Chapter 11

1.2K 56 56
                                    

Chapter 11: Girlfriend

Kanina pa ako nasa kwarto at hindi na naman ako dinadalaw ng antok. Kakatapos ko lang rin mag-dinner kasama si Eugene at Kuya Yroz. Yep, nandito na pala si Kuya kanina pa, nauna pala siya sa amin. Hindi ko nga alam kung pumasok ba talaga siya, e. Naabutan kasi namin na naka-pambahay lang siya. Hindi nalang ako nagtanong dahil busy na rin siya.

Nanonood ako kanina kaso pinatay ko dahil na-bored ako. Sandali akong gumilid. Nakita ko ang picture namin ni Mama kaya saglit kong kinuha para pag-masdan. Bumuntong-hininga ako at hinaplos ang picture niya.

"Hay... miss na kita, Mama," bulong ko.

Namismiss ko si Mama pero hindi na ako naiiyak. Unlike before na kada-sasabihin mo 'yon, e, naiiyak talaga ako. Talagang hikbi ang nangyayari tapos makakatulugan ko na ang pag-iyak. Iba rin naman kasi talaga ang sakita kapag mahal mo sa buhay ang nawala tapos sa akin, sariling Mama ko pa kaya talagang masakit.

"Masaya naman ako dito. Masaya ako na may tumatayong ina para sa akin pero hinahanap ka pa rin ng puso ko. Miss na talaga kita. Bakit kaya kailangan mong mawala agad, 'no?" mahina kong sinabi at niyakap ang picture. "At bakit kaya kailangan mong makuha ang sakit rin na 'yan?"

Nasa lahi na namin ang pagkakaroon ng cancer, sa lahi nila Mama. Namatay si Mama dahil sa brain tumor at namatay naman ang grandfather ko dahil sa lung cancer. May history na pala ng ganoon sa side namin. Kahit 'yong great grandmother ko, cancer rin ang ikinamatay. Hindi ko alam kung totoo ba na nakukuha 'yon pero dahil sa mga nalaman kong sakit ng pamilya ko, hindi ko maiwasang maniwala. 

Walang kapatid si Mama pero may mga pinsan siya at may anak na rin. Minsan lang kami magkita ng mga pinsan kong 'yon dahil nasa ibang bansa o hindi naman kaya ay abala sa business nila. Ako ang nag-iisang bunso sa buong angkan ng mother side ko tapos nag-iisang babae pa.

"Sana masaya ka ngayon, Mama." Hinalikan ko ang picture niya. "Pwede na kitang dalawin sa cemetery kapag dumating ang weekend." Ngumiti ako at nilapag nang muli ang picture niya.

Cellphone ko naman ang nag-ring. Bumangon ako para kunin doon sa study table. Pangalan kaagad ni Papa 'yong nakita ko sa screen.

Pumasok sa isip ko 'yong nangyari kanina. Ampucha, baka may nagsumbong na sa kaniya. Kinakabahan tuloy ako. Sandali akong huminga nang malalim bago sagutin 'yong tawag. Mabuti naman tinawagan niya 'ko, kahapon kasi hindi, e.

"Hello, Papa?" bungad ko.

"[Akala ko tulog ka na. How are you? I'm sorry, hindi ko kayo natawagan kahapon.]"

Dumapa ako sa kama bago sumagot. "Okay lang naman ako, kami nina Kuya Yroz. Kayo nila Tita Yvell? Miss ko na kayong dalawa, Papa..." bahagya akong napanguso. 

"[And we missed you too, Mika, so much. Everything is getting fine. Nagiging maayos naman na ang lahat kaya pwede na namin iwan. Besides, our family were invited sa isang gathering and we must be go there. Nakakahiya kung hindi natin sila siputin doon.]" Narinig ko ang boses ni Tita Yvell sa background, mukhang may sinasabi. 

Ano naman kaya klaseng party 'yon? Ano ba 'yan, party kaagad ang ganap. 

"Uhm, so bali mga next week, uuwi na kayo?" napangiti naman ako nang maalalang nagiging maayos na pala ang lahat.

"[We are not sure yet, but hopefully yes. By the way, how's your School?]" pag-iiba ng topic ni Papa.

Humikab ako. "Okay naman ang School ko pa, nakatayo pa rin naman," sagot ko naman.

Nakarinig ako ng buntong-hininga. "[I forgot, pilosopo ka nga pala. What I mean is how's your day in your School? I hope you're getting close with them.]"

The Last SectionWhere stories live. Discover now