Chapter 4

1.1K 52 14
                                    

Chapter 4: Last Section

It's Monday and yes, may pasok na! Excited na excited nga ako, e. Pakiramdam ko tuloy hindi ako natulog sa sobrang excited! Kanina pa katok nang katok 'tong sina Eugene dahil ang tagal ko raw na naman! Kung alam lang nila na kanina pa ako bihis at nakaligo!

Ready na kaya ako! Hindi pa nga lang ako kumakain. Kinuha ko ang wrist watch ko sa table bago tumingin ulit sa salamin. May uniform na ako at kagabi ko lang natanggap. Ang akala ko nga, e, sa school pa ako kukuha pero hindi pala. Nagulat nalang ako may hinagis na sa mukha ko si Kuya Yroz, iyon pala uniform ko. At ito namang si Eugene, iyong skirt ng uniform ko!

Napaka-papansin talaga! Hmp!

Hindi ko lang type dahil masyadong mainit sa katawan. Ikaw ba naman, may sleeve na ang uniform pero may blazer pa. Tapos pustahahan, walang aircon sa room n'yan! Ang init init na nga tapos ganito pa style ng mga uniform—teka nga, bakit ba ito pinoproblema ko?

Kinuha ko ang ponytail para itali ng buo ang buhok ko. Nag-iwan lang ako ng ilang strand ng buhok sa gilid ko para may atake naman kahit papaano. Tumingin pa ako sa salamin bago mapangisi. Ang ganda ganda ko.

Lumabas ako ng kwarto para makababa na. Whole day ang classes namin. 8:30 ang start. Nakakatamad nga, e, pero dahil excited ako sa new school and new classmates ko, e, naglaho ang katamaran ko. 

Nae-excite ako literal! Feeling ko kasi mabait sila at feeling ko rin, e, makakasundo ko sila. Hindi naman sa feelingera ako, iyon kasi ang feels ko, e. Tsaka, sana hindi sila katulad noong mga lalaki kong classmate noon na sobrang eepal!

"Mika, ano ba, ang tagal mo!" nakarinig ako ng katok sa labas.

"Ano rin ba, e, nagbibihis pa ako! Bakit ba, ah?" Papansin talaga 'tong si Eugene. 

"Tanga, kakain na. Pinapatawag ka ni Kuya. Sabay raw tayong tatlo sa breakfast." Iniwan niya ako agad kahit kakabukas ko palang ng pinto.

Hindi na ako umimik. Bumalik ako sa loob ng kwarto pa kunin 'yong bag ko. Bumaba na rin naman agad ako para naman makakain na ng breakfast.

Naabutan kong nandoon silang dalawa sa dining pero hindi pa nakain. Hinihintay talaga nila ako, ah. Napatingin sila nang mapansin ako.

"Wait, your skirts are too short," ngumiwi si Eugene nang makita ang palda ko.

Hindi naman maikli! Taas naman siya ng tuhod kaya hindi siya maikli para sa akin.

Napatingin ako sa kaniya. Black ang slacks nila at naka-uniform rin na may sleeve, may blazer rin na black. Iyong necktie ng uniform namin ay pure black lang. At nakalimutan ko, may surname kami sa gilid ng uniform pero iyong akin ay hindi ko pa naipapalagay. Sa susunod nalang siguro.

Tsaka, ang clean cut nilang dalawa! May salamin pa rin sa mata si Kuya Yroz dahil may konting grado pala ang eyes niya. Akala ko for being papogi niya lang 'yong ginagawa.

"Ito ang binigay niyo, 'di ba?" sabi ko naman.

"Oo nga pala..." Napaisip siya. "Kuya, next time kaya mag-request ka ng palda. Iyong hangggang talampakan?" Nilingon niya si Kuya Yroz.

Binato ko siya ng nadampot kong table napkin. "Baliw ka ba? Ang haba no'n! Okay na 'to! Papansin kayo, 'no?"

Ngumiwi lang siya sa akin hindi na nagsalita.

"That was a good idea..." Napaisip rin si Kuya Yroz. "Next time or maybe... magpatahi nalang for your new skirt?" Tiningnan niya ako.

"Seryoso ba kayo d'yan? Wala kayong makikita sa School na ganoong kahaba ang skirt. At please, huwag ako pagtripan niyo. Lakas ng toyo niyo, e."

The Last SectionWhere stories live. Discover now