13

333 38 0
                                    

                        Brei's POV

Tanghaling tapat nag aayos kaming dalawa ni Jaydee may gala na naman daw. Si Lara naman ang bahala sa lahat hay nako.

Hinihintay na lang namin sila makarating dito at paparoon na.

"Saan ba tayo pupunta ate Lang?" tanong ni Jaydee nang makarating kami sa pagkikitaan namin.

"Oo nga teh san tayo punta?" tanong din ni Coco dito.

Hindi parin ito sumasagot dahil panay ang lingon nito sa paligid niya. Binatukan ko ito para matauhan hindi ata kami naririnig.

"Oo sandali lang, wait." sagot nito at panay parin ang lingon sa paligid.

"Saan ba tayo pupunta?!" sigaw ko dito na kinagulat niya.

"Birthday nga!" sigaw nito pabalik sakin.

"Kaninong birthday?" mahinahong tanong ko dito.

"Hindi ko alam" baliw ba ito pupuntang birthday hindi alam kung kanino.

"Niyaya lang ako nung babae kanina punta daw ako mamaya kasi may handaan." dagdag nito habang nakatingin samin.

"Alam mo Lang siraulo ka talaga. Pano kung may mag aya sayo na babae tas maganda pa sakin, ano sasama ka?" inis na sabi ko dito lingon parin ito ng lingon.

"Oo" proud pa na sabi ni Lara.

"Ay este hindi... Kasi naman may hinahanap ako kung ano ano sinasabi mo" sabi nito sabay siko ko sa kanya.

Nakita na niya yung babaeng nag aya sa kanya at pumunta na kami dun sa birthday hindi padin naman ako kumakain kaya g.

Bakit parang close na close tong si Gabb at si Coleen alam ba to ni Frances. Siguro alam na kasi hindi naman makipag usap yang si Coleen kung hindi sinabihan ni Frances eh.

Pagkatapos din namin sa birthday
ay dinala kami ni Lara sa Skyranch sa Tagaytay. At katulad nga sa una siya ang bahala sa lahat.

Nag usap usap muna kami kung sino sino ang mag sasamasama dahil baka pag mag kakasama kami ay gabihin.

May tumawag kay Lara sa di kalayuan

"Langgggg!!!" sigaw nung babae habang papalapit samin. Agad namang lumingon si Lara sabay Ang ngiti nito, sa harap ko pa talaga gumaganon ah.

"Nile!! Jem!! ginagawa niyo dito ba't nandito kayo." Saad ni Lara nang makalapit ang mga ito.

"Bakit kayo lang pwede dito? charot." pabirong sabi ni Jem sabay ngiti samin.

Kunwari pa tong si Lara pero yun pala inimbita niya yung dalawa tsk.

Nagulat ako nang biglang tumabi sakin si Gabb at bumulong ito sakin.

"Ate, naalala mo yung nag mall tayo tas yung nakausap ni Mommy na babae?"

"Oo, bakit?"

"Kapatid niya yung isa jan sa kaibigan ni ate Lara"

"Si Jem." dagdag pa nito.

Nagulat ako at tumingin dito na para bang nagtataka.

"Hindi ka niya kilala?" bulong ko dito.

"Idk ate, baka hindi kami na kkwento sa kanya ni ate Sela.

--

                       Lara's POV

Naghiwahiwalay kami akala ko sakin sasama si Gabb kayna Brei kasi sumama.

Si Nile at Jem ang kasama ko ngayon tagal kona din kasing hindi sila nakikita eh.

"Siya yung Gabb diba?" tanong sakin ni Jem habang nakatingin kayna Gabb na nakapila.

"Oo, bat mo natanong? may gusto ka dun no?" pang aasar ko dito.

"Hindi baliw, yan yung anak ng ex ng kapatid ko." sagot ni Jem sabay tingin sakin.

Akalin mo nga naman ang liit liit ng mundo parang yung kausap ko lang, alam kaya ni Gabb na kapatid ni Jem si Sela.

--

Sabi ko hindi kami gagabihin eh kaya nga nag hiwa-hiwalay kami eh para malibot lahat tas ngayon di naman kami mag kitakita.

Hays di man lang ako chinat man lang nasa parking lot na pala sila, kala nila makakauwi sila agad wala naman silang susi tsk.

"Tagal mo naman, nilagawan mo pa ata yung dalawa dun." panimula ni Brei nang makalapit ako sa kanila. Kita ko namang tinapik ito ni Jaydee.

"Pag sinabi kong oo anong gawin mo ha?" inis na sabi ko dito.

"Alam mo naman na kaibigan ko lang yun eh, ano bang ipinuputok ng butche mo Jan?!" dagdag ko pa dahilan ng pagkatahimik nito.

Tiningnan ko sina Coleen na nakatingin saming dalawa at ibalik ko agad ang tingin ko kay Brei. Inirapan ako nito at pumunta na sa sasakyan.

"Ano pang tinitingin tingin mo jan? buksan mona yung kotse." tumingin sakin si Brei na nakapamewang.

Hindi ko pinansin ito at binigay ko kay Jaydee ang susi para siya na ang mag drive ayokong makatabi si Brei baka masuntok ko pa siya.

Rinig ko namang humagikhik si Jaydee at tinakpan agad ang bibig nito ng tumingin sa kanya si Brei.

Minsan talaga gusto ko na lang makipag suntukan kay Brei eh hindi yung puro sagutan lang kami, nakakainis kasi napaka selosa.

Bumaba na sina Jaydee at Brei dahil hindi naman sila matutulog samin.

"Kausapin mo ate Lang" bulong sakin ni Coleen habang nakatingin kay Brei na papasok na sa bahay nila.

"Sandali lang!" sigaw ko dito.

"Pagod ako gusto muna mag pahinga, bukas na lang tayo mag usap." sagot nito at dumaretso na papasok.

"Suyo well teh Lang" patawang sabi ni Amy sakin.

Pumasok na din si Jaydee sumakay na din kami sa kotse, gabi narin baka hinahanap na kami samin.

Nakauwi na kami at nagulat kaming lahat ng makita namin si Sela sa labas ng bahay namin. Pano niya nalaman kung san kami nakatira hindi naman siguro sinabi ni ate Abby kasi ayaw niya ngang makita yun.... Si Jem.

Hello, LoveWhere stories live. Discover now