahina ka sa pakikinig iyon palagi ang problema sa'yo," Alejandro furiously said at his sister who was listening to him while gulping.

Totoong ang pakikinig ang kulang sa matatalinong gaya ni Danica. They didn't want anyone to tell them what to do.

They don't want anyone to order them to listen but now, Danica needs to if she want to fix her life. Ang kapatid niya ang nagpalaki sa kanya kaya naman alam niya kung kailan galit at hindi galit ang kapatid.

"I'm sorry, Kuya." Danica muttered at her brother. Nakayuko ang babae at tila batang pinagagalitan ng kanyang ina. Indeed, Alejandro was her parents when their parent died.

Ang lalaki ang umalalay at nagpatino sa kanya palagi siyang sakit sa ulo ng nakakatandang kapatid at hindi na yata matatapos-tapos ito hangga't magkadugo sila.

"You ought to be! I may be heartless to others, but when it comes to you, my wife, and my daughter, I would gladly turn the world to protect you three!" Napatalon si Danica sa biglang sigaw ni Alejandro nang mapatayo ito sa kinauupuan nito.

When her brother saw her reactions to his rage, he sat down and sighed deeply. Alejandro realized he didn't have to vent his rage on his pregnant sister.

He didn't want to stress his sister out with his rage because a baby is a blessing. Pamangkin niya pa din ang ipinagbubuntis nito. This unborn child will be his daughter's cousin and a trusted Mafia member.

Kapag lalaki ito sigurado si Alejandro na aalagaan itong mabuti ni Alerina. His unica hija will surely spoiled her Aunt's child.

"I'm sorry, I'm just frustrated and angry about what you did, but I'll let you go this time because you're going to give me a nephew or niece. Alerina will be overjoyed to have a baby in this family." Tila nabunutan ng tinik ang dibdib ni Danica dahil ligtas siya sa mahaba-habang sermon ng kapatid dahil sa baby niya.

'You are really my lucky charm, baby.' She said at her mind rubbing her belly. She looked at her brother. Alam niyang nasasabik din ito na makakita ng baby sa loob ng Estate. She knew her sister-in-law can't have another baby.

Kahit na ganoon ay alam ni Danica na hindi nabawasan ang pagmamahal ng kapatid niya sa kanyang kaibigan mas lalo lang na nadagdagan ito sa mga nagdaang panahon. Naiinggit siya sa bagay na iyon sa kapatid.

Naiinggit siya at nais niya na sana ay ganito din sila ni Leon kung hindi lang nangyari ang nangyari noon nakaraang apat na buwan. Nagseselos siya na sinarili niya nalang ito."Go! Danica, eat your dinner and rest, tell my wife to come in, and don't listen in from outside. I was certain she had heard everything we had said." Alejandro rolled his eyes.

Napatawa si Danica nang tumayo siya sa kinauupuan niya at napailing, hindi pa din nagbago ang kaibigan niya. Erin is still the Erin she helped in the past.

"Okay, Kuya. I'm sorry and thank you," she said at her brother who just nodded at her and dismiss her. 

Sumenyas pa ang lalaki na lumabas na ito na siyang ikinailing niya. Nang buksan ang pintuan ay muntik pang mapasubsob si Erin sa sahig.

"Go inside. Kuya is waiting for you," she said at her sister-in-law. Erin silly smiled at her with a peace sign. Niyakap siya nito at niyakap niya ito pabalik.

"I'm glad you're back; please don't abandon us again. Face your problem; we are here to help. We will not disappoint you." Bulong nito sa kanya na siyang ikinangiti niya.

She responded with a smile. Erin went to her room after entering her husband's office. Papasok palang siya sa silid niya nang marinig ang boses ng taong apat na buwan na niyang hindi naririnig. The voice was shouting for her name.

"Danica! Babe! Please talk to me!"

Zchneider's Men Series #3: Leon-The Chick MagnateOù les histoires vivent. Découvrez maintenant